Chapter 3

49 2 10
                                    

     Inilipat lipat naman ni Olivia ang tingin nya mula kay Seki papunta kay Kiyota "Seki, You know him?? Sya ba..." hindi tinuloy ni Olivia ang tanong nya. Nag nod lang si Seki nagkaroon naman ng malungkot na ngiti si Olivia sa pag-confirm ng kaibigan. Pinagmasdan ni Kiyota si Seki. Gusto n'ya yakapin ang dalaga pero hindi nya magawa dahil alam n'ya na hindi ito magugustuhan ni Seki.

     Patuloy naman ang eye to eye contact ng dalawa. Nagkaroon ng flashback ang dalawang ex- couple. Para kay Kiyota naalala nya ang sweet moments nila, kung gaano sya kamahal ni Seki at paano nya binalewala ito. Si Seki naman naalala lahat ng katangahan nya dahil sa pagmamahal kay Kiyota, "Nabulagan ako" mahinang bulong nya sa kanyang isip at bumalik din isa isa mga kasalanan ni Kiyota sa kanya.

     Hindi nakatiis si Kiyota lumapit sya bahagya kay Seki. Nakita ng binata ang pag-atras ni Seki kaya tumigil sya sa paglalakad at nagsalita "Kumusta ka na? Matagal na kita hinahanap". Hindi alam ni Seki kung sasagot ba s'ya tumingin sya kay Olivia at nanlaki mata. Napansin ni Kiyota ang expression ni Seki kaya sinundan nya ng tingin ang tinitignan nito.

"Mga Pre? Akala ko ba lasing kayo?" tanong ni Kiyota
"Nawala tama namin, may confrontation pala kayo ni Seki gusto namin malaman kaganapan" sagot ni Sakuragi
"Olivia, Pahingi pa nga kami beer" request ni Koshino
"Oi Kami din! Ang tagal na namin inantay ang eksena na ito. Yahoo!!" magkasabay na wika ni Mitsui at Miyagi.

     Nagsweat drop naman si Kiyota at Seki nasaksihan nila. Ang boys ay nakaupo at pinalibutan sila, si Olivia ay nag seserve ng mga alak sa boys. Si Hideo ay winalis saglit ang mga basag na baso. Nakita pa ni Seki na kinakausap ni Jin si Olivia. "Oli! Tama na yan, ano ginagawa mo?". Nag pout naman si Olivia "Seki, ang tagal nyo mag titigan ni Mr. Nobunaga nainip na mga boys kaya nag serve ako. Halos 15 minutes na kayo nakatayo dyan".

    Nasapo na lang ni Seki ang noo nya "Tigilan mo na yan. Tara dito". Nag nod naman si Olivia at tinawag si Mai. Si Mai naman ang server nila, iika ika maglakad si Olivia papunta kay Seki "Sorry na". Nag nod si Seki sa kaibigan at ngumiti "Apology accepted".

    "Baby, I'm sorry too. Can we talk, Seki" banggit ni Kiyota. Tumigil naman ang boys sa pag-inom at seryoso tumingin sa dalawa, nag telepathy sila "Ito na ang inaabangan ko. Mangyayari na!!". Napatingin naman si Seki kay Kiyota "Tapos na po ang duty namin Mr. Nobunaga. We need to leave" nag bow sya sa boys at hinatak papalayo si Olivia. Pumasok sila sa isang backdoor. Kinausap ni Seki si Airi. Alam ni Airi at ni Hideo na may nakaraan si Seki at Kiyota kiniwento sa kanila ng dalaga noon. "Kami na bahala dito. Mag ingat kayo pag-uwi" sabi ni Airi. Nag nod naman si Seki at Olivia "Salamat po Miss Airi".

     Nakita ni Kiyota sa bintana na lumabas ang dalawa at balak sundan. Pinigilan s'ya ni Maki "Kiyota, hwag mo ituloy ang gusto mo. Lalo lang iiwas sayo si Seki". Nag agree si Jin "Tama si Maki. Based sa interaction sayo ni Seki hindi pa sya ready na kausapin ka". Napahinga na lang ng malalim si Kiyota at umupo "She called me 'Mr. Nobunaga'. Pre, hindi ko sya nakita magalit kahit kailan pero bakit pakiramdam ko galit sya sa akin kahit hindi n'ya ako inaway?".

    Hindi alam ng boys kung ano sasabihin. "Uminom ka muna bago tayo umuwi" sabi ni Koshino. Nag nod naman Kiyota at nag-inom muli ang boys.

    Nalungkot naman ni Jin para sa kaibigan pero naiintindihan n'ya ang ikinilos ni Seki.
.....

      Nakabalik na ng apartment sina Seki at Olivia. Sinigurado ni Seki na walang sumusunod sa kanila, dahil nga may sugat ang binti ni Olivia mabagal ang paglalakad nila. Inalalayan ni Seki ang kaibigan makaupo sa sofa. "Beb, hwag ka na kaya muna mag duty simula bukas?" suggestion ni Olivia. Napatingin naman si Seki sa kanya "Hindi pwede, kailangan ko ang sweldo...". Pinigilan naman ni Olivia ang sasabihin ni Seki sinabi na s'ya muna duduty para sa kaibigan.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon