Kabanata 10

259 22 3
                                    

It hurts when someone you trust someone with all your heart and without knowing it, they are betraying you. I would take the damn bullet for him but I didn't know that he was standing behind the trigger. 

Umupo ako sa aking kama habang nakatingin sa dala kong larawan namin ni Erina. Sana ay nandito nalang siya. Alam kong hindi siya papayag na maiwan akong mag isa dito. Isa siya sa mga naniniwala sa aking kakayahan mula pa noong naging reyna ako. 

Matapos ikwento ni Chessa ang mga babaeng may ugnayan kay Xerxes ay sadiyang bumigat lalo ang aking nararamdaman. Nagagalit ako dahil kinukulong na nga ako dito sa palasyo at nag seselos din ako dahil kay Francese at Myra. 

Nalaman ko sa mga katulong dito sa palasyo na kasama si Princess Myra sa labanan. Kumalat din na magandang ipagsama ang mahika nila ni Xerxes kaya palagi silang mag 'partner' pag may gyera. Ugh! Hindi ko mapigilang mag selos. Normal ba ito? O sadiyang makitid lang ang utak ko pag dating sa mga babae ni Xerxes.

Pumunta din si Francese sa lugar ng nilabanan nila para daw tumulong sa panggagamot. Wala daw may kakayahang gumamot sa kanila gamit ang mahika kaya kailangan nila itong gawin sa normal na paraan.

Kung sinama lang sana ako ni Xerxes ay makakatulong pa ako! 

Hindi ko siya papansinin. Bahala siya sa buhay niya. 

I am a damn Queen and a Queen doesn't need a King!

Rinig ko sa mga tagasunod na tapos na daw ang pag atake. Pinili muna nilang umatras dahil masiyado daw malakas ang apoy ni Xerxes lalo na pag kasama ang mahika ni Myrang impakta. 

Naalala ko noon na kaya kong ienhance ang abilidad ni Xerxes. Nakahanap kaagad siya ng ibang babae para mag palakas sa kaniya? Sabagay sampung taon din akong nawala. Ugh! Sino ba talaga ang kakampi ko! Puso o isip? Ako'y naguguluhan! 

Pinili ko na lamang tumayo at mag lakad sa palasyo. Kailangan kong malibang dahil baka mapatay ko si Xerxes sa aking isip. 

Dinala ako ng aking mga paa sa Art room. Ito nalang ang tawag ko tutal ay puro pang arts and crafts naman ang laman nito. Lumiwanag ang mukha ko ng makitang maraming kagamitan dito para sa pag pipinta. 

Minsan nga ay mag pipinta ako dito para hindi ko lubos na maisip si Xerxes. Palagi nalang siyang nasa isip ko at hindi ito pwede. Siya naman ay nag papakasarap sa mga babae niyang pangit. Siya rin naman pangit. Ako lang ang maganda dito. 

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Xerxes habang nakangiti. Naka bukas ang tatlong butones ng kaniyang pang itaas. Iniwas ko din ang tingin ko sa kaniya at pinag patuloy ang pag tingin ko sa mga art supplies.

"You love to paint?" he asked but I stayed silent again. 

"Can you paint me? I have no painting of myself in this palace..." you have no idea Xerxes. You have no idea on how much I painted you for five years. 

Umiling nalang ako dahil masama talaga ang timpla ko sa kaniya. Naisip ko na bumalik nalang sa aking kwarto para mag aral ulit. Hindi ko siya tingnan. Nilagpasan ko lang siya ngunit kinapitan niya ang braso ko. 

"Hey, are you okay? Tired? Sleepy? Does something hurt? Why are so silent? Is something bothering you? Say it to me and I'll do anything with my power." sunod sunod niyang sabi. Marahan ko lang hinila ang braso ko at inilingan siya. Hindi pa din ako nag salita. 

Lalabas na sana ako ng pintuan ng bigla siyang sumulpot dito. Seryoso ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Para bang inaaral niya kung ano ang nararamdaman ko.

"You do know that I can feel what you're feeling right? That is one of the many things we can do as soulmates." 

Nararamdaman niya ang dinadamdam ko ngayon? Bakit wala naman akong nararamdaman sa kaniya? Niloloko yata ako nito. 

Thiseo HadrianWhere stories live. Discover now