KABANATA 6

117 8 0
                                    


KATULAD nga ng sinabi ni ayesha ay nagtungo kami sa mystique woods

"bawal ang mga studyante dito,wayesha" sabi nito kaya napahinto ako

"bawal pala bakit tayo nandito?"

"kasi nga papalabasin natin ang wolf mo!"

"p-paano?"

"basta" sabi nito at naglakad uli kaya sumunod ako

"bakit bawal ang mga estudyante dito?" tanong ko kaya ngumiti ito

"nandirito kasi ang portal papunta sa kabilang mundo"

"portal?"

"oo portal, papunta sa mundong walang mahika" sabi nito kaya tumango ako

'sana po hindi ako makapasok sa portal. Ayoko na po nakakahilo'

"dito na tayo" sabi nito kaya huminto ako at tumingin sa paligid. Walang tao sa bahaging ito

"wayesha! Bilis pakiusapan mo na!" tumango ako at pumikit

's-sa nagsasalita diyan lumabas ka!' wala akong narinig kaya naman pumikit ako ng mariin

'ALAM KONG NARIRINIG MO AKO! LUMABAS KA!'

Naramdaman ko ang pagkagising nito pero di nagsalita

's-sabi ni ayesha ay isa kang lobo! Nais kong makita ang balahibo mo!' sabi ko pero narinig ko itong umungol

'istorbo ka sa tulog ko kamahalan, ano ba ang nais mo?

'nais kong magpakita ka'

Tumawa ito bago sumagot

'kamahalan. Lobo man akong mababatid pero hindi ako maaaring lumabas sa iyong katauhan!

'a-ano? Bakit hindi'

'mamatay ka kapag lumabas ako. Lalabas din ako sa takdang panahon

Napadilat ako at tumingin kay ayesha at umiling

"ayesha, ayaw niyang lumabas" napasimangot ito at bagsak balikat

"napaarte naman ng wolf mo" sabi nito na nakapout kaya natawa ako

'pout pa ang pangit naman. Kung ako yan! Titirisin ko yan.

Mas lalo akong natawa kaya tumingin sa akin si ayesha na nagtataka

"may problema ba?" umiling ako kaya napasimangot ito

Malapit na kami sa labasan ng makarinig ako ng kaluskos kaya agad akong lumipad para makaupo sa puno.

May nag-uusap malapit dito pero hindi ko sila kita dahil madilim basta nakakapa sila na itim at pula.

"napag-alaman na nila na buhay si andrew" sabi nito sa kausap na umiling

"kahit na malaman nila na buhay iyon ay hindi nila makikita pa ang kanilang hinahanap"

"anong ibig mong sabihin ama?"

'ama?'

"ipagpatuloy mo lamang ang paglilihis sa kanila anak ko, nababatid kong babalik na ang ala-ala ng lobong iyon at sasabihin na din ang katauhan ng prinsesa ng boung arcadia

[arcadia: tawag sa mundo nila]

"p-paano kung agad nilang mahanap ang prinsesa?"

"malabong mangyari iyan! Wala na ang prinsesa at kapag naging kayo ng prinsepe ng mga mangkukulam. Natitiyak kong mamumuno ka sa boung arcadia"

"kadiri ama! Maghunos dili ka nga" tumawa ito at tinapik sa balikat ang babaeng nakapula

"mauuna na ako anak, umuwi ka na din" sabi nito at biglang nawala na parang abo.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now