KABANATA 2

40 10 3
                                    

Stupid

Nagising ako nang maaninag ko ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Nakatulog pala ako kagabi habang hinihintay ang tawag ni mommy, napa balikwas ako sa kama ko at tinignan kaagad ang cellphone ko. Ngunit wala ni isang text o tawag ni mommy, nakita ko ang text ni Taylor.

Message Received.
From: Babe❤️
Good morning babe, wake up. Mauna na ako sa school ha. Iloveyou.

Hindi ko na sya nireplyan at dumiretso na ako sa cr para makapag shower dahil alam kong late na ako. Balak ko sanang huwag na munang pumasok pero may exam kami ngayon sa major subject namin.

September na ngayon, kung kailan pa na malapit na yung birthday ni mommy tyaka pa sya umalis at iniwan kami. Hindi ako sanay na wala si mommy, pero hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Bakit nya naman ako iniwan, totoo ba talaga yun na pupunta sya sa kabit nya? May iba naba syang pamilya? Ang bilis naman, hindi iyon magagawa ni mommy.

Naabutan ko si daddy sa dining room namin, kumakain sya at nasa harap nya yung laptop nya, napasulyap sya sa akin at napayuko ako. I know daddy's hurt, Im sad kasi wala akong nagawa kagabi, pinauwi nya ako ng maaga para pigilan si mommy sa pag alis, pero wala akong nagawa.

"Ano oras pasok mo, kumain ka muna." Sabi nya at sumimsim ng kape.

"Late na ako dad, siguro doon nalang po ako kakain sa cafeteria." Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisnge nya. Im about to leave na, pero kailangan kong humingi ng tawad kasi hindi ko napigilan ang pag alis ni mom. "Dad..." Napatingin sya sa akin, bakas sa mga mata nya ang puyat at pag iyak, naaawa ako kay daddy.

"Im fine Ella, you should go na at late kana..."

"No dad... I want to apologize..." Umupo ako sa katabi nyang upuan. "Im sorry po kung hindi ko napigilan ang pag alis ni mommy, hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita kong... aalis sya." May mga luhang pumatak sa mata ko, agad ko iyong pinunasan.

"Ella, wala kang kasalanan..."

"Pero babalik naman si mommy diba? Babalik pa sya..."

"Hindi na sya babalik Ella, nag file na sya ng divorce at ako nalang ang hinihintay nyang pumirma doon."

"Kailan pa to nangyayari dad? Bakit wala akong alam? Pero hindi mo naman yun pipirmahan diba, diba dad I know you love mom, alam kong hindi mo sya pakakawalan..." Umagos muli ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero ang sakit, bakit wala akong alam na aabot sa ganito, nagpabulag ako sa mga iniisip ko na hindi sila aabot sa dito.

"Im sorry for keeping you this, ayaw ko lang din na maapektuhan ka dahil dito, ayaw na sa akin ng mommy mo at wala akong magagawa doon... oo mahal ko sya pero hindi ko sya pipiliting mahalin ulit ako..." Hinarap nya ako sa kanya, marahan nyang pinunasan ang mga luha na patuloy parin sa pag agos.

"Totoo ba, na may iba na syang pamilya?" Tinitigan ko ang kanyang mga mata, nakita ko ang lungkot sa mga ito.

"Oo may bago na syang pamilya..." Napayuko sya at nakita kong pasimple nyang pinunasan ang kanyang mga luha na ngayon ang unti-unting pumapatak. "Masaya na sya, matagal ko nadin syang pinilit na bumalik sa atin pero paulit-ulit din syang tumatanggi..."

"Since when dad? Bakit wala akong alam baka napigilan ko pa si mommy."

"It's about 1 year na Ella, Im sorry..."

Napa sapo ako sa ulo ko dahil sa isang taon na iyon ay wala akong nagawa, baka napigilan ko pa si mommy. Pero isang taon na, kaya pala lagi silang nag aaway ni dad dahil pala sa annulment na ayaw pirmahan ni daddy, pero last month kakasabi lang ni mommy na pupunta kami this christmas sa Canada, at sinabi nya din na sa akin nya ipapamana ang Cliford University. Kampante ako doon, I know mom, pinapanindigan nya yung sinasabi nya. Pero bakit hindi nya manlang ako kinausap kagabi, umalis sya na kahit good bye wala.

The Heart Knows (On-going) Where stories live. Discover now