Chapter 34

12 2 24
                                    

Salamat at nakuwi na rin ako. Napaunat-unat ako ng kaunti. Napansin kong wala pa si Kahir.

"Hayst..."

Grabe na ito ah! Anong meron sa kanila ni Gabby!

Napakamot ulo ako. Nagseselos ba ako?

Hayst! Bettina hindi pa ba obvious?!

Naiinis ako sa sarili ko! Grabe na ito hindi ko na kaya!

"Kahir naman kasi eh!" Sabi ko sabay pikit.

Nag-flash sa akin yung mukha niya kaya lalo akong kinilig na nalitong ewan.

Paano kasi sabi niya best friend lang niya ako... Pero this day tatapatin ko na siya.

Huminga ako ng malalim dahil want ko na ito matapos ngayon at ngayon na. Kaya naman kaagad akong lumabas ng condo at sa aking paglabas bigla akong may narinig na nagtatawanan.

"Hayop! Ang bigat mo! HAHAHA!"

"Sabi ko na sa iyo eh *hic*."

Napansin ko ang dalawang lasing na tao na papunta sa condo unit ko ang isa ay inaalalayan  sa paglakad ang kasama niya habang pagewang gewang sila, ganon pa man kaagad ko silang namukaan.

"Gabby? Kahir?"

"Uy! Ito na pala yung darling mo!" Sabi ni Gabby.

Darling? Anong pinagsasabi niya.

Napaangat naman ng tingin si Kahir.

"Hah?"

"Aishu! Kunwari ka pa!" Sabi ni Gabby sabay bitaw sa kaniya dahilan para masalpak si Kahir sa sahig.

"Aray!"

Teka... Bakit sila nag-inom?!

"Gabby? Anong pinainom mo sa kaniya?!" Tanong ko habang inaalalayan si Kahir.

"San Mig!" Proud pa niyang sagot.

"SAN MIGUEL?!" Gulat na sabi ko dahilan para mabitawan ko si Kahir.

"AH!" Pag-aray ni Kahir.

Napahawak ako sa aking bibig.

"Sorry!" Sabi ko sabay tulong kay Kahir.

"Painom ng tubig," sabi ni Gabby at nag-feel at home. Kaagad ba naman pumasok na wala man lang akong 'oo'.

Inalalayan ko na si Kahir sa loob at pinaupo sa sofa. Habang si Gabby ay umiinom ng tubig ay abala ako sa pag-asikaso kay Kahir ganon pa man nais kong malaman ano ba ang nagyari.

"Gabby?"

"Hmm?"

"Ano ang nagayari?"

"Ah... Ish... Ang weak niya, Soju lang pala kaya niya bale nakabente siya non ganon pa man nung binigyan ko ng isang San Mig knocked out agad."

"Bakit naman kayo nag-inom?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil sa iyo."

"Sa akin?"

"Mhmm," tango-tango niyang sagot.

"Bakit ako?"

"Hayst..." Hinga niyang malalim. "Sana naging kayo nalang."

Sana naging kami nalang?

Natulala ako sa sinabi ni Gabby to the point na hindi ko na namalayan na aalis na siya.

"Salamat sa tubig! See you tomorrow!" Sabi niya sabay labas.

Kaming dalawa nalang ulit ni Kahir.  Tinignan ko ang semiconscious na Kahir.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now