CHAPTER 35

1K 24 6
                                    

CHAPTER 35

Sabado ngayon kaya naman wala akong pasok. Imbes na manatili lang sa bahay ay mamamasyal nalang muna ako kasama ang mga pinsan ko

Actually, napag-usapan na talaga namin last week na magkikita kami ngayong Sabado ngunit tinanggihan ko sila. Pero s'yempre ay wala naman akong magawa sa bahay dahil wala naman akong makausap kahit 'di naman ako nag-iisa dito sa bahay. Kagabi ko lang sinabi sakanila na papayag na akong mamasyal kami, bonding na rin namin kasi itong magkakasama

It's already eight in the morning at ang usapan namin ay 10 AM dahil mananatili namuna daw kami sa condo ni Lemon. Hindi ko alam kung pa'no nila napapayag si Lemon na manatili kami sa bahay niya. Knowing Lemon, hindi basta-basta pumapayag sa mga gano'ng bagay lalo na at ayaw niya sa maiingay

Dahil medyo maaga pa naman ay hinanda ko nalang muna ang mga gamit na dadalhin ko mamaya papunta kina Lemon

Konti lang naman ang gamit na dadalhin ko pero wala akong magawa kaya hinanda ko nalang muna ito. Alcohol, tissue, wallet, lipstick, and phone lang ang dadalhin ko kaya naman nilagay ko na ito sa pouch ko

Matapos non ay napag-desisyunan ko ng maligo dahil naalala ko na medyo matagal rin pala akong mag-ayos. Nagtagal pa ako ng kaunti sa banyo bago naisipang lumabas na para magbihis

Nagsuot lang ako ng red fitted dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba, inayos ko rin ang buhok ko at medyo kinulot ito sa bandang dulo. Napatingin ako sa leeg ko at nakita doon ang wedding ring ko na ginawa kong kwintas, napabuntong-hininga ako at hinubad ito bago ko ito nilagay sa ibabaw ng drawer ko

Muli akong tumingin sa salamin upang makumpirmang nakaayos na ako. Nang matapos ay tsaka lang ako lumabas ng kwarto ko para umalis na. Bago ako tuluyang makaalis ay medyo nagulat pa ako nang makita ko si Kai na nakahiga sa sofa

Diyan siya natulog?

Napabuntong hininga ako at dumiretso sa kwarto niya para kumuha ng kumot niya. Muli akong bumaba para ilagay sakaniya ang kumot bago tuluyang umalis ng bahay

Dala ko ang kotse ko papunta kila Lemon. Pagdating ko sakanila ay nandoon na silang lahat at ako nalang ang hinihintay. Hindi naman ako late, sadyang maaga lang silang dumating

Sinalubong agad ako nila Melon at Orange ng yakap samantalang si Lemon ay tanging tango lang ang ibinigay sa akin, 'di rin naman ako nagulat doon

Wala si Berry dahil may iba daw siyang nakaplanong lakad ngayon, babawi nalang daw siya sa susunod

Pansin ko ang lalaki na nakamasid lang kay Lemon, 'di ko pa man ito nakikilala ngunit may hula na ako kung sino ito. Nabanggit rin dati nina Orange na may bodyguard si Lemon kaya naman baka siya nga iyon

Hindi mo agad mahuhulaan na bodyguard ang lalaking nakamasid kay Lemon dahil una sa lahat ay 'di siya mukhang bodyguard, he looks like a.. Businessman? Lawyer? He wears tuxedo

Hindi ko nalang ito pinansin dahil mukha rin namang ayaw magkwento ni Lemon

Kumain muna kami ng hapunan at nagkwentuhan dahil medyo matagal rin naming hindi nakita ang isa't isa

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapatingin ako kay Orange. Napansin kong parang domoble ata ang ngiti niya ngayon, pala-ngiti naman talaga si Orange pero kasi ngayon ay mas domoble pa ang saya niya. I wonder why

Nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya ay bigla rin siyang tumingin sa akin at imbes na magtaka ay tumawa pa ito

"Ikaw, Light, ah! Crush mo 'ko, noh?"  Pang-aasar niya "Kanina ka pa tingin nang tingin sa 'kin"

Fixed Marriage With My ExWhere stories live. Discover now