Day 029

30 3 1
                                    

1:30 am

Benji: Hi Audrey

Benji: Good morning.

Benji: Kilala mo pa ba ako?

Benji: Ako si Benji

Benji: Boyfriend mo.

Benji: Noon

Benji: Hindi ka pala online ngayon Audrey no?

Benji: Bakit? Busy ka?

Benji: Di bale, ipapaalala ko na lang sayo lahat

Benji: Yung araw na pumunta ka sa café ko, gulat na gulat ako noon

Benji: Sabi mo, dare yon. Para makalimutan mo na ex mo

Benji: Siguro umayon sakin ang universe kasi saktong sa café ko pa talaga nagsimula ang lahat

Benji: Alam mo ba Audrey

Benji: Habang nagkukwento ako tungkol sa girlfriend ko kuno, umaasa ako na sana maalala mo lahat ng kinukwento ko

Benji: Pero inoobserbahan ko yung mga reply mo

Benji: Mukhang wala ka talagang naaalala

Benji: Masakit pa rin pero kakayanin ko

Benji: Tungkol pala kahapon

Benji: Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka nagsosorry

Benji: Sa pagkakaalam ko, wala kang nagawang mali sakin

Benji: Ako yung may pagkukulang

Benji: Ako at hindi ikaw

Benji: Pero kung ano man ang dahilan kaya ka nagsosorry

Benji: Patatawarin pa rin naman kita eh

Benji: Kasi hindi mo naman ginusto kung ano mang nangyayari sayo ngayon

Benji: Ako dapat ang manghihingi ng sorry sayo

Benji: Kaya sorry Audrey

Benji: Hindi ako naging matapang para ipaglaban ka

Benji: Mabilis akong sumuko

Benji: Nagpatalo ako sa sakit na naramdaman ko noong mga panahong pinapaalala ko sayo kung sino ako

Benji: Kung sino ako sa buhay mo

Benji: Patawad

Benji: Kaya ginagawa ko to

Benji: Ulit

Benji: Na ipaalala sayo kung ano ako sa buhay mo

Benji: Kung sakaling hindi mo talaga ako maalala pagkatapos nito

Benji: Susuko na ako

Benji: Sa huling pagkakataon

Benji: Pero lagi mong tatandaan Audrey

Benji: Mahal na mahal kita.

Half Past OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon