Kabanata 2: Anak ni Ninang

372 40 14
                                    

Isay's POV

"Kuya, bakit ba natin sinabay pauwi 'yang bata na 'yan?" tanong ko kay kuya habang naglalakad kaming tatlo pauwi. Bakit kasi kailangang isabay namin 'yang masungit na 'yan? Oo na, napagbintangan ko siya kanina atsaka nainom ko 'yong chuckie niya pero sinungitan niya ako kanina kaya quits na kami. 

"Hindi mo ba kilala 'yang si Andoy? Anak 'yan ng Ninang Marites mo. Noong mga baby pa nga kayo, sabay kayong naliligo niyan tapos wala kayong panty at brief," sagot sa akin ni Kuya. Siya pala si Andoy. Naalala ko na. Siya 'yong batang masungit dati tapos palaging pinapahid ang sipon gamit 'yong braso niya. Yak! Bakit ako pinayagan ni mama na sumabay sa kaniya sa pagligo? Kadiri!

"Kuyaaaaaa!" Sinigawan ko si kuya. Nakaka-asar kasi. Bakit pa niya sinabi 'yon sa harapan ni Andoy. Baka isipin ni Andoy na wala akong panty noong bata kaya hindi ako nagsusuot. Marami kaya akong panty. Nakalagay pa nga doon kapag Monday, Tuesday hanggang Sunday. Complete set!

"Huwag mong aawayin 'yan si Andoy. Sige ka, hindi ka bibigyan ng pamasko ng ninang mo."

~~~ 

"Pinapabigay ni Mama. Ibigay mo daw kay ninang pag-uwi mo." Binigay ko kay Andoy ang plastik na may lamang halaman. Mahilig kasi magtanim si Ninang Marites kagaya ni mama. Mukhang gubat na nga ang bahay namin sa dami ng tanim.

"Ayoko nga."

"Sige na, Andoy. Papagalitan ako ni Mama kapag inuwi ko pa ito." Kahit ayaw ko kausapin si Andoy, kailangan kong gawin kasi mapapagalitan talaga ako ni mama kapag hindi ko naipabigay kay Ninang Marites 'yong tanim. 

Minsan nga, naiisip ko na baka ampon lang ako tapos 'yong mga halaman ang totoo niyang anak kasi mas mahal niya 'yon kaysa sa akin.  

"Ibibigay ko 'yan kay mama pero ilibre mo muna ako,"sabi ni Andoy sa akin. Ibibigay ko na lang sana sa kaniya ang baon ko ngayon kaso naubos ko na 'yon kanina pa. 

"Ano bang gusto mo?"

"Ilan ba angmoney mo d'yan?" tanong niya sa akin. Binilang ko ang natitirang barya sa bulsa ko. Sukli pa ito noong nagpabili ng suka si mama sa tindahan kagabi. Hindi ko lang binalik. 

"Tatlong lima na lang ang pera ko.

"Anong tatlong lima? Baka fifteen. Hindi ka marunong sa math, 'no?" pang-aasar niya sa akin at tinawanan pa ako nang malakas kaya tinabunan ko ang bibig niya. Baka marinig ng iba naming kaklase eh. 

Pumunta kami sa canteen at ibinigay ko sa kaniya ang tatlong lima na pera ko. Nawalan tuloy ako ng pera dahil sa kaniya. Paepal talaga 'yan si Andoy. Bakit kasi dito pa siya pinag-aral ni ninang? 

Bumalik si Andoy na may dalang dalawang tasa ng spaghetti, dalawang juice at isang biskwit. Ipinatong niya ang tray sa ibabaw ng maliit na lamesa dito sa canteen at nilipat ang mga pagkain sa tray papunta sa lamesa. 

Kukunin ko na sana ang isang tasa ng spaghetti dahil nagutom ako bigla pero tinabig ni Andoy ang kamay ko. "Bakit?" tanong ko kay Andoy. 

"Sinong may sabing puwede kang kumain? Para sa akin lahat 'yan. Hungry ako. Ni-drink mo nga 'yong chuckie ko yesterday kaya bawal ka kumain.

Kukunin ko sana ang biskwit noong sumusubo siya ng spaghetti pero nagsalita ulit siya. "Nakikita ko 'yong hands mo. Don't get my biskwit. Akin 'yan."

~~~

Ako na naman ang inutusan ni teacher para maglinis ng classroom kahit cleaners naman ako kahapon. Nakakainis! Hindi ko kasi nasagot 'yong tanong niya kanina. Tinanong kasi ako kung saan binaril si Jose Rizal. Sabi ko sa kaniya, sa likod. Mali daw. Eh, saan pala? Sa noo? Nakatalikod kaya si Rizal noong binaril siya. 

Kinudlit ko si Andoy para magpaturo ng sagot pero mas lalo akong pinagalitan ni teacher noong sinabi ko 'yong tinuro ni Andoy. Sabi kasi niya, sa Sandara Park daw binaril si Jose Rizal. 

Dapat daw, alam ko na kung saan binaril si Jose Rizal sabi ni teacher. Kung mali ang likod at mali rin ang Sandara Park, saan pala siya binaril? Baka naman naka waterproof si Rizal kaya hindi siya natamaan ng baril. Bahala na. Tatanungin ko na lang si kuya mamaya. 

Habang nagtatapon si Andoy ng mga dinakot na basura sa basurahan, naisipan kong sislid sa loob ng bag niya ang bunot sa classroom namin. Dahan-dahan kong sinilid sa loob ng bag ang bunot at kunwaring nag-aayos ako ng desk noong bumalik siya. 

"Bakit ka nakangiti?" tanong sa akin ni Andoy. 

"Bakit ba? Gusto ko lang. Maganda daw ako kapag nakangiti sabi ng mama ko," sagot ko sa kaniya habang natatawa dahil sa kalokohang naisip ko. 

"Niloloko ka lang ng mama mo. Ikaw? Beautiful? Spell mo muna 'yong beautiful para maniwala ako," pang-aasar sa akin ni Andoy pero ngumiti ako nang malaki kahit kita 'yong bungi ko. Akala niya siguro hindi ko alam ang spelling ng beautiful. 

"Byutipul lang? B-Y-O..."

"Anong B-Y-O? It's B-E-A-U-T-I-F-U-L. Hindi ka siguro nakikinig kay teacher kaya hindi mo alam mag-spell."

Kahit na hindi ko alam ang spelling ng byutipul, nakangiti pa rin ako. Okay lang. Ang mahalaga, quits na kami kasi may bunot na nakalagay sa bag niya. Mapagalitan sana siya bukas!

Habang naglalakad pauwi, napansin kong tila mabigat ang bag ko ngayon. Nangangalay na ako sa paghila kahit na may gulong ito. Napansin ko ring kanina pa nakangiti ang masungit at paepal na si Andoy kaya pakiramdam ko ay may ginawa na naman siyang kalokohan. 

Napatigil ako sa paglalakad at binuksan ko ang bag ko. Nang mabuksan ko ito, nakita ko ang dahilan kung bakit mabigat ang bag ko. May malalaking bato sa loob ng bag!

"Akala mo siguro hindi ko nakita 'yong bunot na nilagay mo kanina. Bleeeeh!" pang-aasar niya atsaka tuluyang tumakbo palayo. 

"Andoooooy!"

Itutuloy...

The Transferee is a Bully | COMPLETEDWhere stories live. Discover now