CHAPTER 1

2.2K 41 3
                                    


"HOOOY Semi! Tara na! Baka malate tayo sa kasal ni Yhanna!"

Sigaw ni Rei sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos ko nagbihis ay lumabas na ako at kita kong nakabihis na siya.

Pink Dress, Flat Shoes, Nakalugay ang basa niyang buhok.

"Don't worry noh! Wala akong balak mag make up!" Deretsang sabi niya

"Umagang umaga ang ingay mo." Asik ko sa kaniya at nilampasan siya

"O! May regalo kaba sa kasal ng kaibigan natin!!?"

Bakit ba hindi nalang mahimik ang bunganga ng babaeng ito?!

"Nasa kotse ko." Walang buhay kong sabi

"O! Hindi kana ba kakain?! Baka gutumin ka at himatayin sa daan! Mahirap na! Ayoko pa naman magbuhat—"

"Ang ingay mo. Dyan tayo malalate dahil sa kadaldalan mo eh! Tsk!"

Natahimik siya at ngumiti saka nag wacky pero tinalikuran ko siya at sumakay sa kotse ko. Sasakay sana siya sa kotse kona pigilan ko siya.

"May kotse ka. Doon ka sa kotse mo huwag sa kotse ko."

"Ano?! Bakit?! Ayoko mag drive noh—"

"Edi mag jeep o mag taxi ka, problema ba yun? Tss!" Inis na sabi ko "Ayokong umutot ka ulit sa kotse ko dahil sa nakakahimatay na baho ng utot mo. Doon ka sa kotse mo sumakay at umutot. Hindi kana pwedeng sumakay pa ulit sa kotse ko dahil—"

"Dami mong sinasabi! Ito na! Sasakay na po ako sa kotse ko Madam! Punyeta!"

Sumakay na siya sa kotse niya at mabilis ko pinaandar ang kotse ko at hindi kona siya hinintay pa.

Si Kuya at sila Mom and Dad ay nasa State para sa mga inaasikaso nila sa business nila.

Pagdating ko ay nakita ko sa side mirror kona lumabas nasa kotse si Rei habang hindi maipinta ang mukha niya.

Napangisi ako.

Kinuha ko ang regalo ko kay Yhanna saka lumabas sa kotse ko. Simple lang ang suot ko.

Denim jacket, white sa loob, denim pants then white rubber shoes saka nakatali ang buhok ko at kaunting pulbo lang.

"Letse ka talaga! Bakit mo ako iniwan agad?!"

"Tss! Wala na eh, nangyare na ang nangyare."

"Nangyare na ang nangyare..." Sarcastic na ulit niya sa sinabi ko saka sinamaan ako ng tingin "Letse ka parin! Paano kung may mangyare sa akin tapos ikaw nakarating na dito?!"

"Dadalawin nalang kita sa burol mo."

"Letse ka talaga! Ang tino mong kausap!"

Ngumisi lang ako at naunang naglakad sa kaniya. Narinig ko siyang suminghal kaya binaliwala ko yun.

Bigla ko nakita si Tita Yassi na ang ina ni Yhanna. Ngumiti siya sa amin na makita kami.

"Goodmorning po Tita!" Si Rei

"Goodmorning" sabay bumeso sa amin dalawa "Ang gaganda naman ng mga anak-anakan ko! Manang mana sa Tita!"

"Ano kaba Tita!" Si Rei "Nasa lahi naman talaga natin yun! Hehehe!"

Natawa si Tita "Wala ka parin ipinagbago iha, ang ingay mo parin."

"Hehehe sanay ka naman Tita diba po?"

Tumago si Tita "Oo naman!" Saka tumingin sa akin "Still behave parin ba ang anak-anakan ko?"

Ngumisi ako "Hindi pa ho ako naaawaan sa kaingayan ni Rei at Yhanna."

"I see." Sabay tumawa "Well papunta na si Yhanna at nasa loob na ang future husband niya."

"Naku Tita!" Si Rei "Si Yhanna talaga ang unang nakapag asawa sa amin tatlo! Kita mo na ngayon Tita?! Lumalakad na si Yhanna para maabot ang mga kamay ni Ali! Yieeeee!"

Natawa si Tita pero hindi ko magawang makisama. Inaantok ako eh. Ano pa ba dapat?

"Ayon na nga iha. Ang nag iisang anak ko ay ikakasal na tapos kayo dalawa ay hinihintay ko din na makasal kayo dalawa."

"Naku Tita! Si Semi ang mauuna sa akin! Hehehe!"

"Hindi ako marupok." Sabi ko "Ikaw ang marupok Rei. Boyfriend mo nga si Kael. Tss."

"Hoy!"

"Kahoy."

Nagsalubong ang kilay niya.

Biglang lumabas si Tito sa simbahan na sisimula na. Napatingin ako sa paligid at nakita kona ang kotse na kung saan si Yhanna.

"Hoy Semi! Hindi ka mag rarampa?!"

Babaeng to. Nakakainis minsan.

"Bat naman ako magrarampa? Ano ako? Q and A? Tss. Mas bagay mo yun."

Tinalikuran ko siya at pumasok ako sa simbahan kaya naramdaman ko ang pagsunod niya.

Nagsimula na ang kanta habang pinapanood ko ang mga flower girl ni Yhanna na naglalakad.

Pagkatapos.

Dahan-dahan bumukas ang pinto at si Yhanna ang na ang nakita namin.

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi niya habang naglalakad kasama ang mga magulang niya.

Napaka ganda niya. Sobrang bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang kasuotan.

Silver Gown.

"Ang ganda talaga ni Yhanna." Bulong ni Rei na nasa tabi ko

"Edi magpakasal kayo dalawa ni Kael para gumanda kadin, tss!"

Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako.

Tumingin si Yhanna sa amin at ngumiti siya habang lumuluha.

Napatingin ako kay Ali na pilit niyang hindi maluha.

"Take care of my daughter, Ali." Striktong sabi ni Tito

Tumango si Ali "I will , Tito."

"Dad" pagtatama ni Tito "Call me Dad."

"Magtatampo ako kapag hindi mo ako tinawag na Mom" si Tita

"Mom, Dad" si Ali habang nakangiti "Thank you."

Tumango sila Tita at niyakap ni Yhanna ang mga magulang niya saka inalayan ni Ali si Yhanna.

"Ang gwapo ng best man niya."

Narinig kong bulong sa likod namin pero hindi ako lumingon. Pinilit kong hindi makinig pero kusa ko yun naririnig.

"Oo nga. Balita ko sikat na sikat na doctor daw yan."

"Talaga?"

"Shhhh!" Si Rei na nakisaybet pa.

Hays Rei. Kahit kailan talaga.

"Manahimik kayo" bulong ni Rei sa kanila dahil mga dalaga din naman ang nagbubulungan, aba syempre alangan naman alien "Kasal ni Yhanna okay? Kaya behave us hehe."

Hindi na nagsalita ang mga babae kaya napatingin ako kung sino ang best man ni Ali. Sa sampung taon na nakalipas bakit kailangan makita ko siya?! What the hell!!

Fuck?

"Letse" narinig kong bulong ni Yhanna "N-nanaginip ba ako?"

Sa loob ng sampung taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita.

Hindi ako tumitingin o nag a-update sa bawat uploads niya. Dahil deleted na ang account ko.

Biglang nagtama ang mata namin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko pero hindi ko pinahalata. Ngunit bakit hindi siya nagulat na nandito ako? Tsk! Nakalimutan ko nga pala kung gaano siya katarantado sa panloloko niya sa akin noon!

Bigla niyang iniwas ang paningin sa akin.

Ryxhen Alerajos...

Barb Series 1: Since We Met (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora