CHAPTER 24

1K 25 3
                                    

CHAPTER 24

Kanina ko pa gustong i-untog ang sarili ko sa pader dahil sa katangahan ko kaso lang ay mas naaawa ako sa pader at baka dahil sa katigasan ng ulo ko ay siya pa yung masira 

Bakit ba kasi ako pumayag sa deal na 'yon? Wala naman akong mapapala do'n! Just to prove myself that I am not attracted to him, I agreed with our deal!

Biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito hindi ko pa nakikita kung sino ang tumawag pero sinagot ko na agad ito

"Hello?"

Dahil wala ako sa wisyo ngayon ay hindi ko agad narecognize ang boses ng tumawag

"Sino 'to?"

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng babaeng nasa kabilang linya

"Ako 'to si natoy na mahal na mahal ka"

Napairap nalang ako sa kawalan ng makilala na ang boses ng tumawag

"Funny ka, Orange, haha" sarkastiko kong sabi "Bakit ka tumawag?"

"Gala tayo!"

Madalas naman talaga kaming gumala magpipinsan pero parang feeling ko may sasabihin siya na mas importanteng bagay kaya siya nag-aaya

"May sasabihin ka, noh?

"Tsk! Basta pumayag ka nalang"

I chuckled

"Sabihin mo muna salamat shopee" pang-aasar ko pa

"Funny ka, Light"

Mas lalo akong natawa sakaniya, sa huli ay pumayag nalang ako kaya nagsimula na akong mag-ayos sa sarili ko

Nang matapos ay agad na akong bumaba, nag-iwan nalang ako ng note at idinikit ito sa ref dahil wala si Kai sa sala kaya baka nasa kwarto siya ngayon at natutulog. Dumiretso na ako sa lugar na pinag-usapan naming pupuntahan ni Orange

Nandon na si Orange nang makarating ako, kasama rin ni Orange ang iba ko pang pinsan na sina Berry at.. Lemon?? Wow, first time! Minsan lang kasi sumama sa amin si Lemon kaya nakakapagtaka talaga

Nang makita nila ako ay niyaya agad nila akong maupo kaya umupo na ako katabi si Berry at kaharap naman namin si Lemon. Nag-order na rin kami ng food at nagsimulang mag-kwentuhan

Hanggang sa mapunta ang topic sa love life at napansin namin na bigla nalang napabuntong hininga si Orange. I knew it!

"What's the problem, Orange? Hindi ba maganda lovelife mo?I'm sure maraming nagkakagusto sa 'yo"

Ni hindi na nga kailangan ni Orange mang-akit ng lalaki dahil wala pa siyang ginagawa ay kusa na itong lumalapit sakaniya

She pouted like she wanna cry

"I have a crush" sabi niya

Di na ako nagulat dahil marami naman talaga siyang crush

"And?" tanong ni Lemon

"K-Kaso.. 'di niya ako crush" she pouted again

Imbes na palakasin ang loob niya ay tinawanan ko lang siya ng malakas habang si Lemon naman ay uminom lang ng juice na parang walang pakialam

"Why are you laughing?! He rejected me!"

Mas lalo ko lang siyang tinawanan

"Bakit ka nga ba niya hindi nagustuhan?" Tanong ko

"Iyan rin ang tinanong ko sakanya!"

"Anong sagot niya?"

"H-Hindi niya daw ako type!"

Tinawanan ko ulit siya dahilan para samaan niya ako ng tingin kaya iniiwas ko nalang ang tingin ko at nagpigil ng tawa

"Malay mo nagpapakipot lang" Sabi ko nalang dahilan para magliwanag ang mukha niya

"Baka nga! Kasi sino ba naman ang tatanggi sakin 'di ba?"

"Yung crush mo" Pambabara ni Lemon bago tumingin sa akin "Huwag mo na nga 'yan paasahin Light, sadyang hindi ka lang niya talaga type kaya ka nireject, okay?"

She pouted again

"Grabe ka sa 'kin Lemon! Palibhasa hindi ka pa nagkakaroon ng crush" Sabi pa ni Orange sakanya

Napailing nalang si Lemon at muling uminom

"Ano bang type niya?" Pagtutukoy ko sa crush niya

"Hindi ko rin alam" Sabi ni Orange habang nakasalumbaba "He just said that I'm too young for him"

Muli akong natawa sakaniyang sinabi

Poor, Orange

"How older him?" Lemon asked

"He's 22"

"And you're 18" Pang-aasar ko

"What's the problem with that? Age doens't matter"

"Seriously? Age doesn't matter? Linyahan ng mga taong nagkagusto sa mas matanda sa kanila" I said

"Age is just a number, duh!" Orange rolled her eyes

"Sige, paasahin mo pa ang sarili mo" Saad ni Lemon "But always remember our number one rule"

"Bawal marupok" Sabay pa naming sabing tatlo dahilan para matawa kami

Nang dumating na ang pagkain ay nag-kwentuhan pa kami sandali bago naming naisipang magpaalam na para umuwi. Naabutan ko pa si Kai na nanonood ng TV sa sala nang makauwi ako

"I'm home" pagod kong sabi

Napatingin naman siya sa akin, may sinabi pa siya ngunit hindi ko na narinig dahil sa sobrang pagod kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko

Nang matapos ko na ang lahat maski ang skin care ko ay bumaba muna ako para uminom ng tubig, wala na si Kai sa sala at malamang ay nasa kwarto niya na siya

Umakyat na agad ako at didiretso na sana sa kwarto ko nang maabutan ko naman si Kai na kalalabas lang ng kaniyang kwarto. Akmang di-diretso na sa kwarto ko nang bigla niya akong pigilan

"Where are you going?"

Nagtatakang napatingin naman ako sakanya

"Sa kwarto ko"

"You forgot our deal?"

Tsaka lang sa 'kin nag-sink in ang sinabi niya kaya wala sa sariling napapikit ako ng mariin

Damn! Oo nga pala!

"What deal?" Pagkukunyari ko

I saw him smirked.

"Hindi mo naaalala?"

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin sakaniya

"Oo na, naaalala ko na" Pagsuko ko

Tinulak ko nalang siya ng mahina at agad na dumiretso nalang sa kwarto niya bago humiga sa kaniyang kama. Tinaklob ko agad ang kumot sa buong katawan ko, naramdaman ko naman ang paggalaw ng kama, hudyat na nasa tabi ko na si Kai

Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin sa ilalim ng kumot at isinandal niya pa ang baba niya sa balikat ko

"Sapphire" Pagtawag niya

"Hmm?"

Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya saakin

"Fuck" Rinig ko pang bulong niya

Hinihiling ko nalang na sana hindi niya marinig ang kabog ng dibdib ko dahil sobrang lapit lang namin sa isa't isa

"Baby.." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya "Let's date"

Fixed Marriage With My ExWhere stories live. Discover now