KABANATA 7

7 2 0
                                    

Duchess POV

Estaca Bay

"Babe..."

Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon ni Taylor.

"Mm." tipid na sagot ko, at kinusot ko pa ang aking mga mata.

"Malapit na tayo, ginising lang kita maganda kasi ang sunrise, hehehe." sagot ni Taylor na nakatingin sa labas.

Napatingin ako sa labas, at doon ko nga nakita ang pagsikat ng haring araw. Nasa National Road na kami at may natatanaw na akong mga kubo na nasa tabing dagat. Nababatid kong iyon na ang Estaca Bay, nakaramdam ako ng excitement. Napatingin ulit ako sa papasikat na araw mula sa dulo ng karagatan na nasa itaas na ng kabundukan, pataas na ng pataas ito.

"Ang ganda, hindi ba babe?" manghang saad ni Taylor kaya naman ibinaling ko sa kaniya ang aking paningin. Ngumiti ako, ang cute nyang tingnan.

"Oo nga eh, magandang tingnan yung paglabas ng araw mula doon sa likod ng mga bundok." nakangiting sagot ko.

"Mas maganda ka pa 'ring tingnan." malambing at sensiro niyang tugon.

Napangiti ako sapagkat kinikilig ako, ANO BA?' Hahaha

Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho at pasimpleng sumusulyap pa siya sa akin na may ngiti sa mga labi.

Kinandong ko yung unan na ibinigay nya sa' kin kanina.
Balak ko sanang dito na lamang ibigay ang regalo ko sa kaniya pero mas maiging doon na lamang sa resort para mas espesyal.

Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang magkaka sunod na kotse nina Jake at Justine. Nasa gitna kami ng National Road at nahagip na ng mata ko ang karatula ng Estaca Bay Resort.

"We're here." si Taylor.

"Yeah, nakakaramdam na rin ako ng gutom. Hahaha." sagot ko naman at hinimas pa ang tiyan ko. Bahagya din siyang natawa sa tinuran ko.

"Kakain na muna tayo ng almusal, then swimming na."

May nag assist sa amin papunta sa parking lot ng resort, medyo hindi ganoon kalawak ang parking at kung sakaling nagdala kami ng kotse bawat isa ay meron pa namang mapag paparking-an, ngunit hiwalay na at doon na sa may bandang gate. Bumaba si Taylor at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ito bago dahil palagi nya itong ginagawa. Napaka gentleman.

"Thanks babe." saad ko nang makababa ako sa kotse nya. Nginitian nya lang ako at pumunta sa compartment para kunin ang mga gamit namin.

Naglakad ako papalapit sa front desk nung makita ko na nandoon na sina Eza. Kasunod ko si Taylor na dala-dala ang gamit naming dalawa. Naka upo sina Alyzza na ngiting-ngiti na nakatingin sa dagat katabi nya naman si Ate Venice sa sofa na naroroon. Nakatayo naman ang mga boys at nagmamasid-masid sa paligid. Dumeretso ako sa kung saan naroroon sina Eza, habang si Taylor ay dumeretso naman sa babaeng sa tingin ko ay siyang tagapag bigay ng mga rooms at cottages.

"Oh? Nasaan na daw pala yung kapatid mo Bryan?" si Anna.

"Papunta na raw sila dito." ani Bryan.

"Kakagising lang ba nila? Wait pupuntahan ko muna si Taylor, para makuhanan na rin sila ng room." sambit ko at agad na tumungo kay Taylor.

"Babe, kuhanan mo na din ng room sina Clarisse." sabi ko at humawak sa braso nya. Ngumiti naman sya.

"Okay na babe. All done." sagot nya sa akin.

Nakahawak pa rin ako sa braso nya at maya maya pa'y biglang dumating sa tabi namin sina Alyzza.

The Heart Knows (On-going) Where stories live. Discover now