Chapter 47

35 1 1
                                    

        Puno ng pagtataka sina, Risa, Yuika, at Rio sa nasaksihan nila ngayon sabado ng umaga. Tatlong linggo na nag stay ang boys sa kanilang pamamahay, alam ng mga nakatatanda na abala ang mga ito sa pag gawa ng documentary series na binigay na proyekto ng lola ni Kiyota kaya naman malaki ang pagkabigla nila ng makita ang mga ito na kumpleto sa kanilang pamamahay at may kanya kanya linis ang mga ito. Kanya kanya hawak ang boys ng mga panlinis tulad ng walis, basahan at timba ang iba naman ay todo kuskos sa pader ng bahay hanggang sa gate ay nililinis ng mga ito.


"Good morning boys... bakit kayo naglilinis kami na" bakas ang pagka aligaga kay Risa
"Good morning po" sabay sabay na bati ng grupo

"Lola Risa, okay lang po gusto po namin maglinis" tugon ni Kiyota

"Pero boys, tama si Nanay... nakakihiya pati sa inyo"
"Paano ang documentary na ginagawa ninyo... hindi na dapat kayo naglinis" magkasunod na wika ni Yuika at Rio

"Auntie, Uncle... okay lang po talaga, gusto po namin maglinis" pag assure ni Akagi
"About po sa documentary, natapos na po namin iyon" paliwanag ni Ikegami


       Tumigil panandali sa paglilinis ang boys para makalapit sa tatlo "Bukas o sa makalawa po kailangan na namin bumalik sa Kanagawa" paliwanag ni Hikoichi na sinundan naman agad ni Fujima "Naisipan po namin magkakaibigan na maglinis sa bakuran ninyo para po makabawi man lang kami sa inyo". Na antig naman ang tatlong nakatatanda sa ginawa ng boys para sa kanila si Yuika lang ang umiyak "Auntie... bakit po kayo umiiyak?" nag aalalang tanong ng boys.


"I'm so happy.... Huhuhu" paghikbi ni Yuika
"Alam nyo boys, dahil abala kami sa negosyo, kahit noon pa wala na kami panahon para
mag general cleaning dito sa labas ng bahay" pag amin ni Rio
"And nasa ibang bansa si Darling kaya hindi rin namin nasikaso ni Nanay ang bahay"

"Kaya umiiyak si Yuika ay dahil matagal na namin plano mag ayos ng bahay ngunit hindi
namin magawa... Kaya salamat boys sa tulong ninyo" taos pusong pasasalamat ni Risa


           Ngiti naman ang ginawad ng boys ang iba ay smirk lang "Uncle... baka pwede po kami tumulong mamaya sa restaurant ninyo..." tanong ni Uozumi "Waiter po pwede ako... Haha" pag prisinta ni Miyagi, kanya kanya pag prisinta naman ang iba. Nag nod si Rio, nagpasalamat sa boys at sinabi na hindi nya tatanggihan ang alok na tulong ng mga ito. Dumating naman ang iba na may dalang mga lata ng pintura

"Oo nga po pala... balak po namin pinturahan ang gate and grills... okay lang po ba?" tanong ni Kiyota
"....sigurado ba kayo?" tanong ng tatlo na sabay sabay

"Parang hindi po kayo convince ah..." comment ni Takasago
"Kasi boys... hindi namin maimagine na marunong ba kayo mag pinta..."
"Nakapag pintura na ba kayo ng bahay o gate?" magkasunod na wika ng mag asawa

"First time pa lang po ngayon... HAHAHAHAHA"


         Nagtawanan naman sina Risa at Yuika sa pag amin ng boys "Kung ganon... kailangan may mag supervise sa inyo" wika ni Rio kinakatakot nya na baka masayang ang pera at pagod ng boys lalo na wala pa pala experience ang mga ito sa pagpipintura. Naappreciate naman nila ang ginagawa ng boys pero inaalala rin nya ang posibleng gulo na mangyari kung wala magbabantay sa mga ito "Makukulit pa naman sila", kahit na kasama nila ang mga sa palagay nya mas matured sa grupo - Uozumi, Akagi, Maki, Hanagata, Ikegami at Jin mahihirapan pa rin sila na kontrolin ang iba lalo na ang mga hyper sa grupo na sina Kiyota at Sakuragi. Ang dalawa ang pinakamagulo sa magkakaibigan sa pagkakaalam nila. "Darling, baka pwede mo asistehan ang boys" nagpahayag ng sentimento si Yuika. Nag nod si Rio "Oo... darling ganon nga ang gagawin ko... okay lang ba sa inyo boys?".


"Syempre naman po Uncle"
"Pero kami pa rin po ang gagawa ah" tugon naman mula sa iba

"Bago po ang lahat, mag breakfast po muna tayo"


          Lumingon sila kung saan nanggaling ang boses, si Seki pala ito na may dala tray ng pagkain kasunod nya sina Olivia at Alisson "Lola... Uncle... Auntie good morning po" bati ng dalaga, agad na lumapit sa mahabang lamesa na nakahanda na at nilapag ang tray na dala, ginaya naman sya ng dalawang kaibigan. Nagtulong sina Olivia At Alisson para ihain ang mga hinanda nilang pagkain. Nagtaka naman si Risa "Apo... matanong ko lang, ano oras pa kayo gising... para mahanda ang lahat ng ito?". Pinagmasdan ng nakatatanda ang lahat ng nakahain na pagkain, sa edad nya masasabi nya na kulang ang isang oras para maihanda ng apo nya ang lahat ng pagkain na nakikita nya.

Blind SpotWhere stories live. Discover now