CHAPTER 10

1.2K 30 6
                                    

CHAPTER 10

Pagkadating sa bar na sinasabi nila ay kusa na akong bumaba, gano'n din naman si Kai

Pagmamay-ari ito ni Sean kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit Sean's ang pangalan ng bar na ito

Sabay kaming pumasok sa loob ng bar, maingay na tugtog agad ang bumungad sa amin at mga taong nagsasayawan sa dance floor

Nakita naman agad namin ang mga pinsan at kaibigan niya kaya pumunta na kami sa table nila at umupo

Nag-kwentuhan muna kami sa table namin. Napuno ng tawanan ang table namin dahil sa mga biro ni Sean

Sinamahan pa ng mga loko-loko kong pinsan kaya mas lalong umingay

Nakikitawa lang ako sakanila pero hindi ako sumasali sa usapan dahil wala naman akong sasabihin

Dahil hindi naman ako sumasali sa usapan nila ay pinagtuunan ko nalang ng pansin ang alak na nasa table namin at ininom ito. Kumuha ako ng lemon at piniga agad ito sa bibig ko nang mainom ko na ang alak

"Dahan-dahan lang sa pag-inom, mababa ang alcohol tolerance mo" pagpapa-alala sakin ni Kai na nasa tabi ko ngayon

Tumango lang ako sakanya at muling uminom, halos ako lang ang nakaubos ng isang bote ng whiskey

Maya-maya pa ay may isang babaeng lumapit sa table namin na deretsong nakatingin kay Kai. Siya yung kanina ko pa na napapansin na pasulyap-sulyap sa table namin. Base palang kung saan siya nakatingin ay alam ko na kung sino ang pakay niya

Napatingin rin si Kai sakanya nang huminto ito sa harapan niya. Hindi ko maitatangging maganda nga ang babae at halatang-halata ang kurba ng kanyang pangangatawan

"Hi, I'm Chesca" pagpapakilala ng babae kay Kai

Naglahad pa siya ng kamay kay Kai kaya tinanggap naman ito ni Kai

"Kairyx" simpleng sabi niya

Nakita ko pa ang pag-upo ng babae sa tabi ni Kai bago dilaa nagpatuloy sakanilang pag-uusap. Dahil katabi ko lang si Kai ay naririnig ko ang pag-uusap nila, napairap nalang ako sa kawalan

Dahil wala naman akong pwedeng pagka-abalahan maliban sa alak ay doon ko nalang itinuon ang pansin ko at diretsong ininom ito

Nang muli akong mapalingon sakanila ay nakita ko pa ang kamay ng babae na nasa lap na ni Kai kaya nag-iwas nalang ako ng tingin

Nagpaalam saglit ang babae na pupunta siya sa cr kaya napatingin pa ako sakanya nang tumayo siya at umalis bago ako muling uminom

Naubos ko na ang bote ng alak ngunit hindi pa ako nakuntento kaya kumuha ulit ako ng isa at tsaka tinungga ito nang maramdaman kong may umagaw nito sa akin

"Hey, umiinom pa ako" sabi ko kay Kai bago siya sinamaan ng tingin

"I said don't drink too much, right? Ang tigas talaga ng ulo mo, Montereal" may bahid ng galit na sabi ni Kai

Is he mad at me? Why? I'm just drinking

"It's none of your business, Collins" malamig kong sabi sakanya bago muling inagaw ang bote ng alak na hawak niya

"You're my business"

Lasing na ata talaga ako, kung ano-ano na ang naririnig ko

Dahil dalawang bote na ng magkaibang alak ang ang nainom ko at mababa lang ang alcohol tolerance ko ay ramdam ko na ang epekto ng alak sa buong sistema ko, medyo nahihilo narin ako

"Sayaw tayo!" yaya ni Orange na agad na ikinatango ko kaya tumayo nalang ako bilang pag-sang-ayon

Muntik na akong matumba sa pagkatayo ko pero buti nalang ay nahawakan ni Kai ang bewang ko. Hindi ko siya pinansin at muling tumayo

Fixed Marriage With My ExWhere stories live. Discover now