MFBF: Seventy- nine

156 14 0
                                    

Nyapii 1.1k reads sa season 1 keep supporting mga bb's! Worth it ang lahat pagdating sa season 3 iiihhhhkkkk egzoited nakoowwsss🤧✊✨


Ilay sa typo tamad pa din si otor HAHAHA



Half brother

Lezili's POV

Kailangan ko na talagang makausap si Wyde!

Nandito ako ngayon sa cafeteria, nakaharap sa daan daang estudyante at mga staff. Wala na kong pake kung makarating pa to Kay Shawn basta makausap ko si Wyde at mapigilan Ang kabaliwang to!

Hindi ko nakasabay sila Iris,kate o Eisha papunta dito sa cafeteria kaya agad akong dumiretso sa table nila Kier. Pansin ko naman ang mga bulong bulongan at mapanuring tingin nang lahat sakin, nang makarating sa table nila ay agad na nanlaki ang mga mata nila Kier maliban kay Wyde na wala pa ding reaksyon

"Lez anong ginagawa mo?" Mahinang tanong sakin ni Jeff pero hindi ko sya pinansin at diretso lang na nakatingin kay Wyde

"Pwedi ba kitang makausap?" Normal kong tanong sa kabila nang chismisan sa paligid namin, napabuntong hininga pa sya bago tipid na tumango

Akmang aalis na sana kami nang hawakan ni Kier ang braso ko

"Lez..." Usal nya na para bang malaking kahihiyan ang ginagawa ko ngayon, pero gaya nang kanina wala na kong paki! Ang mahalaga mapigilan ko ang kahibangan na to, sarado ang utak ni Shawn kaya eto na lang ang kaya kong gawin para matigil to!

"Sandali lang to,pramis" saad ko dahilan para unti unti nya kong bitawan

Sumunod lang ako kay Wyde sa malayong distansya para hindi kami paghinalaan nang mga nagpapanggap na staff dito sa campus,pagkarating sa isang bakanteng kwarto ay agad nya kong hinarap. Magsasalita na sana ako nang unahan nya ko

"So you already knew" panimula nya, napatango naman ako bilang sagot

"Wyde hindi natin pweding gawin to!---"mahina kong protesta, napabuntong hininga naman sya

"I know, but we have no choice Lex" biglang tumayo ang balahibo ko nang tawagin nya ko sa pangalan na Yun. Sa ngayon kahit na marami nang nakaka alam kung sino ako sya lang ang tumawag sakin sa pangalan na yan, bukod kay Kate at Shawn

"Ehdi gumawa nang choice! Wag tayong sumipot! Wyde maraming maaagrabyado, pano na si Eisha? Si... Si X-Xynon" sabi ko pa

"I'm not worrying about Eisha, she already knew...but she doesn't know that it's you.." saad nya pa dahilan para mapalunok ako "..but I'm more worried about Xynon.He's having hard time right now, but once he knows about this he'll never get out from that situation just to help us" dugtong nya dahilan para mapatahimik ako

Ganun nga ba? Kaya nya bang isugal lahat para sakin? Kasi kung kaya nya ba't hindi nya ginawa? Bakit hindi nya ko kayang harapin mula nung malaman nya ang totoo?

Napabuntong hininga pa ko kasabay nang mabigat na kalooban "Hindi mangyayari Yun" sagot ko na ikinataka nya "Hindi ako si Lez kaya malabo Yun...Mahal nya si Lez ngayon, nakaraan na ko. Nakaraan na si Lex"

"Listen up Lez" napakunot naman ang noo ko nang tawagin nya ko sa pangalang yun "Past? Present? Still the same. He still loves you, no matter how many times you change your name and whole identity. Just hang on. I already have a plan, we'll make sure that there'll be no wedding that will going to happened" comfort nya saka ako niyakap, sa sandaling yun nalahinga ako nang maluwag. May tiwala ako kay Wyde, kaya kung gagawa sya nang paraan ganun din dapat ako

Matapos naming magusap ay dumiretso na ko nang lockers para kumuha nang gamit.Walang binanggit si Wyde tungkol sa plano nya,pero ngayon kailangan kong isipin kung pano mapipigilan si kuya sa mga plano nya. Alam kong para din to samin pero Hindi pweding ganito na lang,hindi pweding umalis ako at iiwan sa kanya lahat nang problema dahil magkapatid kami. Magkasama dapat namin tong haharapin

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now