KABANATA 4

29 7 0
                                    

Lucky to have them

"Duchess!!" narinig kong sigaw ni Eza sa cafeteria.

Tumingin ako sa kanila at naglakad habang hawak ko ang aking ulo. Sobrang sakit, fuck this hangover!

Naramdaman kong may umalalay sakin sa paglalakad. Its Taylor. Sa amoy palang alam ko ng sya ito.

"Kumain kana ba?" nag aalala nyang tanong habang naglalakad kami papunta sa table nina eza.

Tumango ako kahit hindi naman talaga ako kumain. Dahil nga late akong nagising kanina. At ayaw ko syang mag alala at mapagalitan nanaman ako! Baka mamaya ay halikan nanaman ako neto. Hahahaha!

"Ella! Ano na? May plano ba kayo sa birthday ni taylor?" naka ngising bungad ni Alyzza.

Umupo muna ako at tiningnan si Taylor. Ngumiti sya sa akin.

"Meron naman, saan nyo gusto?" umupo nadin si Taylor sa tabi ko.

Lumapad ang ngisi ni Alyzza, I know naman na mahilig sya sa mga gala kaya hindi na ako mabibigla kung sasabihin nyang mag out of town kami.

"Why not kung mag swimming tayo?" kumikislap pa ang mata nya dahil sa ngiti.

Hay naku! Hinayaan ko silang mag usap at bumaling ako kay Eza na ngayon ay katabi si Justine.

Kinalabit ko si Eza at sumenyas na bibili kami sa counter. Kaya tumayo sya at inakbayan ako.

Nagulat ako nang bigla nyang sinundot ang tagiliran ko. What the! Anong problema nito!

"What?!" naiirita kong tanong na mas lalong nag pa ngisi sa kanya.

"Ikaw ah! Kamusta yung kasayawan mo kagabi?" bulong nya sakin habang tumatawa.

What? Naaalala nya pa iyon? Bigla akong namula nang naalala ko ang pagsayaw namin ng lalaking iyon at lalo na ang paghahalikan namin.

"Wala iyon! Ano kaba, sayaw lang naman 'yon no! At tyaka tumahimik ka dyan baka marinig ni Taylor!" hinila ko sya papunta doon sa counter. Umorder muna ako ng spaghetti at lemon juice bago ulit hinarap si eza.

"Okay sis! Pero alam mo yun? Parang kakaiba sya sa pakiramdam ko eh... parang iba talaga sis!" naka hawak pa sya sa kanyang baba na para bang nag iisip.

Napa buntong hininga ako, gusto kong ilihim ito pero kay eza gusto kong sabihin.

"Eza... may sasabihin ako. Pero huwag kang maingay ah!" bulong ko sa kanya.

"Ano yan? Naku! Go na sis, wag pa suspense." na eexcite nyang sabi.

"Naghalikan kami nong lalaking yun!" bulong ko ulit sa kanya.

"WHAT!?" pasigaw nyang tanong, kinurot ko kaagad ang braso nya. Ang ingay! Nakakainis! 

Nakita kong napa tingin sa amin sina Taylor. Nag peace sign lang kami sa kanila at awkward na ngumiti.

"Gaga! Wag kang maingay! Secret lang natin yun ah! Walang ibang makakaalam!"

"The heck Ella? How come?" gulat at tumatawa nyang tanong.

"I don't know! As in he just kissed me and I kissed him back. Lasing ako kagabi eh, drunk kiss ganon!" pagpapaliwanag ko.

Tumawa sya nang tumawa. Pinanuod ko lang syang tumatawa. Sige tumawa ka lang dyan, mabilaukan ka sana ng laway mo para ligwak kana agad dyan! Hayop to, pinag tawanan lang ako? What so funny?

"Okay, secret lang natin yun." sabi nya nung tapos na syang tumawa at sinundot ulit ang tagiliran ko.

Napatalon nanaman ako. Tangina talaga!

The Heart Knows (On-going) Where stories live. Discover now