Day 004

79 16 1
                                    

1:30 am

Benji: Good morning MP :)

Benji: Naalimpungatan ako MP

Benji: Yan tuloy madaling-araw nagising ako

1:32 am

Benji: Badtrip naman MP nagugutom ako

Benji: Gusto ko ng pancit canton, yung chilimansi

Benji: Teka magluluto lang ako balikan kiya

Benji: *kita

Benji: Typo

1:35 am

Benji: Luto na MP

Benji: Gusto mo ba?

Benji: Luto ka rin :>

1:36 am

Benji: Ang anghang!

Benji: MP ang anghang pala nito di mo naman sinabi

Benji: Ano bang pwedeng pampaalis ng anghang? Parang tumitibok yung dila ko eh masakit

1:38 am

Benji: Uminom na ko ng gatas MP

Benji: Buti na lang may gatas sa ref

Benji: Bat ba kasi ako nagluto ng chilimansi eh hindi ko naman kaya yung maanghang

Benji: Timang hehe

1:39 am

Benji: Anyway highway MP

Benji: Ang bobo ko

Benji: Alam mo kung bakit?

Benji: Syempre hindi

Benji: Pero yon nga, ang bobo ko

Benji: Kasi ngayon ko lang nalaman na vlogger ka pala

Benji: Anak ng tokwa VLOGGER KA PALA

Benji: Bat di ko alam yon MP

1:41 am

Benji: Sabagay di naman ako mahilig manood sa youtube

1:45 am

Benji: Nanonood ako ngayon ng vlogs mo MP

Benji: Habang inuubos tong pancit canton na maanghang

Benji: Sayang kasi eh, wala naman akong pagbibigyan dito sa loob ng condo ko eh ako lang mag-isa

Benji: Kaya tinitiis ko na lang yung anghang habang nanonood ng vlogs mo

Benji: Anyway brb, manonood lang ako ng vlogs mo hehe

2:30 am

Benji: MMMMMPPPPPPP

Benji: Ilang videos na napanood ko sa channel moooo

Benji: Hahahaha nakakatawa nga yung isa mong video nung nag never have i ever ka eh

Benji: Ikaw ha? Nakipag ano ka na pala ha

Benji: Sino yon ha sino yon hahahah

Benji: Sana ol MP

Benji: Dejok lang hahaha

2:32 am

Benji: MP tutulog muna ako ha

Benji: May pasok pa ko ng six eh

Benji: Update na lang kita sa buhay ko mamaya

Benji: Good mornight MP

Benji: Waiting ako sa next vlog mo bukas ;)

Seen 5:31 am

Half Past OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon