Kabanata 1

28 1 0
                                    

Before Majarlica: Prequel

~*~

Taas-noo, tuwid ang gulugod, prominente ang kurba ng dibdib, nakapaloob ang tiyan: magandang tindig – iyon ang tamang posturang itinuturo sa kanila sa training camp tuwing Sabado. Noon, bago maipanganak ang mga Binhi, ang bawat pagbaluktot ay may katumbas na parusa – madalas ay hindi makatao at saksi sa kalupitan ng mga naunang tao ang buong parang sa kalupaan ng Majarlica na noon ay tinatawag nilang Santuario de Alma. Iyon ang unang pangalan ng Majarlica bago maging eskwelahan. Hango iyon sa masalimuot nitong nakaraan na siyang binigay ni Miguel Carreon, ang ibig sabihin daw nun sa Tagalog ay sanktuaryo ng kaluluwa.

Ang sabi sa mga libro, noong panahon daw ng mga Espanyol ay naging torture den para sa mga Pilipinong hindi sumusunod sa batas ng mga Prayle o 'di kaya'y natipuhan lang ng mga guardia sibil. Dito rin noon dinadala ang mga magsasakang hindi nakakapagbigay ng tamang halaga ng tributo o walang maibigay na handog para sa mga naghahari-hariang mananakop ng lupa.

Nang maglaon at naipanganak ang rebolusyon at himagsikan, naging himlayan naman ito ng mga nahuhuling rebelde at rebolusyonistang nagtatago sa bulubundukin ng Sierra Madre, Solana, Baggao, Peñablanca, at iba pang bahagi ng Cagayan at Isabela – mga lugar na ngayon ay wala na sa mapa.

Matapos naman ang sunod-sunod na himagsikan at pagbili ng Amerika sa Pilipinas noon ay nabili ito ni Andrew Carag at ang pag-aari sa santuaryo ay nagpalipat-lipat sa mga anak niya at inapo. Sa taong 1978 ay pinangalanan itong Andrew Carag Academy at nako-convert itong property bilang Agriculture school and center.

Mula sa tatlong lumang prison buildings, binihisan iyon upang magkaroon ng bagong anyo at dinagdagan pa ng dalawa. At dahil malaya ang mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano na maging edukado, mataas na nangarap si Andrew Carag VI para sa kanyang mga kababayan. Adhikain noon ng yumaong Signor na bigyan ng bagong lapis at papel ang mga nakaligtas sa pananakop ng mga Espanyol, lalung-lalo na ang mga magsasaka at mga kabataan. Naging matagumpay naman ang kanyang byahe patungo roon ngunit nagbago iyon matapos ang pananakop ng mga Hapon.

Pansamantalang nagsara ang eskwelahan para sa agrikultura at nang manumbalik ito noong panahon ng pamumuno ni Elpidio Quirino ay naging eksklusibo na lamang ito para sa mga anak ng elitista, socialite, pulitiko at mga tinuturing na VIP ng lipunan. Ang noo'y limang gusali ay naging walo, kasabay ng pagkakaroon ng gymnasium, malawak na open court, swimming pool at well-maintained field. Pinanatili rin nila ang pangalan nitong Andrew Carag Academy sa pagnanais nilang na mapanatili ang adhikain ng yumaong ika-6 na Andrew Carag.

"Ngunit nang mabili ito ng unang maestrong de Vuenevo, he converted Andrew Carag Academy back to its original name which is the Santuario de Alma or the Sanctuary of the Soul. Although it was never a resting place for the dead, as the war outside persists for years, he said on one of his journals that indeed this is a resting place for the souls. Ang pagkakaiba nga lang, it is a resting place of alive souls but for its early years, this has been a torture den and graveyard of captured Filipino revolutionists during the Spanish era. And when the lands of the Academy expanded beyond to where your eyes could reach, the community named Majarlica was born," pagpapatuloy ni Binibining Regalado sa discussion. She's one of the three history teachers within the community and today, she's lecturing the tertiary ed freshmen of the community.

The students are all wearing the all-green regular uniform; it is in all shades of aesthetic earth green but the top is mainly hunter green in color and the lower cloth is latched of deep forest green camouflage dye with colored double lines from shoulder to the wrist. Freshmen are labeled red, sophomores are orange, juniors are yellow, and seniors are white. The main top is a double-breasted leather suit jacket and underneath it is a turtle-neck muscle shirt; these two are paired with six-pocket leather trousers tucked inside a black-green boot. The boots are tactically waterproof with hard-soles but soft against the skin, it is heavily laced with a wide cuff buckled above the ankle made and sewn by the best cordwainer in the community.

"Someday, one of these students will rule the community, or some will help to maintain peace and security within the great walls of Murus," Binibining Regalado thought. "Anyway," she resumed, "maraming dugo ang nagmantsa sa bawat lumang dingding ng mga sinaunang gusali na magpahanggang ngayon ay nakatayo pa rin – yes, Miss Guerrero? You're raising your hand."

The girl with yellow ribbon and yellow chocker smiled. "Can I ask a question?" Antimony Guerrero asked with her tiny voice. Tumango lamang ang guro bilang pagbibigay ng pahintulot. "These old buildings, where can we find them?" she queried with anticipation while her personal smartglasses is recording.

Well, Antimony Guerrero is one of those 108 tertiary ed freshmen who had just been allowed to have a set of their very own gadgets – a Thinkpad, smart glasses, and a pair of AirPods. Dormitory students in the lower years are not allowed to actually own their personal gadgets but they were taught how it is operated and now, Antimony and her classmates are exploring.

Binibining Regalado tapped off her smart glasses and stared at her. "That's a very nice question." Ngumiti ang guro. "One of the oldest could be found in Esthemagne and the other is the old library located at the north part of the campus, which is now called the Roundtable. These buildings are thousand years old already but of course, the experts within our community found ways to maintain the durability of these historical buildings and to preserve it."

Tumango lang si Antimony sa sagot ng guro. It was very informative and straight to the point kaya wala na siyang sumunod pang tanong, curiosity just got her. Nagpatuloy na ang discussion sa klase at tuwang-tuwa si Binibining Regalado dahil sa katahimikan at paggalang galing sa bawat isa. Hindi naman lahat ng estudyante niya Pilipino, kung tutuusin nga ang nasyonalidad ng bawat indibidwal sa kanila ay binura bilang kanilang pagkakakilanlan.

Binhi – lahat sila ay mga Binhi.

Ang ganitong kaisipan ay turo ng naunang Maestro Jose de Vuenevo. Base sa mga sulating iniwan niya, nakalakhan daw ng kanyang mga ninuno ang pagkakaroon ng discriminasyon sa lahi, kulay ng balat, tradisyon at kultura dahil sa pagkakaiba-iba ng mga paniniwala noon. Kaya naman nang maipanganak ang komunidad ng Majarlica, isa ito sa mga turong binigyang-diin niya: Lahat sila ngayon ay tinatawag nang mga Binhi ng Majarlica, hindi nakatataas ang puti o singkit, wala nasa ibabang itim o Asyano, hindi terorista ang tingin sa mga naka-Turban o Hijab.

"Binibini, ang ingay po ng speaker!" One among the freshmen shouted while pointing at the speaker.

Binibining Regalado's lecture was cut off mid-air at lahat sila ay napatingin sa direksyong tinuro ng estudyanteng Binhi. After a while, the loud high-pitched sound blared, banging their ears some of the students with low tolerance of the sound dropped unconscious with ears bleeding.

---x

Cool Stories I Tell My FriendsWhere stories live. Discover now