R14

6.3K 170 3
                                    


Isang linggo na din ang lumipas simula ng makabalik kami dito sa academy.

Busing-busy ang lahat sa pagpapalakas at ensayo ng kanilang mga sarili para sa ranking battles.

Individual ang magaganap na ranking. Separated lang ang mga babae at lalaki.

Sa ngayon nandito ako sa dorm ko, nakaupo sa sofa at tinitingnan ko ang hiwa ng dagger sa palad ko na mabilis na humihilom.

Ilang ulit ko pang hinihiwa ang palad ko at ganun padin humihilom agad ito.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas na ng dorm. Pupunta nalang ako siguro sa gubat at magpapalipas ng oras.

Sa susunod na araw. Ranking battle na. Nga pala wala ngayon sina oppa at grace. Lumabas sila ng academy para sa nalalapit na kasal nila masyado kasing pinadali eh.

Si dk? Di ko alam kung nasaan ngayon. Ang sabi nya lang sakin me gagawin daw syang importante. Pero sigurado ako maya maya andito na yun sa gilid ko. Psh, parang kabute kaya yun. Sumusulpot kung saan saan.

Sa isang linggo, magkakaroon kami ng academy week. Ginagawa nila ito taon taon nakasanayan na daw kasi. Maraming taga labas ang papasok dito. Me mga show at booths kasing ihahanda ang mga taga academy.

Para samin. Yun ang pinakahihintay naming araw.

Malapit na ako ngayon sa falls. Me nakita naman akong taong naka sandal sa puno. Ngumiti ito sakin ng magkaharap na kami.

"Anu na?"

"Nasa ayos na ang lahat emp. Tinatapos na nya ang preparasyon sa darating na mga araw". Nakangiti parin ito sakin.

"Nakakahalata ba sila?"

"Di pa din. Ang akala siguro nila di pa din natin alam ang totoo."

"Kung ganun, mag.ingat pa rin kayo. Malapit na tong matapos."

"Isang masayang palabas ang magaganap. Just wait and enjoy".

Nakangiting demonyo kaming pareho. Lumakad na din sya paalis sa lugar na ito. Nagpaiwan lang ako dito at umupo sa mga bato.


The final act will come. Soon..

RAVENOUS (completed)Where stories live. Discover now