R15

6.8K 178 1
                                    


Someone's POV

Lintek!! Wala nga si draven dito pero ang raven na yun talagang matalas sa pakiramdam.

Babagsak din kayo. Nalalapit na..

***************

Damon's POV

Nasa loob kami ngayon ng klassroom namin. Hinihintay ang hudyat na magsisimula na ang ranking. Nag iba daw kasi yung patakaran ng ranking.

Imbes na palabanin sa arena isa isa ginawa nalang nilang pagsamahin ang lahat sa isang gubat. Matira matibay ito at dalawa lang ang tatanghaling panalo dito.

Ang goal lang dito ay kunin ang bracelet na binigay samin isa isa kanina lang. Nasa sayo na yun kung papatayin mu o hindi ang kalaban muh ang importante madami kang makuha.

Merong tracking device ang bracelet para malaman na walang ni isa ang tatakas. Me mga maliliit na camera na din ang nakalagay sa paligid ng gubat kaya makikita pa rin nila ang nangyayari doon. Mabuti lang nga at hindi pa nakabalik sina draven at grace. Makakabalik din yung dalawa sa academy week namin. Excited pa naman masyado yung si grace.

Pinipisil ko lang yung kamay ni raven ngayon. Kampante naman akong walang mangyayaring masama sa kanya. Sa kakayahan palang nya. Mas natatakot ako sa magiging kalaban nya mamaya. Brutal pa naman masyado ito.

Ready na ang mga armas namin. Shurikens, kunai at daggers lang ang dala ko ngayon habang si raven naman yung metal bow at arrows nya meron ding syang needles na dala. Di ko alam na marunong pala syang gumamit nun.

Yung ibang chess pieces.. Samurai, spear, bow and arrows, shurikens, daggers at chains yung dala. Pinagbabawal kasi ngayon ang mga baril at explosives.

Masyado silang brutal ngayon. Magiging exciting to mamaya.

This will be going a bloody game.

--------------

**************

3rd person POV

Papasok na ang lahat sa loob ng gubat. Isang medyo kaliitan lang ito na gubat na pinalilibutan ng fence para walang may makalabas dito. Sa kanang bahagi ito ng academy.

Magkasamang pumasok sina damon at raven sa gubat. Pagkapasok na pagkapasok ng lahat ay binigyan pa sila ng oras para magkahiwalay sa isa't isa. Pero nanatili lang nakatayo sa bukana sina damon at raven habang ang mga kasama naman nila ay nagsitakbuhan na kahit saan at pumwesto ganun din ang mga chess piece.

Pagkatapos ng sampung minuto ay nagsimula na ang laban. Me dinagdag pang isang rule sa ranking. Binigyan sila ng isang oras at kalahati na time limit. Swerte mu nalng Kapag umabot ka sa oras ng buhay.

Naglakad na silang dalawa papasok. Ng may lumipad na palaso sa gitna nila. Napatingin sila sa direksyon ng palaso kung saan ito nanggaling kaya agad na kinuha ni raven ang kanyang metal bow and arrow na nakasukbit sa likod nya. Inaayos nya ito at ne release kaagad. Tumama pa ito sa puno na tumagos ang kalahati ng palaso.

Nilapitan nila itong dalawa at nakitang me tumutulong dugo dito. Kinuha na ni raven ang bracelet at sinilid sa bulsa nito. Akmang huhugutin na ni raven ang palaso sa puno ng may maramdaman silang mga shurikens at kunai na papunta sa direction nila. Umiwas muna ang dalawa at tsaka nagsimulang magtapon ng shurikens ni damon rinig nila ang dalawaNg katawan na lumagabog sa lupa.

"Tsk" sabay hugot ni raven ng palaso kaya natumba din ang katawan ng lalaki sa lupa.

Kinuha na ni damon ang mga bracelet at naglakad na din sila.

Me sumugod pa sa kanilang dalawa kaya napalaban na ng manu manu sina raven at damon.

Iwas lang muna ng iwas si raven sa mga atake. Habang nakahanda na ang dagger ni damon sa kanyang mga kamay. Umikot lang si raven sa likuran ng kalaban nya at agad na pinisil ang leeg nito kaya natumba nalang ito sa paanan nya habang si damon naman ay pinag sasangga ang dagger nya sa kunai na tinatapon sa kanya. Habang busy pa si damon sa pag.iwas pumunta naman si raven sa likod ng kalaban at kagaya sa nauna ay pinisil nya din ang leeg nito kaya bumagsak din. Kinuha na nila ang bracelet at tinago.

Kinuha ni raven ang dalawang palaso sa likod nya at agad na inayos at ni release habang si damon naman ay kumuha ng dalawang shurikens at tinapon ito sa kanan nila. Sabay na nalaglag sa lupa ang dalawang archers na nasa taas ng puno. Agad ding natumba ang isang estudyante sa kanan nila. Pinuntahan na nila ito at kinuha ang mga bracelets.

Madami dami nadin silang nakuhang bracelets at kahit isang galos ay wala pa silang natamong dalawa. Napunit lang yung damit sa gilid ni damon dahil nadali ng shuriken na tinapon sa kanila.

Natapos na ang isa't kalahating oras nila at masasabi mu nalang na bakas ang mga sugat, pasa at pagod sa mga mukha at katawan ng bawat isang estudyanteng buhay pa. Maliban kay damon na punit ang gilid ng damit at may konting hiwa sa braso na kagagawan ni raven ng gamitin nito ang metal bow nya sa pagsaksak sa estudyante sa gilid ni damon, at kay raven na kahit isang daplis o sugat ay wala.

Kompleto pa din ang chess piece at ganun din ang bkackrose. Na may mga pasa pa at sugat sa katawan.

Ang tinanghal na rank 1 ay si raven dahil sa dami ng bracelets na nakuha nya sunod naman ay si damon. Pinalakpakan sila ng lahat na estudyante habang pinangangaralan sa loob ng covered gym ipinakita din sa lahat ang footage na nakuha at narecord nila sa laban ng dalawa para walang pagdududa.


RAVENOUS (completed)Where stories live. Discover now