EPILOGO

535 53 13
                                    

Tumatagaktak ang pawis ko habang pilit na ibinubuka ang maliit na papel na ibinigay ng guard kanina sa labas. Ang laki pala talaga ng school na ito. First day of enrollment at hindi ko alam kung aabutin ba ako ng gabi sa paghahanap kung nasaan ang registrar. 

Hindi malinaw ang pagkaka-print ng mapa sa papel na hawak ko at kanina pa rin ako paikot-ikot dahil hindi ko mahanap ang pupuntahan ko. Nagtanong naman ako sa guard kanina pero nasungitan lang ako. Nasa mapa naman daw ang sagot sa tanong ko. Ano ako? si Dora? Namiss ko tuloy ang de-gulong na bag ko noong elementary ako. 

Mag-eenroll ako as Grade 11 student sa school na ito. Last month kasi, lumipat na kami ditosa Maynila dahil mag-aaral na rin ng college ang kuya ko. Well, hindi pa ako sanay sa lugar at nangangapa pa ako kaya medyo naninibago ako. 

Hinawakan ko ang suot kong kuwintas. Ito ang kuwintas na bigay sa akin ng kababata kong si Andoy bago siya tuluyang umalis sa lugar namin para mag-aral sa Maynila. Magkikita kaya kami rito sa Maynila? Mukhang malabo sa laki ng Maynila at wala na kaming kontak sa kanila pero umaasa pa rin ako. Magkikita kami kagaya ng ipinangako namin sa isa't isa.   

Napag-isipan kong umupo muna dahil nangangalay na ang paa ko sa kakalakad. Kailangan ko na talagang magpahinga kasi magkakakalyo na ako sa kakalakad. Iniunat ko ang aking paa matapos umupo sa isang bench at sa kasamang palad, may isang lalaking dumaan at napatid ng mga binti ko. 

Isang lalaking may suot na hoodie na kulay pula ang lumapit sa pagkakaupo ko habang nakataas ang kilay. Halos natatabunan na ng buhok nito ang mga mata at nakasimangot na nagsalita. "Itikom mo naman 'yang binti mo, miss."

"Sorry na, kasalanan ko bang anlawak-lawak ng daan eh diyan ka magtatatakbo?" sagot ko sa kaniya. Wala naman talaga akong  kasalanan. Nauna akong umupo. Technically, siya dapat ang nag-adjust. Agad akong tumayo para umalis dahil mukhang makakahanap agad ako ng kaaway sa unang araw ko rito. 

Nagsisimula na akong maglakad palayo nang marinig kong muling sumigaw ang lalaki bago tumakbo palayo. "Magkikita rin tayo ulit, miss. Humanda ka sa akin!"

~~~

"Manang, pabili nga po ng stick-o. Magkano po lahat ng natitira diyan sa garapon? Kunin ko na po lahat," nakangiting wika ko sa nagbabantay sa counter ng cafeteria. Matapos ang maghapong pag-iikot, natapos ko na rin ang application ko sa enrollment. Deserve ko talaga ang isang garapon ng stick-o. 

Ibabalot na sana ng tindera ang binili ko nang may biglang sumulpot sa gilid ko. "Manang Daisy, 'yong pinapatabi ko pong stick-o, kukunin ko na," wika ng isang lalaki sa gilid ko. Akmang ibibigay na sana ng tindera ang stick-o sa lalaki kaya nagsalita na ako. 

"Manang, ako po ang nauna. Unfair naman po na sa kaniya niyo ibibigay 'yan. Magbabayad na po ako, oh," wika ko sa tindera ngunit bago pa man makasagot ang tindera, sumingit agad ang lalaki sa tabi ko. Nang lingunin ko ito, siya 'yong lalaking napatid ko kanina! Kapag minamalas ka nga naman. 

"What a coincidence, miss. Sorry pero matagal na akong suki ng stick-o ni manang. Nakapagpareserve na ako diyan ng bente piraso araw-araw," pagsusungit niya sa akin atsaka tinabig ako upang makuha ang stick-o sa kamay ni manang. 

"Sorry rin pero ilalaban ko ng patayan ang stick-o ko," sigaw ko sa kaniya atsaka mabilis na inagaw sa kamay ni manang ang plastic ng stick-o at sinipa ang kaniyang pinakaiingat-ingatang pag-aari na natatabunan ng suot niyang jogging pants. Napasigaw siya dahil sa sakit at napapilipit. "Pasensya ka na, mister. Sa isang tao lang ako willing makishare ng stick-o."

Maglalakad na sana ako paalis nang pigilan ako ng lalaking nakahoodie na iyon. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at sinenyasan akong tumigil. Natigilan ako hindi dahil sa kaniya kun'di dahil sa bagay na nakita kong nakalawit sa kaniyang kanang braso. Pamilyar ang bracelet na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. 

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaking nakahoodie na nakakapit pa rin sa kaniyang nasipang pag-aari. Nakita ko ang isang nakakalokog ngiti na sumilay sa kaniyang mukha. Mukhang mali ang iniisip ng lalaking ito. 

"Hmm. If this is your way of getting my attention, congratulations. Anyways, I'm Andrew Villanueva, STEM 11-A." Nang marinig ko ang pangalang iyon, nanlambot ang tuhod ko habang ipinapakita sa kaniya ang suot kong kuwintas. 

"Alecia Santos. STEM 11-A," maikling tugon ko na ikinalaki ng mata niya. "I-isay? Ikaw na ba 'yan? Seryoso? Si Isay na iyakin, STEM student? Nanunulad lang sa akin dati tuwing quiz 'yon eh."Isang batok ang nakuha sa akin ng isang matalik na kaibigang matagal ko nang inaasam na makita. 

Ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi nagkita na kaming muli at magkaklase ulit o kakabahan dahil ibig sabihin lang noon, makakatikim na naman ako ng araw-araw na pambubully at pang-aasar. 

Hindi na mahalaga 'yan. Ang importante ngayon, ako ang nagwagi sa agawan ng stick-o kanina.

Wakas...

The Transferee is a Bully | COMPLETEDWhere stories live. Discover now