Chapter 3

25 3 13
                                    

Matapos kong mapatunayan na nasa ibang lugar ako. Unti-unting nawala ang aking tatag na mahanap si Kishana o mailigtas man lang siya sa mga taong kumuha sa kaniya. Pakiramdam ko ay kinuha na ang lahat ng aking pag-asa.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang ang isipan ko ay gulong gulo. Paano ako napunta sa panahon na ito? Paano nagyari ito? Paano? Walang tigil ako sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Hanggang sa makapunta ako sa isang tahimik na lugar. May mga upuan at mga halaman pati puno sa paligid. Mga taong nakaupo at may mga batang naglalaro.

Hindi ko na alam kung anong oras na. Naupo na rin ako sa isa sa mga mahahabang upuan. Naririnig ko ang pag-iingay na aking kumakalam na sikmura at ramdan ko rin ang pananakit na aking paa sa kakalakad.

Napaisip tuloy ako ngayon kung pinaparusahan ba ako. May mali ba akong nagawa? May lumapit sa akin na mga bata. Ang dungis nilang lahat.

"Kuya, kuya pangeng pera," sabi niya habang nakalahad ang kanilang mga kamay. Hindi ko sila maintindihan ngunit parang naghihingi sila sa akin ng tulong.

Umiling lang ako. Iniiwasan ko magsalita dahil alam ko naman na hindi nila ako maiintindihan at lalo na magmumukha lang akong kakaiba sa paningin nila na siyang tunay naman.

Napahinga nalang ako na sobrang lalim.

Kishana patawarin mo ako kung nabigo akong ipagtanggol ka.

Bigla akong may naalala na alaala.

"Kahir! Kahir! Kahir!" Pagtawag sa akin ng isang babae."Sandali lang! Bakit ang bilis mong maglakad?" Tanong niya.

Huminto ako sa paglalakad. "Ano ba ang nais mo? Hindi mo ba napapansin na napakaabala ko?" Naiiritang tanong ko sa kaniya.

"Bakit mo ako iniiwasan nang nalaman na galing ako sa mga dugong bughaw?" Tanong niya sa akin. "Bakit dahil ba mataas ang aking katungkulan?" Tanong pa niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kinakausap kita Kahir!"

Alam kong wala pakikitunguhan ang aking pakikipagkaibigan sa kaniya. Bago pa man mahuli dapat lumayo na ako.

Ang araw na iyon ay ang nalaman ko na nakatakdang ikasal siya sa isang prinsipe. Napatingin ako sa langit. Mabuti nalang at hindi pa tirik ang araw. Napalingon-lingon ako sa aking paligid. Mabuti nalang at tahimik dito ganon pa man hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa lugar na ito.

Bettina

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Umunat na muna ako at umupo sa aking kama habang antok na antok.

"Good morning Kahir," bati ko habang nakasara ang aking mga mata. Kaagad ko kinapa ang phone ko kung naka-open ba ang Google translate. Nang makuha ko ang phone ko dahan-dahan ko muling minulat ang mga mata ko.

Lowbat ma pala ako, paano yan? Baka hindi ako maintindihan ni Kahir. "Uy pasensya na ah," sabi ko. Napalingon ako sa baba kung nasaan siya. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong wala na siya. Nakaligpit na ang mga pinaggamitan niya at wala na wala nang bakas na andito siya.

Kaagad ako napabangon. Nasaan na siya? Baka anong magyari sa kaniya? Kaagad akong umalis nang aking higaan. Wala nang ligo-ligo kaagad kong kinuha ang jacket ko. Umaasa ako na hindi pa siya nakakalayo.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now