Chapter 20

628 12 0
                                    

The black clouds blush as the evening winds pass by. I closed the window through the veranda and walked towards my study table.

It's already summer yet I have still two subject I need to study, samakatuwid ay wala kaming bakasyon.

I massaged the both side of my forehead, then opened my book in my Prof Ed 9 subject. Isinara ko din iyon dahil hindi ako makapagfocus sa dapat ay aking babasahin.

He never left my mind ever since he broke my heart. Pagkatapos ng huli namin na pagu-usap sa kanilang bahay ay hindi ko na siya muling nakita pa.

Hindi na siya pumasok sa University, and there I felt that after what happened my heart still cares for him. I asked Tito Rey and the answer I got made me feel that there's a piece in my life that was taken away from me. Tuluyan na siyang lumayo sa akin. He's now in Mexico with his half-brother.

My mind's cursing everytime I remembered every little thing about him, even it's only his name. May mga gabi na hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha sa aking mga mata.

My parents know about it, ang sabi ko ayos lang naman tanggap ko na, pero kahit gaano mo pala paulit-ulit paniwalain ang sarili mo sa isang bagay na ayaw mo naman talaga tanggapin, masasaktan ka lang lalo.

Pinatay ko na ang ilaw sa aking kwarto, it's only the light from the lampshade beside me that's remained. Naglakad ako patungo sa aking kama, nagkumot at patagilid na humiga habang yakap ang aking mahaba na unan.

Siya ang nakikita ko sa blanko na kalangitan. Boses niya ang naririnig ko tuwing tahimik ang paligid. It's like I'll missed him forever because of his absence, ngunit sinasabi ko na lamang sa aking sarili na subukan na lang siyang kalimutan dahil sa tingin ko ay ganoon na din ang kaniyang ginawa.

Matinding sikat ng araw mula sa bintana ng aking kwarto ang gumising sa akin, kasabay ng pagtunog ng aking cellphone.

"Yes, hello?" I stretched my left arm then yawned.

"Asteria!" Nailayo ko sa aking tenga ang cellphone dahil sa malakas na boses ni Melody.

"Ang aga mo naman napatawag." Gamit ang isang kamay ay kinusot ko ang aking mga mata.

"Sira ka ba? Lampas alas-onse na!" Natigilan ako at napatingin sa orasan sa aking kwarto.

"Oh ano? Bakit ba naman kasi tina-tanghali ka kung gumising, dahil ba kasama mo si Raijin sa panaginip mo?" Narinig ko ang paghagikgik niya, napa-irap naman ako at tumayo na mula sa pagkakahiga.

"I told you not to mention the name of that man anymore."

"At bakit naman hindi? Utak at puso mo lang iyong may karapatan na banggitin ang pangalan niya?" Napanguso na lamang ako.

"Ano wala na talaga? Kahit hi, hello, gano'n?"

"Wala," maikling tugon ko.

"Siya nga pala kailan ba iyong bakasyon mo? Hindi pa ba tapos iyong dalawang subject na summer class niyo?"

"Hindi pa nga eh, wala pa din kaming balita kung mayroon nga ba kaming bakasyon kahit isang linggo lang."

"Oh! Pero kapag nauwi ako nitong linggo diyan sa probinsiya maghanap ka ng free time mo para makagala naman tayo!"

"Oo, sige. Siya nga pala at saka na lang ulit. I'm going to end this call, baka pagalitan ako nina Daddy, pupunta pa naman kami mamayang ospital bibisitahin namin si Tito George."

"Ah, ganoon ba? But wait, kamusta na ba Tito George mo?"

"Sadly to say but he's still in comatose. Kaya nga nakaka-awa din talaga iyong pinsan ko na si Xeilyn. At saka ang sabi din naman ng doktor mabilis ang pag-improve ng lagay ng Daddy niya, so posible na magising na din ito."

"Oh, I'll pray for your Tito. Sige, bye na."

"Okay, take care."

Naglalakad kami ngayon sa pasilyo palabas ng ospital ng pinsan ko na si Juliana, nautusan kasi kami ni Daddy na bumili ng pagkain.

"Wait." Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si Juliana at tila may hina-habol ang kaniyang mga mata.

"Si Raijin iyon hindi ba?" Sinilip ko ang nadaanan namin na isang kwarto na saktong pagsara naman ng kurtina doon ng isang nurse.

"Hulya, halika na nga." Hindi pa siya gumalaw mula sa kinatatayuan kaya naman hinala ko na siya sa kaniyang kamay.

"I really saw Raijin, Asteria." Naging mapakla ang aking tingin.

"He's out of the country, Hulya. Bakit naman siya mapupunta dito sa ospital? I'm sure that he's actually happy now from where he is, not feeling guilty after all he did to me."

Nagpaalam na ako kay Tita Brenda, at sa aking pinsan na si Xeilyn, sina Mommy at Daddy ay mamaya na daw uuwi. Ngayon ay kasama ko si Hulya na mag-commute pauwi.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ay, tahimik ka naman pa—"

"Alam ko na si Raijin iyong nakita ko kanina, Asteria. Sigurado ako, kitang-kita ko." Natawa ako at itinuon ang paningin sa labas ng jeep.

"Parang sinabi mo na din na nagsinungaling sa akin si Tito Rey. Huwag na natin pag-usapan pa ang lalaki na iyon Hulya, gusto ko na siyang kalimutan." Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga hininga niya.

Pagdating sa bahay ay tahimik ang bawat sulok, mabilis kong tinungo ang aking kwarto. Ang nasa isip ko ay gagawin ko na ang aking mga assignment, ngunit natagpuan ko ang sarili ko na binubuksan ang isang maliit na kahon na matagal ko ng ipina-ilalim sa cabinet.

"Kung mahal mo ako kahit kaunting pagkamusta mula sa iyo ay maririnig ko, nasa ibang bansa ka man o nandito sa Pilipinas." Humigpit ang hawak ko sa pinakatakip ng kahon.

"Our friendship's over, first kill..."

"You love me because of sympathy, second kill..."

"You hurt me, but I'm still missing you. H-Hindi mo na lang ako ginawang baboy?" Mahina akong natawa, pinigilan ang luhang bumagsak mula sa aking mga mata.

Nagpasya ako na maglakad-lakad sa mango plantation ng alas-singko na ngunit wala pa din sina Daddy at Mommy. Mula doon ay naabutan ko si Tito Rey na sa tingin ko ay papauwi na.

"Tito Rey!" pagbati ko dito, nang malapit na kami sa isa't-isa ay tumigil ito sa paglalakad.

"Oh hija, nagawi ka dito?"

"Gusto ko lang po lumanghap ng sariwang hangin." Tumikhim ako.

"Si Raijin po?"

"Kamusta na?" Napansin ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha niya bagama't ngumiti din naman siya sa akin.

"Maayos naman siya, hija. Sa ngayon ay nakakabonding niya naman na iyong kapatid niya."

"Ah, m-mabuti po kung ganoon."

"Sige po, ingat po kayo." Kumaway ako dito, ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa ng tawagin ako nito kaya naman napaharap akong muli sa kaniya.

"Bakit po?" tanong ko, bumuka ang kaniyang bibig, itinikom muli bago nagsalita.

"Huwag ka masiyadong magpapagabi sa daan."

"Sige po. Salamat po, Tito Rey."

I looked at the sunset sky that always reminds me of his smile and warmth. How his eyes stare into mine like I'm so precious. The gray clouds awaiting to move the sun beyond the horizon reminds me how I'm always excited to be with him. He's like the sun that comes and goes, let me happy but also in tears. I'm glad that he came into my life, but sometimes I wished that our path had never been crossed, for meeting him is the happiest moment in my life, but him, hurting me is the saddest part of loving him.

Endless Way (NEUST Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now