Chapter 18 ⛺

266 21 1
                                    

Kinagabihan din ay kaagad kong natanggap ang mga kailangan kong dokumento. Mula sa kaniyang personal information hanggang sa educational attainments ay kumpleto.Mabuti na nga lamang ay matataas ang grado ni Paco.Sa kabuuan ng kaniyang junior hanggang senior high school ay consistent line of 9 ang general average niya.Matalino naman pala siya. Nawalan lang talaga ng sipag at tiyagang mag-aral.

Dahil hindi ko alam ang gusto niya ay pinili ko na lang ang top choices sa bawat field.Sana lang ay may matipuhan siya sa mga kinuha ko.Sa universities naman ay pinili ko lamang ang may magagandang reviews.Wala akong ideya sa paaralan na gusto niyang pasukan kaya kung saan na lang ako nag-submit ng application ay ginaya ko na lang siya sa akin at tanging kurso lang ang naiba.

Matapos magpasa ng mga applications ni Paco ay tuluyan ko nang pinatay ang laptop ko para makapag-charge naman. Lagpas pa sa sampung paaralan ang ni-register ko sa pangalan niya at naniniwala akong makakapasok siya sa lahat ng iyon.Ganoon kataas ang kompyansa ko sa kaniya.Though it needs time to process the admission but I believe in him.

Napaisip tuloy ako sa mga universities na maaari kong pasukan.Mayroon akong isang pinakahinahangad mapasukan ngunit malayo ang tatahakin upang makapunta lang doon.Kung sakaling matanggap man ako roon ay kakailanganin kong mag-dorm dahil sa tindi ng layo nito mula sa aming bahay. Ang problema lang ay hindi ko alam kung papayagan ako ng pamilya kong mamalagi roon.Buong summer na akong nawalay sa kanila at paniguradong hindi na nila ako kukunsintihing magpakalayo-layo pa sa darating na school year.On the other hand, sana pahintulutan pa rin nila akong mag-dorm kung sakali man.Maging practice sana itong summer camp na ito upang masanay sila na wala ako sa tabi nila.

Ring!Ring!Ring!

Nawala ako sa pag-iisip nang bigla akong makarinig ng malakas na pagtunog. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ngunit hindi naman sa akin ang nagva-vibrate at nagri-ring.Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto upang hanapin ang lokasyon ng tunog.

Matapos ang paghahanap ay nadako ang paningin ko sa kama ni Paco.Doon ay namataan ko ang teleponong kanina pa tumutunog.Malamang ay iniwan niya ito sa cabin para hindi mabasa sa lawa.

Kumapit ako sa armrest saka nag-ipon ng lakas upang makatayo.Dahil medyo masakit pa ang kanang paa ko ay sa kaliwa ko nilagay ang buong bigat at pwersa ko.Medyo ika-ika nga lang ngunit nakakalakad na ako kumpara sa dati na kailangan pa ng wheelchair.

Naupo ako sa kama ni Paco saka hinablot ang telepono niya.

Mom is calling...

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ito o hindi.Nag-aalangan ako dahil ayokong ma-invade ang privacy ni Paco at ng mama niya,pero papaano kung importante ang sasabihin nito?Naghintay ako ng ilang segundo habang nakatingin sa pinto.Baka kasi pabalik na rin si Paco ngayon.Sabi niya he'll be back this evening at wala na ang araw ngayon!

"Hello?"Napailing ako habang pilit na sinagot ang telepono.I'll just relay his mom's message to him.Siguro naman ay hindi siya magagalit dahil sa ganito kaliit na bagay.

"Hello Paco anak?Kamusta ka?Sabi sa akin ng ate at kuya mo hinihingi raw kanina ni Lara ang mga dokumento mo.Talaga bang mag-aaral ka na ulit?" His mom sounds so caring.Talagang natuwa ito sa natanggap na balita.Tiyak na madidismaya siya kapag sinabi kong pakulo ko lang ang lahat ng iyon.Ni hindi ko pa nga napapapayag si Paco.I still have a lot of convincing to do.

"Ah hello po tita?Si Julian po ito roommate ni Paco.Wala pa po kasi siya eh..."

Click!

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Paco mula sa pinto.Wala itong pang-itaas habang basang-basa ang buong katawaan.Kasalukuyan siyang nagpupunas ng mukha kaya hindi niya pa ako nakikitang hawak ang kaniyang telepono.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Where stories live. Discover now