At the top of our University's grandstand the wind whispered along with his words saying how much he loved me.
"Kailan mo gusto magpakasal?" Tumingala ako upang magtama ang aming paningin, mahina ko siyang himapas bagama't hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti.
"Naga-aral pa tayo, bakit iyan na ang iniisip mo?" Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.
"Kailan nga?" tanong niya muli. Napatingin ako sa pinaka-oval.
"I want to get married when we're both successful. Iyong naabot na natin ang mga pangarap natin, para sa pamilya, para sa sarili natin." Naramdaman ko ang marahan na paghagod ng kaniyang mga daliri sa aking buhok.
"Naabot ko na ang para sa sarili ko." Napatingin ako sa kaniya ng tumayo siya at tumabi sa akin.
"At ikaw 'yon, Asteria."
"Aish! That eyes of yours it's killing me everytime you stare at me!" Nagi-init ang aking pisngi na nag-iwas ng tingin matapos iyong sabihin.
"C'mon, let's go back to COED building. Ayoko na natatanaw mo ang Engineering building." Nanliit ang aking mga mata sa kaniya, natawa na lamang kasabay ng paghawak niya sa aking kamay.
We stopped walking on a cobblestone street then we took a selfies under the ornate street lights here at Gapan's little Vigan. Lumapit ako sa kaniya upang makita ang aming mga litrato.
"Grabe, ang liit mo!" Tumalim ang tingin ko sa kaniya.
"Bawiin mo iyong sinabi mo," banta ko sa kaniya kahit na nangi-ngiti naman ako.
"Bakit ko babawiin? Nasabi ko na eh." Ngumisi siya sa akin, nag-umpisang humakbang palayo sa akin.
"Raijin!" Ibinulsa niya ang kaninang hawak na cellphone at nagtatakbo palayo sa akin. Nang mapagod kami at makaganti naman na ako sa kaniya ay umupo muna kami sa isang bench.
"What's your secret with that ability of yours?" I tilted my head, mula sa mga ancestral houses ay nabaling ang tingin ko sa kaniya.
"What are you talking about?"
"Iyong mahabol mo ako kahit ang liit ng biyas mo." Akmang hahampasin ko ito nang dumusog siya ng kaunti sa gilid ng bench. Ilang sandali lamang ay dumaan ang katahimikan.
We're almost three weeks in a relationship but I wonder why he doesn't even get curious or ask me about when I start liking or loving him? I glanced at him while he was looking at the moon.
"I love you," I whispered, napalingon siya sa akin. And there in his eyes I see the missing piece I'm talking about back then.
"Count the stars," he said.
"It's countless," tugon ko sa kaniya, lumapit siya sa akin, ang kaniyang mga mata ay dumapo ang tingin sa aking labi.
"You can't really count it. And my love for you? I can only define it in one word,"
"What's that word?"
"It's endless." His hands gently touched my cheeks then he kissed me on my forehead.
It's one of the reasons, that's why every time under the night I feel like I'm playing with the stars. In the brightness of the sky, when I'm with him, I feel like everything's perfect.
"Sige na Raijin, tara muna sa canteen tutal ay wala naman daw iyong next Professor natin." He looked at me with his forehead in creased.
"Ayoko nga 'di ba?" Napatitig ako sa kaniya dahil pagtaas ng kaniyang boses. Nagtataka kung bakit nagiging moody siya nitong mga nakakaraan na araw.

YOU ARE READING
Endless Way (NEUST Series #3) (COMPLETED)
Teen Fiction| This story is dedicated to those who are hurting yet choose to stay. | Astley Erica Faustino, knows that what she feels toward Rainon Jin Marquez is more than a friend. He's the one she wants to hold in her heart, but having him as a friend gave h...