Kabanata 1

5 0 0
                                    

"Third year university student ka na ang bagal mo pa ring kumilos." Rinig kong imik ni Mama mula sa sala ng bahay.

Hindi na lang ako nagsalita kahit gusto kong ireklamo na wala namang koneksyon ang bilis ko sa year ko.

"Andiyan na." Sagot ko na lamang at mabilis na inubos ang kape ko. Hawak ko ang pandesal na may palamang chicken spread sa kaliwang kamay at ang backpack ko naman sa kanang kamay habang palabas ng bahay.

Nadatnan ko sina Mama sa labas ng gate na hinihintay na ako. Sumakay na agad ako sa aming sasakyan at sumunod naman si Mama na naupo sa passenger seat. Habang nasa biyahe ay nakatutok lamang ang mga mata ko sa daan at pilit na kinakain ang tinapay na dala ko. Hindi ko inaalis ang tingin sa unahan ng sasakyan kung maaalis man ang tingin ko ay lilipad din sa kalsada na kita sa bintana ng sasakyan. Nasanay na lang talaga akong hindi nililingat ang tingin mula sa daan kapag nasa loob ako ng sasakyan o nagbibiyahe kahit pa hindi ako ang nagmamaneho.

After a few minutes of driving, we arrived at the university's front gate. Nagpaalam lang ako kay Mama at Papa bago bumaba ng sasakyan.

Mabilis akong naglakad patungo sa gate ng school. Matapos na i-check ang ID ay tumuloy na ako papasok. Nang makalagpas sa gate ay dumiretso na agad ako sa building kung saan gaganapin ang una naming klase.

When I arrived at the classroom, iilan pa lang ang tao which I expected lalo na at maaga pa naman talaga sa oras ng simula ng klase. Ngumiti lamang ako sa kanila na napalingon sa akin dahil sa pagdating ko. Siguro may 40 minutes pa akong hihintayin bago dumating ang professor namin.

I took out my phone at iyon na lamang ang pinagkaabalahan. Kilala ko naman ang mga taong nandidito sa room pero hindi lang talaga kami ganoon ka-close at wala din akong alam na pwedeng gawing topic kapag lumapit ako sa kanila kaya pinili ko na lamang ang maupo sa isang sulok at magbrowse sa internet.

I first checked my messenger account. Tinitingnan kung may message ba na mula sa mga kaibigan ko, kapamilya o sa mga kakilala. Then, I visited my Facebook account. Scrolling and looking at what my Facebook friends are up to.

Matapos ang ilang minuto lang na pagtingin sa facebook ay ibinaba ko na ulit ang cellphone ko at itinago sa bulsa ng pantalon ko. There is no specific uniform or dress code here in Stevan University kaya may kalayaang suotin ang lahat ng estudyante ang kung anong klaseng damit ang gusto nila pero may mga exception pa rin naman at alam iyun ng halos lahat ng mga mag-aaral dito. Iyun nga lang may iilan pa ring pasaway at hindi sumusunod na pinagsasabihan naman.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom. Lumapit ako sa may rail ng hallway at tumingin sa ibaba ng gusaling kinaroroonan ko. Nasa ikatlong palapag kami at kita mula sa kinatatayuan ko ang mga estudyanteng pumapasok mula sa gate ng University lalo na't hindi naman kalayuan ang building na ito mula sa front gate. Kita rin ang mga estudyante at professors na lumalabas at pumapasok ng gusaling ito at sa iba pang mga gusaling malapit rito sa building namin. Pero hindi na abot tanaw ang field, hall at gymnasium na nasa kabilang bahagi na ng campus.

I waved my hand when I saw Nana, one of my close friends, from a distance. Kumaway din ito pabalik na ikinatawa ko. Sigurado akong hindi niya ako nakikilala mula sa malayo pero kumaway pa rin siya pabalik. Paano na lang kung iba ang kumakaway at hindi pala siya ang kinakawayan? I guess they would laugh too.

Pero kahit naman walang ginagawa si Nana ay natutuwa na kami sa kaniya. She's so cute at halos lahat na lang ata ng gawin niya ay cute para sa paningin naming magkakaibigan o baka naman sa akin lang. I am her biggest fan. I love her small hands, smile, cute height and eyes lalo na kapag nanlilisik ang mga iyun. I can't help but smile while thinking about them.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One With The Dark Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon