Maling Ibigin Ka

6 0 0
                                    

Di ba sadya ng pagkakataon?
O itinakda na ng panahon?
Ang ating pag dadaupang palad,
sadya bang nakaukit na sa'ting mga palad,

Alam kong mali,
Ngunit ika'y nagbibigay ngiti,
Alam kong mali,
At hatid mo'y pighati,

Minsa'y na papaisip,
Bakit ka nga ba na iisip,
Laman ka ng aking panaginip,
Ngunit dibdib ko'y naninikip,

Sa twing aking na aalala,
na may'roon ka ng iba,
Bakit pa tayo ipinagtapo,
kung sa iba nakalaan ang puso,

Alam mong mali,
bakit sa akin ay sumusulyap palagi,
Alam mong mali,
Sapagka't alam mong hindi na ma aari,

hindi na maaaring pagbigyan,
ang pusong parehong may'roon ng nakalaan,
Alam naman nating mali,
Dahil sa'tin ay may'roon ng nag mamay-ari,

Di mali ang umibig,
ngunit sitwasyon natin ay mali talaga,
Di mali ang umibig,
kung puso natin ay malaya pa,

Puso ko'y nadadarang,
sa twing ika'y naririyan,
Ako ay nadadarang,
kapag ikaw ay papalapit na naman,

Maling ibigin ka,
maling ako'y ibigin na,
Maling ibigin ka,
Maling sa'kin ika'y umibig pa,

Ngunit sa kabilang banda,
tanging hiling sinta,
kung sa susunod na buhay nating dalawa,
puso'y natin ay mapagbigyan na,

Mapagbigyan ng mahalin ka,
ng walang balakid pa,
at ako'y mahalin mo na,
upang hindi na masabing maling ibigin ka,

INSIDE MY HEAD Where stories live. Discover now