PROLOGO

991 49 14
                                    

"Nanay, tatay, gusto ko ng papay. Ate, kuya, gusto kong kape...

Breaktime namin kaya nandito kaming lahat sa labas ng classroom namin. Umalis kasi si teacher dahil kakausapin daw siya ng principal naming kalbo. Hindi ko alam kung bakit pero siguro may ginawang hindi maganda si teacher kaya siya pinatawag sa principal's office. Buti nga sa kaniya! Ang hirap kaya ng tinanong niya sa akin sa Math class namin kanina. 

Tinanong ba naman ako ng 1+1 tapos sinagot ko ng Magellan. Mali daw 'yon sabi ni teacher kasi 2 daw ang sagot pero hindi pa rin ako naniniwala. Sabi ng kuya ko, 11 daw ang sagot. Ah basta! Hindi ko tuloy alam kung ano ang tamang sagot. Itatanong ko na lang kay mama mamaya kapag nakauwi na ako.

"Lahat ng gusto mo ay susundin ko. Ang magkamali ay pipingutin ko." Sumisigaw na kami ng mga kaibigan ko habang sumasakit na ang kamay namin kaka-apir sa isa't isa. Anlakas kasi umapir ni Inday. Kung hindi niya lang ako pinagaya sa number one kanina, hindi ko siya isasali eh. Andami niya kayang kuto. Lumilipad na nga 'yong iba tapos napupunta sa katabi niyang si Shantal. Kadiri!

Nakikipag-apir ako sa mga kalaro ko nang biglang sumakit ang ulo ko. May tumama kasing bola sa ulo ko galing sa room ng mga Grade 2. Tiningnan ko kung saan galing 'yong bola at nakita ko doon ang batang never ko magiging kabati kahit kailan. Si Andoy!

"Bakit mo ako binato ng bola, ha!" Sinigawan ko si Andoy. Bakit ba? Akala niya siguro ay hindi ako lalaban. Ipagtatanggol ko ang sarili ko. Ang sakit kaya ng ulo ko. Tumakbo ako palapit kay Andoy para kurutin siya. Hindi p'edeng hindi ako makabawi. 

Malapit ko na sana siyang maabutan pero mabilis kasi siyang tumakbo palayo kaya hindi ko siya mahabol. Paepal! Dumidila-dila pa siya habang nagpapahabol sa akin kaya mas lalo akong nainis. Kumuha ako ng bato sa lupa at babatuhin ko na sana siya kaso sinigawan ako ni teacher. 

"Hoy, Isay! Anong ginagawa mo? Bakit ka nambabato ng kaklase? Masama 'yan ha. Isusumbong kita sa mama mo," sabi ni teacher sa akin kaya binaba ko ang bato para mag-explain. Wala naman akong kasalanan, ako pa pinagalitan. 

"Teacher, si Andoy po ang nauna." Nagbeautiful eyes pa ako kay teacher para maniwala siya ngunit naki-epal na naman si Andoy. "Hindi po totoo 'yon teacher. She's lying. Nakita n'yo po kami kanina. Hinahabol ako ni  Isay tapos want n'ya akong batuhin ng stone." Nag-english pa at nagbeautiful eyes din si Andoy kay teacher kaya mas ginalingan ko. Baka mas maniwala sa kaniya si teacher eh. 

"Pumasok na kayo sa loob. Kapag inulit niyo pa 'yan at naabutan ko kayo, isusumbong ko na kayo sa mga mama n'yo," sabi sa amin ni teacher. 

Nauna akong pumasok sa loob ng classroom kasi sabi ng kuya ko, ladies choice daw. Babae daw dapat ang mauuna. Noong nakita kong uunahan ako ni Andoy sa pagpasok, hinarang ko ang paa ko sa dadaanan niya kaya nadapa siya tapos nasubsob 'yong mukha niya doon sa basahan sa sahig. Yak! Doon pa naman pinahid ni Andrew 'yong sapatos niya noong nakayapak siya ng tae kanina. 

"Teacher, si Isay po oh." Nagsumbong pa nga ang paepal. Bago pa ako mapagalitan ni teacher, umupo agad ako sa upuan ko. Dinilaan ko pa siya bago ako humarap kay teacher. Kasalanan niya 'yan. Binato n'ya ako ng bola kanina. Quits lang kami. 

"Lagot ka sa akin mamaya," sabi ni Andoy noong dumaan siya sa harapan ng desk ko. 

Itutuloy...

The Transferee is a Bully | COMPLETEDWhere stories live. Discover now