High school

544 24 5
                                    







High school. Mula nang tumuntong ako ng high school, hindi na ako nagsimba pa. One day before ng pa-baptist ko, umurong na ako. Kapag kasi mag-pa-baptist ka, dapat handa ka nang i-surrender kay God ang lahat. Iyong kaya mong ibigay ang lahat ng oras mo sa kanya at hindi ko iyon nararamdaman sa sarili ko. Feeling ko hindi pa ako handa sa responsibilidad bilang Kristiyano.

To make the long story short, naiwan kami ng lola ko sa bahay. Dalawa lang kami at ang tita kong may sakit sa utak. Okay, straight to the point, baliw. Ang sabi nila tumalon daw siya sa bintana kaya hindi na babalik pa sa dati. Iyon ang paniniwala nila. Sayang lang dahil maganda sana at maputi.

Ang weird ko man pero ako ang apo na hindi sanay na natutulog sa ibang bahay. Naalala ko noong natulog ako sa tita ko, umuwi talaga ako kahit hating gabi sa lola ko dahil natatakot ako na baka pag-uwi ko, wala na sila o baka pinasok ng masasamang tao.

High school life. Kaunti lang ang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako palakaibigan at nahihiya ako. Wala akong pantalon. Wala rin akong bagong damit. Nasa Singapore na ang auntie ko kaya nagpapadala sa amin ni Nanay ng 3k monthly.

Malapit lang ang bahay namin sa kalsada. Bago ng bahay namin, dadaan muna kami sa malaking bahay ng lola ko o kapatid ng lolo ko. Head nurse raw sa US si Lola pero walang anak. Hindi ko naman siya nakikita e.

Medyo nakakailang lang dahil isinarado nila ang gate tapos sa gilid na maputik kami dumadaan. Nagtatanong ako kung bakiy nila ginawa iyon? Hindi ba pwedeng dumaan kami sa gate dahil hindi naman kami iba? Pero wala naman kaming magagawa.

Dahil may TV sila at kapitbahay lang, dito na kami nakikinood. Buhay pa ang ama ng lolo ko at sa malaking bahay nga nakatira kasama ang bantay na anak niya.

Mahirap lang din ang kapatid ni Tatay na nagbabantay kay Lolo. Sila ang pinatira ng kapatid at pinapadalhan lang ng sahod at pera kada buwan.

Naalala ko noon, dito na kami nakikinood dahil may TV sila at kapamilya naman namin. Nanonood sila ng TV kaya pumasok ako. Dahil malikot ako, sumiksik ako sa ilalim ng mahabang upuan. Nakita ko ang chichirya na nakaipit doon pero hindi ako nagpahalata. Baka kasi kumakain sila pero bigla akong dumating.

Marami silang pagkain dahil pinapadalhan ng lola ko. Naiinggit ako dahil ang daming gatas at milo. Gusto ko rin sanang magtimpla kaso sabi kay Lolo raw iyon. May ref din sila pero nahihiya akong magsabing baka pwedeng gumawa ng ice candy. Hindi naman sa pang-aano pero may pagkamadamot sila.

Noong galing si Tatay sa hospital, humingi si Tatay ng ulam nilang isda dahil hindi makatrabaho si Tatay pero hindi siya binigyan ng kapatid niya. Ang sabi ay wala na raw pero nakita ng nanay ko na kinabukasan, tinapon  nila ang napanis na ulam nilang isda.

Naalala ko noon, umakyat kami sa kisame ng tita ko tapos nakaapak ako sa basang part kaya nabutas. Hindi talaga ako umamin non pero sinumbong ako ng tita ko sa lola namin na taga Maynila pero hindi pa rin ako umamin. Hahahaha. Magkamatayan na. Parang maliit lang na butas e. Pwede naman yun palitan.

Naalala ko noong nanonood ako ng TV, biglang tumayo ang lola ko at walang pasabing pinatay ang TV. Nainis ako! Ang bastos pero nakikinood lang ako. Hindi rin ako pumapasok sa kwarto dahil lumalaki ang mga mata nila.

"Pag ako yumaman, bilhin ko ang bahay na 'to!" bulong ko na lang saka umuwi. Para kasing ibang tao kami kapag pumasok sa bahay. Feeling ko hindi welcome.

Siguro naawa ang tita ko sa amin kaya bumili na siya ng TV. Wala na si Tatay. Isa kasi iyon sa mga pangarap niya.

Suplada naman ako at palaban talaga. Siguro dahil bata pa ako? Ayaw ko rin pumupunta ang mga pinsan kong babae dahil ayaw kong makipaglaro sa kanila at nagsasara ako ng bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung Hindi Ngayon ang PanahonWhere stories live. Discover now