CHAPTER 8

3.6K 129 7
                                    

"The application for USTET is currently on going na pala, I heard last batch na ng USTET this upcoming January for the next academic year and second to the last batch 'yong USTET this December. Aren't you gonna apply for this batch Shara? Or you'll wait until last batch na?" Bungad ni Kenneth sa akin ng makaupo siya sa upuan sa harapan ko. Nasa likuran niya sila Dexter, Kyra at Aira.

USTET? Ah tama, entrance test. Napababa ako ng tingin sa screen ng iPad ko. Nakasara iyon pero kung makatitig ako doon ay akala mo'y may kung anong naroon.

Ni-hindi ko na nga alam kung ano ba talagang gusto kong i-take na course, kahit kasi second choice kong course pakiramdam ko hindi ko din magagamit once na ikasal na ako sa Vela-Frio na iyon.

Gusto kong mag-aral sa UST. Gusto ko dahil iyon ang dream university ni mommy. Na dream university ko na rin.

Pero anong course kukunin ko?

"Undecided pa kasi ako sa course ko, mag-iisip muna ako." Sagot ko.

"Since when did you become undecided?" Anang baritonong boses na nagpaangat ng tingin sa akin.

Napakunot noo ako kay Jayson ng makita ko siya sa tabi ni Dexter. Bakit andito ang Tamaraw na ito? I thought bawal ang outsider dito sa campus?

"You want to be a flight attendant diba? Why don't you take it? Kelan pa mula ng maging undecided ka?" Salubong ang makakapal niyang kilay na tanong sa akin.

Sinimangutan ko siya, "lahat nagbabago, kaya 'yan 'di ko na alam kung anong gusto ko ngayon, mag-iisip muna ko pwede ba?" Inirapan ko siya, badmood ako kanina pa. Hindi kasi sumasagot sa tawag ko si mommy, at hindi pa rin nagpaparamdam si Cooper mula ng huli naming pagkikita nung nag-pinto art museum kami.

"Sungit mo, nagtatanong lang. Assignment ko sa EAPP asan na?" Ungot niya sa akin na kinatawa ng mga kaibigan namin.

Kaya pala andito ang mokong, maniningil ng utang na assignment.

TWO WEEKS.

"Kumusta paskuhan Kenneth? Ganda ng story mo ah, may kaholding hands na thomasian!" Malakas na sabi ni Dexter kay Kenneth ng pumasok siya ng unit ni Jayson, kung na saan kaming lahat ngayon.

Dalawang linggo na, dalawang linggo mula ng wala siyang paramdam.

Ghoster pala talaga ang mga Atenean. Maybe he was just really plain flirting at me and nothing more, ako na si tanga muntikan naman mafall.

"Hindi ba dapat USTET niya kinukumusta mo?" Natatawang tanong ni Jayson kay Dexter.

"Speaking of USTET! The USTET is so fucking hard dude! I thought Bio na ang biggest nightmare ko, but no! It was the USTET, nasa acceptance stage na nga ako, I know I failed." Malungkot na sabi ni Kenneth.

USTET? Ah he took USTET nga pala kanina. Napaisip ako. Maybe I should start doing my application too, pero anong course ang kukunin ko?  Wala namang course para maging professional house wife.

Hindi ba iyon din naman ang bagsak ko after ko mag-college? Ang maging house wife ni Vela Frio.

Kung tutuusin ay pwede na akong hindi mag-college. Ang kaso ayoko lang, ayoko dahil alam kong mapapaaga ang kasal ko sa kaniya kung hindi ko na itutuloy ang pag-aaral ko.

"Your drawings are really good Shara." Boses iyon ni Allison na kinabaling ko sa kaniya.

I smiled and hand her my sketchpad, I only sketches when I am stressed, it is like a therapy for me.

"Yeah, her drawings are good, why not take fine arts instead, Shara? Diba sabi mo, you're undecided na sa course na kukunin mo? Why not take Fine Arts?" Ani Aira na katabi ni Allison.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PURCHASED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon