Kabanata 2

2 1 0
                                    

The Drill Thrill

~*~

"Good day, dear students of my lovely Alma Mater!" energetic na bati ng Head Mistress.

Mula sa pagkakayuko sa desk ay napatingala si Freya, diretso siyang napatingin sa maliit na speaker na nasa taas lang ng halogen board. Napangisi pa ang dalaga nang mapansing lahat ay roon nakatuon ang atensyon, maging si Ginoong Thompson na istrikto sa oras ng pagtuturo ay natigilan at humarap doon. Lahat ay nakaabang sa susunod na sasabihin ng Head Mistress at dahil taon-taon sa unang araw ng balik-eskwela ay nag-aanunsyo ito ng pormal na paanyaya sa mga estudyante upang dumalo sa Annual Immurement. Ngunit lumipas na ang ilang sandali, katahimikan pa rin ang namutawi sa kabilang linya at walang hanggang ingay ng static.

Bagsak ang balikat ng lahat nang mamatay ang tunog sa speaker. Walang anunsyo ng paanyaya, ibig sabihin ay Konseho lamang ang maaaring dumalo sa Annual Immurement ngayong taon.

"May be the Head Mistress is in the mood to greet us all," putol ni Ginoong Thompson sa katahimikan nang maglaon. Humarap na ang binibini sa kanyang mga estudyante at nagpatuloy sa paglalapag ng mga beaker at iba pang laboratory materials na baon niya.

Nasa harapan siyang desk, sa likod niya ang ay malaking halogen board na kung saan kusang nagpa-flash ang mga mahahalagang bagay na sinasabi niya sa oras ng lecture. Nirerecord din nun ang mga softcopy ng files na binibigay sa mga estudyante – isang malaking advantage sa tuwing nagkakaroon ng group study ang mga magkakaklase. Bukod pa diyan, accessible ang mga data nito kahit saanman sa loob ng campus basta't may pahintulot ng guro.

Sa kaliwa ni Ginoong Thompson ay makikita naman ang automatic entrance door na nagbubukas sa tuwing nakakaramdam ang sensor nito ng body heat mula sa tao. Nasa labas nito, sa kanang pader, ay matatagpuan ang fingerprint scanner na kaagapay ng mga guro sa attendance checking. Ang automatic exit door na nasa likod ng silid-aralan ay mayroon ding fingerprint scanner sa loob, above the scanner is the alarm button, and below it is the safe ciruit. Kinikilala lamang ng mga scanner na ito ang registered fingerprint sa klase kaya ang sinumang class outsider na nagnanais pumasok ay hindi napapahintulutan nang walang teacher's approval. Lahat naman ng anunsyo ay dumaraan sa maliit na speaker na nasa itaas ng halogen board o magkukusa iyong mag-flash mismo sa bagay na nabanggit.

"As I told you before, today I will show you the science behind chemical reactions. We will unveil the magic behind it," ani'ya habang inaayos ang suot na salamin at maingat na pinagtatabi ang mga beaker sa mesa upang gawing isang hanay iyon. "Miss Angelus, kung inaantok ka pa ay pwede ka nang lumabas sa klase ko pero siguraduhin mong hindi na magkukrus ang landas natin," suway niya kay Freya nang mapansing mangalumbaba na namanito sa desk nilang magkakaibigan – bawat desk ay nakalaan para sa tatlong estudyante.

"Hoy, 'wag ka kasing matulog," saway ni Archer sa kapatid.

"Remind your friend Mr. Gaius and Ms. Goyagoy that I will never tolerate any act of disrespect in my class ha." Parang kaninang pumasok siya ay naabutan niyang natutulog ito at kung hindi pa ginising ng mga katabi nito ay hindi rin magigising. "Hay, nasasayang ang oras ko sa'yo, Miss Angelus! Okay, class open your PDF copies at page 135," he instructed pagkatapos ay muli nitong isinuot ang kanyang smart glasses.

Kulay berde ang smart glasses na iyon at tanging ang temples nito ang masisilayan kapag hindi pa naisusuot ng may-ari. Mula sa parte ng hinges nito ay may lalabas na green laser upang mag-scan ng skin DNA para kilalanin ang taong gumagamit nito at kumpirmahin kung ito nga ang nagmamay-ari ng gadget. Pagkatapos ng mabilis na pagkilala ng gadget sa user-DNA ay roon pa lamang ito gagana. Sa lagay ng smart glasses, saka pa lamang magpapakita ang holographic lenses o glass lenses nito – nakadepende iyon sa user-default na akma sa pangangailangan ng may-ari. Ang kay ginoong Thompson ay glass lenses dahil malabo na ang kanyang mga mata na mas convenient gamitin anumang oras sa lagay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cool Stories I Tell My FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon