Gusto Kita, Ngunit

3 0 0
                                    

Gusto kita  yan ang nais na ipabatid,
Ngunit maraming balakid,
Na sa akin ay nagpapahiwatig,
Na sa'yo ay di dapat umibig,

Gusto kita hiyaw ng aking puso,
Ngunit  isip ko'y nagtatalo,
Pagkat alam kong ako ay talo,
dahil hindi na maaaring maging tayo,

Gusto kita mahagkan at mayakap,
Ngunit ito'y hindi ko malalasap,
Dahil alam ko ako'y nangangarap,
At tulala lang sa alapaap,

Ako'y nagtatanong kung bakit?
Sayo ay laging na aakit,
Gayong hindi na maaari,
Ang mapa sa'kin ay di mangyayari,

Labi ko'y laging sambit,
Gusto nga kita ngunit,
Sa mga palad ay hindi naka ukit,
Ang ibigin ka'y ganun na lang kasakit,

Ngunit kahit ganun pa man,
ang aking kinahantungan,
Minamahal kita O aking sinta,
Yan ay nais kong malaman mo sana,

Kaya itong aking tula,
Na inaalay ko sayo sinta.
Nawa'y iyong mabasa,
Hanggang dito na lang tayong dalawa,

INSIDE MY HEAD Where stories live. Discover now