Chapter 5

9 2 0
                                    

"Ohhh look at him go" Lavin is laughing now.

Napatingin na rin ako sa papalayong si Sir Blue pagkatapos niya akong bigyan ng malamig na tingin. He's only at his early 20s pero prof na siya rito sa La Salle. 

"Nakakatawa ba yun parang papatayin na ako ng prof" sinamaan ko siya ng tingin. 

He continued to laugh hanggang sa inaya niya na ako pumasok ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero inalis ko ang hawak niya roon at pumasok na sa shotgun seat.Napakibit-balikat na lang siya at sumakay na rin ng kotse. Pinaandar niya ito palabas ng university.Nakakabagot dahil tanging music sa radyo ang umaalingawngaw sa sasakyan kaya't naisipan kong magsalita. 

"Ano course mo?" tanong ko. Napatingin siya saglit sa akin at binalik ang tingin sa kalsada. 

"Entrep" maikli niyang tugon.

"Ohhh" I sound amazed. 

"Uhm kumusta modeling?" wala na akong maisip na itanong. Di naman kasi ako ma-topic.

"Secret walang clue" he humorously answered as he laugh a bit. 

I bit my lower lip naiirita na sa kaniya. Kapag ako talaga napuno sa lalaking 'to.Buti na lang at dumating na kami sa pupuntahan namin. Simpleng Italian Restaurant lang ito. Habang hinihintay namin ang order ay busy siyang nagtitipa sa phone niya. 

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko. 

"Ka-chat manager ko, nireremind lang ako sa shoot bukas" sagot niya nang di nakalingon sa akin. 

An idea came to my mind and I called to get his attention to me. Lumingon naman agad siya at binaba na ang phone. 

"May pupuntahan pala ako mamaya hatid mo ako" ngiti ko sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko pero tumango-tango na rin. 

"Sure ket saan pa yan" he giggled.Inismiran ko na lang siya at dumating na ang order namin makalipas ang ilang minuto. 

"Uh miss, pwedeng paorder ng lahat ng asa menu niyo, take out na lang" I requested. Tiningnan ko ang reaksyon ni Lavin ngunit ngumunguya lang siya na parang walang narinig. Bahagya akong nainis.

Tiningnan niya ako pabalik habang puno ang magkabilang pisngi niya. Ang cute. Lumunok muna siya bago magsalita.

"Sorry di ako nakapaglunch kanins busy sched" sabi niya at sumubo nanaman. 

"Oh okay kumain ka lang kakain na rin naman na ako" tugon ko pabalik at ginawa ang aking sinabi. 

Nauna akong natapos dahil mas marami ang inorder niya kaysa sakin. Nang matapos na rin siya ay nag-alok na siyang lumabas ng restaurant. Bitbit niya ang mga pagkain.

"Bakit ba buong menu inorder mo para saan ba ito birthday mo ba?" lito niyang tanong. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. 

"Pupunta tayo sa orphanage" sagot ko.

Napa "O" ang bibig niya at di na nagtanong pa. Mabilis kaming nagtungo sa orphanage na aking unang tirahan, kung saan ako lumaki.


------

To be continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second BlueWhere stories live. Discover now