Chapter 3⛺

587 30 1
                                    

Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang makaramdam ng init sa aking balat.Itinapat ko ang kamay ko sa mukha upang takpan ang sinag ng araw.Mas gusto kong ganito ang bumubungad sa akin tuwing umaga kaysa sa nakaririnding alarm clock. Mabuti na lang at mabilis akong magising kaya kahit kailan ay hindi ko naging problema ang pagbangon nang maaga.

"8 na pala..."Binalik ko ang telepono sa lamesa matapos tignan ang oras. Napasarap ang tulog ko.Kailangan ko nang mag-ayos dahil may usapan kami nina Allen at Nikko na maglilibot sa kampo.

Tumayo na ako mula sa kama saka nag-unat.Mahihinang ungol ang kusang kumakawala sa bibig ko sa bawat pagtunog ng aking buto. Dinampot ko na ang mga unan saka pinagpatong ang mga ito.

Pagkalingon ay nakita kong wala na pala si Paco sa kaniyang higaan.Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?Ni hindi man lang niligpit ang pinagtulugan niya.Mabilisan kong kinuha ang kumot niya at dinamay na ito sa pagtupi.

Sa huling pagpag sa kaniyang punda ay ang biglang pagbukas ng pinto. Bumangad sa akin ang isang hingal na hingal na Paco.Base sa outfit nitong sando,shorts,rubber shoes at headband ay halatang kagagaling niya lang sa morning jog.

Hinubad niya kaniyang sando saka sinampay sa kaniyang balikat.Basang-basa ang katawan nito dahil sa sobrang pawis.Napansin ko na medyo batak pala sa gym ang  katawan niya dahil sa nakaukit nitong mga abs. Napahawak tuloy ako sa payat kong tiyan at medyo na-conscious.Gusto ko rin maging ganoon para naman may magkagusto sa akin.

"Teka lang baka mapasma ka."Pigil ko sa kaniya nang papunta na ito sa banyo."Magpahinga ka muna kahit saglit."Hindi sa may pakielam ako sa kaniya pero baka mamaya ay bigla na lang itong mangisay sa banyo at ako pa ang mamomroblema.Tsaka balak ko na rin kasing maghilamos dahil papunta na rin sina Allen at Nikko. Ayoko namang paghintayin yung dalawa pagdating dito.

"Wala kang pake..."Pinanlakihan ko ito ng mata habang tuloy ito sa pagpasok sa banyo.Tignan mo talaga itong lalaking ito!Walang kasing antipatiko amp.

"Oh siya bahala ka!"Padabog akong umupo sa kama ko.Umagang-umaga naii-stress na naman ako sa kaniya. Binibigay ko naman ang best ko para pakisamahan siya pero siya itong ayaw!

Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa mga babasahin sa bookshelf.Hindi ko na kinuha ang cellphone ko dahil nagcha-charge pa ito.Bumunot ako ng isang magazine at nag-umpisang buklatin iyon.

Narinig ko na ang pagragasa ng tubig mula sa banyo.Kung ganon ay hindi talaga ito nakinig sa sinabi ko.Nako malaki na siya!Kaya niya na ang sarili niya kung may mangyari man.

Maya-maya pa ay natapos na ang pagbabasa ko pero hindi pa rin ito nakakalabas sa banyo.Jusko dinadasalan niya pa ba ang tubig bago ipangligo sa kaniya?Binalik ko na ang magazine sa shelf saka tinungo ang pinto ng banyo.

Tok tok tok!

"Oy tapos ka na ba?"Kinatok ko na ang pinto para madaliin siya.Kanina pa itong nasa loob.Dapat pala ay hindi ko na inayos ang higaan niya para nauna akong nakapwesto sa banyo.

Matapos ang ilan pang pagkatok ay wala itong binibigay na sagot at tila hindi man lang nabulabog.Medyo nakaramdam ako ng kaba.Baka ano na ang nangyari sa kaniya jusko!

Itinapat ko ang tenga ko sa pinto at pumikit.Pinakinggan kong maigi ang mga nangyayari sa loob.Wala na namang umaagos na tubig pero bakit hindi pa siya lumalabas?

"Ay puke mo!"Bigla akong napasigaw nang biglang bumukas ang pinto na nagdulot ng aking pagkasubsob. Napapikit ako at hinintay ang impact ng paglaglag pero isang malambot na bagay ang sumalo sa akin.

"Mukha bang mayroon ako nun?" Napatingala ako sa boses na nagmula sa itaas ko.Malalim na tumagos ang kaniyang mga mata sa akin.Hawak ako nito sa magkabilang braso habang pinipigilan ako sa paghulog.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Where stories live. Discover now