KABANATA 1

198 10 0
                                    

NANGHINA ako nang makita ko ang pagbagsak ng lalaki sa lupa. Nanlalabo ang mata ko pero may nakita akong dalawang tao na nakasakay sa walis tambo. Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay

UNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at tumingin sa paligid

"mahal! Gising na ang binibini" napatingin ako sa babaeng nasa pintuan at sumisigaw

"n-nasaan po ako?"

"nandirito ka sa wiland, anak"

Tumingin ako sa paligid at puro kawayan lamang ang aking nakikita na siyang ginawa para makabou ng kubol

"ilang taon kana anak? Ako pala si nanay welma mo"

"mahal?" napatingin ako sa lalaking pumasok. May sout itong sombrerong itim at may kapoteng itim.

"siya ang asawa ko anak. Si welfred"

"Anong uri ng nilalang ka?" biglang tanong sa akin ng babae kaya napatingin ako sa kaniya at yumuko

"h-hindi ko po alam" nagkatinginan ang dalawa pero nanahimik nalang

"a-anong pangalan mo?"

"a-ayesha po"

"ayesha, maaari ba naming palitan ang iyong ngalan?" napaangat ako ng tingin sa kaniyang sinabi

"p-po?"

"nasa wiland kasi tayo anak, hindi nila maaaring malaman na hindi ka namin kauri natitiyak kong papatawan ka nila ng kamatayan" hindi ako nakaimik sa sinabi nila

"wayesha ang ipapangalan ko sa iyo anak, simula sa araw na ito ay kami na ang mga magulang mo" nakangiting sabi ni nanay wilma pero tumikhim ang lalaki

"mahal! Kailangan muna nating alamin kung anong uri at saang palasyo siya nabibilang" tumingin ito sa akin

"sa mukha niya, mukha siyang bampira" natahimik ang babae at nangilid ang luha

"masisisi mo ba ako mahal? Nais ko lang na magkaanak" lumabas ang luha nito kaya agad ko itong yinakap

"tahan na po kayo! Payag na po akong maging anak mo"

SIMULA noong inampon ako nila nanay ay binilhan na nila ako ng damit na itim. May sombrero at syempre ay gumagamit na din ako ng broom stick. Napag-alamanan ko na may kakayanan ako komontrol ng hangin kaya naman hindi halata na hindi naman talaga ako witch

"anak, magtutungo kami sa palasyo? Nais mong sumama?" tanong sa akin ni ina kaya naman napaisip ako.

'ano kaya itsura ng palasyo'

"ina? Hindi po ba ako bawal doon?"

"sino bang nagsabi na bawal ka doon anak?" tanong ni ama kaya napangiti ako.

"sige po sasama ako"

Agad akong naglinis at pagkatapos ay nagsabay kila mama sa paglalakad

"ina? Hindi po ba tayo gagamit ng broom?" takang tanong ko dahil bitbit lang namin ito.

Umiling naman si Ina. "anak kapag patungo ka sa palasyo ay hindi tayo maaaring gumamit nito sapagkat ang may mga dugong bughaw lamang ang maaaring gumawa noon"

"paano ko po malalaman kong may dugong bughaw ang isang nilalang?"

"sa kulay ng sombrero anak, may gold na nakapaikot sa sombrero nila" napatingin ako sa sombrero ng mga kasabay namin at katulad ko ay purong itim lamang.

Nang makapasok kami ay namangha ako sa ganda ng palasyo. Makintab ito at gawa sa matibay na kagamitan.

"maglibot ka na muna anak! Tutungo lamang kami kay winerba at hahanapin ka na namin upang umuwi" tumango naman ako at tiningnan silang umalis.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now