Chapter 1

15 1 0
                                    

Sabado na naman ng gabi.

Muli kaming nagbabalak ng aking mga kaibigan na dumalo sa club upang makipag-party. Tipikal na buhay ng isang college student dito sa Manila.

May mga alak at sayawan sa paligid at pinupuno ng napakaraming taong gaya ko ring naghahanap ng saya sa malamig na gabing ito.

"Helen kaya mo pa ba? Pulang pula ka na!" lasing na puna sakin ni Clea, isa sa kaibigan ko.

"Oo, cr lang ako sandali" sambit ko at tumuloy na nga sa palikuran.

Puro occupied ang cubicle sa women's restroom kaya naman naisipan ko na lang subukan ang men's restroom dahil malapit na talaga ako masuka.

Pagkabukas ko ng pinto ay ang tahimik at alam ko nang walang tao. dali-dali akong pumasok sa isang cubicle at isinuka ang aking buong kaluluwa.

Bago pa man ako makalabas ay may narinig akong yapak ng sapatos. May taong pumasok at natitiyak kong mag-isa lang siya.

Pumasok siya sa cubicle na katabi lamang ng akin. Dahan-dahan kong binuksan ang cubicle ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkasalisihan kaming dalawa.

Kilala ko siya. Siya yung model na sikat na nag-aaral sa La Salle. Hindi nagbago ang tangos ng kaniyang ilong at nakakaakit na mga mata niyang kulay kayumanggi.

"Hi. Mali ka ata ng napasukan, miss. Sa kabila ang women's comfort room." giit niya.

"Ha-a? Ah, oo sorry."

"Napunta ka ba rito dahil walang vacant na cubicle?"

Isa pang tanong niya. Isa pa mababatukan ko na ito kung hindi lang gwapo.

Itinakbo ko nalang palabas dahil sa kahihiyan. Ngunit dahil hindi yata umaayon ang tadhana....nasagi ko ang hamba ng pintuan at nahulog ako sa sahig. Sa maling pagkakataon pa talaga ako mamalasin.

Dala na rin ng pagod at sakit ng ulo, bigla na lang nagdilim ang aking paningin at tuluyan nang nawalan ng malay.


--------

Naalimpungatan ako sa basang tela na nasa noo ko. Hindi pamilyar ang silid na aking kinalalagyan. Patuloy ang pagpitik ng sentido ko na nagdadala ng sakit ng aking ulo.

Umaga na ngunit wala ako sa wisyong bumangon. Makalipas ang ilang sandali ay pumasok si Lavin sa silid na may dalang tray ng pagkain at tubig. Siya ang huli kong naaalalang kasama kagabi.

Teka, KAGABI?

Bigla akong namulat sa realidad at kinapa kapa ang sarili baka't may nangyari samin ngunit suot ko pa rin naman ang aking damit kagabi. Nakita ko rin sa night stand ang handbag ko. Unti-unting prumoproseso sa akin ang sitwasyong aking kinalalagyan ngayon.

"Hey, uhm Helen, right? You should drink this first" wika niya habang ibinababa niya ang tray sa coffee table.



To be continued.

Second BlueOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz