CHAPTER 4

1K 33 2
                                    

NAIILANG ako. Sobra pa sa sobra. Bakit hindi sinabi sa akin agad ni Kuya na kasama namin sila?

Totally hindi naman talaga alam ni Kuya na naging kami sa lalakeng ito. Wala naman alam si Kuya dahil ang alam lang niya ay crush na crush ko ito dati.

Nagtama ang mata namin ni Kuya kaya binigyan ko siya ng blankong mukha. Umiwas ako ng tingin na matapos kaming kumain.

"Kamusta ang inyong negosyo Chairman Alerajos?" Tanong ni Lolo Dad.

"Maayos naman Chairman. Nakakapanibago lang dahil sa business na hinahawakan ng aking apo na si Rafa."

"Isa siyang President CEO diba?"

"Oo Chairman. Ang pinaka mataas na CEO sa buong Asya."

Mali ata nandito ako eh. Payabangan pala sila dito? Hays.

Mahina natawa si Lolo "Kamusta ang pinapalago mong kompanya President Rafa?"

"Rafa na lang po Chairman" Anang Rafa "Ahm...its really fine naman po Chairman. Sanay naman ako sa mga darating na pabago-bago sa kompanya ko."

"Mahusay." tumingin si Lolo kay Ryx "Ikaw Ryxhen? Kamusta ang pagiging Doctor mo?"

"Its better than okay Chairman." seryosong usal niya

"Marami rin bang mga pasyente na dumadating sa inyo?"

Tumango si Ryx at umiwas ako ng tingin na magtama ang mata namin.

"Yeah. Nakakapagod but I didn't give up. Mahalaga sa kanila ang buhay nila."

Hindi ka Diyos!

"I see. Nakakapagod nga ang pagiging Doctor pero sumisikap parin kayo para lang sa mga buhay nila."

Tango lang ang isinagot ni Ryx.

Tumikhim si Lolo "Magkakilala ba kayo ng apo kong si Semi?"

Lolo Daaaad! Please don't open this topic! Mapipilitan akong magsinungaling sa inyong lahat eh!

Kailan pa naging interviewin si Chairman?!

Tinignan ako ni Ryx pero wala akong makitang reaksyon sa mukha niya kundi blanko.

"Ye—"

"Hindi ho Chairman." Pag uuna ko kay Ryx

Lahat sila ay nasa akin ang atensyon nila lalo na si Ryx. Tumingin ako kay Ryx saka bumaling kay Chairman.

"Kilala nyo ho ako Chairman. Hindi ako interisado sa mga tao."

"Mayabang" bulong ni Kuya pero hindi ko siya pinansin

"Kung ganon ngayon lang kayo nagkita dalawa?" Anang Chairman Alerajos

Tumango lang ako.

"Kung ganon kilalanin ninyo ang isa't isa."

Natigilan ako sa sinabi ni Chairman namin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Mahalagang kilalanin ninyo ang isa't isa Semi at Ryxhen."

Bigla akong naguluhan.

Biglang sumenyales si Chairman kay Ezra na ang bodyguard ni Chairman. Kumuha siya ng envelope saka inabot yun kay Ryx.

"Napag usapan namin ni Chairman Certico na permahan nyo ni Semi ang nasa papel nayan." Anang Chairman nila

Natigilan ako. Hindi ko maintindihan.

Binuksan ni Ryx ang nasa envelope at kita ko ang pagkatigil ng itsura ng mukha niya. Doon nagbago ang reaksyon ng mukha niya!

"Ano ang nakasulat Ryx?" Tanong ni Rafa

Barb Series 1: Since We Met (COMPLETED)Where stories live. Discover now