R17

6.3K 165 3
                                    


Naglalakad ako ngayon sa maliit na eskinita dito sa academy. Shortcut kasi tong papuntang food chains. Tinatamad akong magluto at magdrive. Exercise na din kasi ito noh.

Medyo tago at madilim tong nilalakaran ko pero ok lang di naman ako takot eh.

"Oy, kung sinuswerte nga naman. Alexy raven choon lee ang babaing walang emosyon at kinatatakutan sa star section." napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga narinig ko galing sa bibig ng lalaking nakaharang sakin ngayon.

"Di kanaman nakakatakot eh. Masyado kalang intimidating." dagdag pa nito. Putulin ko nalng kaya yung bibig nya para di na makapag salita naiirita na kasi ako.

"Alis!" cold at walang pakialam kong tugon sa kanya.

"Eh gago ka pala eh. Anung akala mu samin? Aso? Na basta basta lang paaalisin!" iritang sabat ng isa nyang kasama.

"Alis!" pag iignora ko pa sa kanila.

"Hah! Turuan ng leksyon yan!!" galit na sigaw nung lalaking nasa gitna tatlo lang kasi sila.


Napatid na siguro ang pasensya nila kaya ayan sinugod nila akong tatlo. Gutom pa man din ako ngayon at wala sa mood makipaglaro sa kanila. Wala din akong dalang armas ngayon. Wallet at susi sa dorm lang dala ko eh. Tsk tsk.

Susuntukin sana ako ng isa pero iniwasan ko lang ito kaya sa hangin sya nasuntok. Yung isa naman sinipa ko sa tyan ayun tumalsik sa pader.

Sumugod na din yung isa susuntukin nya din ako pero nasangga ko lang iyon. Dalawa na silang sumusuntok sakin pero walang may tumatama kahit isa. Sinipa ko silang dalawa kaya tumalsik din palayo. Maliit na pwersa lang ginagamit ko para di halata.

* Booghhs..

Napalingon ako sa likod ko ng may humampas sa ulo ko na bagay napatabingi lang yung ulo ko. Uh.. Yung lalaki pala na nauna kong sinipa at may bitbit na syang baseball bat. Yun siguro ang inihampas nya sakin.

Tiningnan ko lang sya ng blankong expresyon ayun napa atras at tila natulala.

Di ko namalayan nakalapit na pala ang leader nila sakin at parang me tumusok sa gilid ko. Tiningnan ko naman sya at ang gilid ko naka smirk pa sya sakin hah! Akala nya masasaktan ako nun. Hawak nya pa yung kutsilyon ipinangsaksak nya sakin me dugo ko pa eh.

"Matibay ka din hah, tingnan natin!" aba ang gago sinaksak nya sa braso ko tumagos pa nga ang kutsilyo. Bored ko lang syang tiningnan at hinugot ko lang yung kutsilyo sa braso ko na may tumutulo pang dugo dito. Tiningnan ko lang yung braso kong unti unting humihilom.

"Pa-pa-paanong--?" gulat at takot nyang pinagmasdan ang braso ko na wala ng sugat pero may bahid ng dugo at tumingin sya sakin.

"Ha-halimaw k-ka ..a-anung k-klase ka-kang n-ni-nilalang??" takot na tumingin ito sa mga mata kong pulang pula na.

Tatakbo pa sya sana pero nahawakan ko na ang leeg nya at tinaas ito ng isang kamay lang nagpupumiglas pa nga ito.

"Stop!" maotoridad kong sambit sa dalawa ng tatakbo pa sana sila palayo. Nanginginig na ang mga tuhod nilang dalawa. Sorry nalang silang tatlo dahil nakita nila ang tinatago ko, kaya papatayin ko nalng sila.

Binali ko na ang leeg ng leader nila at tinapon sa gilid ang katawan nitong walang buhay. Nanginginig at nagmamakaawa ang dalawa sakin pero wala akong paki. Agad ko silang hinawakan sa leeg at tinaas sila ng sabay sa magkabila kong kamay.

Total madilim naman dito at gutom na ako kaya kakainin ko nalang sila. Ibinuka ko na ang bibig ko at unti unti ng humahaba at tumatalim ang mga ngipin ko. Napatigil pa silang dalawa sa pagpupumiglas ng makita ako at nanginig lalo.

Kinagat ko na sila sa bandang leeg. Sinipsip at kinain ko ang mga laman nila sa parteng yun. Ibinagsak ko na sila ng matapos ako. Pumikit pa ako pala macontrol ko ang sarili ko ramdam ko na nagiging itim na yung mga mata ko kaya babalik na ito sa dati maya maya lang. Pinahid ko muna ang mga bakas at bahid ng mga dugo sa labi ko bago ko kinuha ang isang cp sa bulsa ng biktima ko at nag dial dun ilang ring lang yun at sinagot na nya.

"Clean my mess here, dark spot near food chains." di ko na hinintay ang pagsagot nya sakin at hinang up ko na. Kilala nya naman yun boses ko. Di na ako tutuloy, babalik na akong dorm ko. Busog na ako eh.. Psh..

RAVENOUS (completed)Where stories live. Discover now