Kabanata 11

250 22 4
                                    

I took in a deep breath as I stop on my tracks. Hearing Xerxes' pleading voice melts my heart. Should I come back? Is this wrong? I am helping someone from Erebus. The continent that is in feud with Thiseo Hadrian. 

Nilingon ko si Alhea. Tumigil din siya sa pag lalakad at nilingon ako habang nag tataka. Siguro ay iniisip niya kung bakit ako tumigil sa pag lalakad. Nanlaki ang mga mata niya at umiling iling.

"N-No! We are not those common stereotypes that are bad and wicked because we are dark magic users. Hindi lahat nang may itim na mahika ay masama. Ipinangak lang talaga kaming may aking itim sa aming mahika." kinakabahang sabi ni Alhea. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin ko din ito mula pa noong tumigil ako sa Liberta University. Ipinag babawal doon ang pag gamit ng itim na mahika. Isinaksak nila sa isipan ko na masama ang mga taong may itim na mahika. 

Sino ba namang hindi matatakot sa kanila? Lahat ng mangkukulam na nakalaban ko ay puro itim na mahika ang ginagamit. 

"Hindi iyon ang iniisip ko. May narinig lang akong boses... Ibahin mo ako Alhea, hindi ako mapanghusgang tao dahil lamang sa uri ng iyong mahika."

Nag simula na ulit kaming mag lakad. Palalim kami ng palalim sa madilim na kagubatan. Sana ay walang ipis dito. Ayoko talaga ng ipis. 

"Ngayon lang ako nakakilala ng taong liwanag ang mahika ngunit hindi kalaban ang tingin sa aming mga dilim ang mahika." mahina ngunit rinig kong sabi ni Alhea. 

"Hindi ba maganda ang trato sa'yo ng mga tiga Thiseo Hadrian?" tanong ko. Tumango siya.

"Hindi lang ako kundi ang buong mundo ay galit sa Erebus dahil kami ay ipinanganak na may itim na mahika. Hindi naman namin ito pinili. Mula pa noong isinilang kami ay itim na talaga ang mahika namin." sabi niya. Nanatili akong tahimik.

"Nabalitaan mo sigurong walang kakampi ang pang apat na kontinente... Lahat sila ay takot sa amin. Noon pa man ay kinatatakutan na kami at iniiwasan. Kung hindi lang para sa aming lolo ay hindi ako lalabas ng Erebus." 

Akala ko noon ay tanging mga mangkukulam lang pala ang may kakayahang gumamit ng itim na mahika. Hindi ko alam na kahit ang isang magandang babae na katulad ni Alhea ay mayroon nito.

"Hayaan mo Alhea. Gagawa ako ng paraan para mapabuti ang relasyon ng Erebus sa Maharlika. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi niyo na maranasan ang lahat ng ito."

She look at me and for a moment, she smiled at me genuinely. A rare smile that I had never seen before. A smile that will make you feel happy and passionate.

"Isa ka bang dyosa? Higit nang maganda ang iyong panlabas na anyo, katulad din nang iyong puso."

"Ano ka ba, parang ano naman to!" nag finger hearts ako sa kaniya ngunit hindi niya yata nagets.

"Hindi ka lumaki sa Thiseo Hadrian? Nararamdaman ko ang mahika ko. Nag mula ka sa pangatlong continente. Alam mo ba na, tanging ang Enchantasiya lang ang hindi kumakalaban sa Erebus? Hindi ko alam kung bakit ang babait niyo..." 

Enchantasiya? Alam kong dito nag mula ang lahi ko. Dito nanggaling si Ina. Clarriza De Fiesta. 

Sa hindi kalayuan ay nakita namin ang mga bahay na gawa sa kahoy. Madilim pa din dahil sa mga makakapal na dahon ng mga puno. Tanging nag sisilbing liwanag lang ay ang apoy sa gitna na kulay violet. 

Agad kaming nilingon ng dalawang lalaki. Matangkad ang mga ito at may taglay ding kakisigan. Umawang ang bibig ng isa niyang kasama samantalang ang isa naman ay sumama ang tingin sa akin. 

"Alhea! Bakit ka nag dala ng hindi taga rito! Alam mong hindi maganda ang turing sa atin ng mga tao dito!" sigaw ng lalaking masama ang tingin sa akin. Ang kaniyang kasama ay naka titig lang sa akin. 

Thiseo HadrianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon