Chapter 28

24 1 0
                                    

             Magkatabi na naman matulog sina Seki at Kiyota sa kwarto ng dalaga, katulad noong nangyari ng nasa apartment ni Seki sa Kanagawa, mas nauna nagising ang binata kaysa sa girlfriend nya. Hindi minulat ni Kiyota ang mga mata at niyakap ang naramdaman nya na figure ni Seki at inamoy ang buhok nito "Hmmm... parang nag iba ang amoy ni Seki... teka si Seki nga ba ang katabi ko?" bulong nya sa isip at pinisil ang sa tingin nya na braso ng girlfriend ngunit sa tingin nya may mali dahilan para hindi sya mapakali. Binuksan nya ang kanyang mga mata at nakita na may naka ngiti na pang asar sa kanya...

"Aaaaahhhh"
"Makasigaw?"

"Andrei ano ginagawa mo rito? Nasaan si Seki?"
"Tinutulungan si Lola sa baba... Pinagising ka ni Seki-neechan sa akin... Hmmp kung alam ko lang na ganito ginagawa mo kay Ate gabi gabi ako gigitna sa pagtulog nyo"

             Nakaramdam ng hiya si Kiyota ng si Andrei pala ang niyakap nya, pinagmasdan nya ang expression ng mukha ng pamangkin ng girlfriend, nakakunot ang noo nito at may disapproving look. Alam nya nya hindi sya gusto ni Andrei para kay Seki dahil na ayon nga sa magulang ng bata "Inaagaw mo ang atensyon ni Ate Seki ko" naalala nya pag mimic nina Rio at Yuika sa sinabi ni Andrei. Nagpasya sya na kausapin na si Andrei ngayon, pareho sila naka indian seat sa kama, "Andrei... ask ko lang bakit ba ayaw mo sa akin para kay Ate Seki mo? May ginawa ba ako? Nirerespeto ko naman siya at mahal ko rin ang ate mo" wika ni Kiyota. Binigyan ni Andrei ng scrutinizing look ang boyfriend ng tiyahin "Tsk... inaagaw mo sa akin si Seki-nee, hindi na nya ako pinapansin masyado ng dumating ka dito". Hindi naman inasahan ni Kiyota na straight to the point sya kakausapin ng pamangkin ni Seki, "Andrei... love ka pa rin ng tita Seki mo... hindi ko sya inagaw sayo ano... paano ko ba sasabihin... " hindi matapos ni Kiyota ang sasabihin nya dahil hindi nya alam kung paano ipaliwanag sa bata na mas 'child friendly' at isa pa tama naman sya walang agawan dahil sa kanya talaga si Seki in the first place.

             "Parang kay Mama at Papa na love.." si Andrei ang nagtapos ng sasabihin ni Kiyota. Nag nod naman ang binata, "Tama nga si Seki... mature na magisip na bata si Andrei" kinausap nya ang sarili. Huminga ng malalim si Andrei " I know, siguro nagseselos lang ako kasi dati pag uwi si Tita dito sa bahay palagi kami magkasama, sanay siguro ako ng nasa akin lang atensyon ni Seki-neechan" pag amin ng bata. Pinipigilan naman ni Kiyota na kurutin ang pisngi ni Andrei dahil naka puff ang cheeks nito at namumula ang mukha "cute" bulong nya sa isip, "Ganito na lang Andrei, ipagpaalam kita sa parents mo para makasama ka sa amin sa mga pupuntahan ng team para maka bonding mo pa rin si Seki ayos ba saiyo yun?" pag compromise ng binata. Mabilis naman gumawi ang mata ni Andrei sa boyfriend ng tiyahin "Really??? Baka naman joke lang yan" hindi pa rin sya kumbinsido iniisip nya na niloloko sya ni Kiyota. Umiling naman si Kiyota at sinabi na totoo ang sinasabi nya, nag nod naman si Andrei "O..kay... may bago toy na nasa commercial si Seina-chan... sabi ng classmates ko may tindahan daw sa bayan na doon lang mabibili yun" wika ng bata. Kiyota's ears twitch ng marinig ang pangalan na 'Seina' and soon nagkaroon ng light bulb sa kanyang isip "Seina... yung long black hair na may dimples at cute na artista? Sikat na nag model ng kids toys tulad ng yoyo?".

Nakita ni Kiyota ang pag swift ng expression ni Andrei from irritable, excitement na ang nararamdaman nya sa kausap.

"Oo.. ayun si Seina-chan... Crush ko yun ang cute nya kasi tsaka ewan ko ba nakikita ko si Ate Seki sa kanya" pag amin ni Andrei
"Hmmm... oo nga pareho sila may sweet and calming aura... Andrei paano kung kilala ko si Seina" comment ni Kiyota

"Weeh??" untag ni Andrei na binigyan ng scrutinizing look ang kausap at nagpanggap
na hindi interesado

             Kahit na mag panggap si Andrei naramdaman ni Kiyota na nahuli nya ang interest ng bata, "Oo nga kilala ko... Pamangkin sya ni Jin... Gusto mo pakilala kita sa kanya? Or gusto mo na gawin ko yung ginagawa mo... sa akin para hindi ka maging okay kay Seina?" wika ng binata, pinipigil muli nya ang urge na kurutin ang pisngi ng bata dahil nakita nya na nagpapanic ito at kinakausap ang sarili. Ilang segundo ang hinintay ni Kiyota ng sumagot si Andrei "Okay... Bati na tayo Kiyota-nii, kailan ko makita personal si Seina?" eager na tanong nito. Naka thinking pose si Kiyota at umarte na malalim ang iniisip "Well, busy si Seina sa mga endorsements nya... alam mo naman sikat sya" nag slump ang shoulders ni Andrei "Pero, baka pwede sya pumasyal dito, kung hindi naman gusto mo mag bakasyon sa Kanagawa makasama mo na si Tita Seki mo makilala mo pa si Seina at pwede kayo maging friends" pag sabi ni Kiyota nito ay tango ng tango ang ulo ni Andrei "Friends....", may astonishment sa boses niya.

             Mas pinili na lang ni Kiyota na guluhin ang buhok ni Andrei "Oo, friends, mabait si Seina.. Magkasundo kayo. Andrei, tulungan mo ako mag ligpit dito at pagkaligo ko baba na tayo kina Lola Risa okay ba sayo?". Mabilis na nag nod ng ulo si Andrei at tinulungan si Kiyota na ligpitin ang pinaghigaan niya.

Blind SpotWhere stories live. Discover now