CHAPTER 82

3.6M 86.2K 106K
                                    

MAX'S POV

Hindi ko alam kung paano pero gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman kong may kasama ako habang umiiyak.

'Tss, kaya niya naman palang maging mabait, bakit mas pinipili niyang maging barumbado?'

Nung hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay saka ako pumihit paharap sa ospital pero.

"Talaga namang bantay sarado mo yung ulupong na yun ano?" si Choco.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya. Kasama niya yung mga bata niya.

"I came for Deib, but he left." nakangising sabi niya. Tumingin siya sa hawak niya at napatingin rin ako don, balisong.

Kinabahan ako bigla.

"Hinihintay kasi nito si Deib." dagdag niya pa. "Pero dahil nakialam ka na naman, nabitin na naman siya!" inis na sigaw niya sa mukha ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit wala kang kadala dala e. Masyado kang matapang, humaharang ka parati sa plano ko." sabi niya at umikot ikot sa kinatatayuan ko, kinakabahan ako tuwing mapupunta siya sa likod ko dahil baka saksakin niya na lang akong bigla. "Kaano-ano mo ba si Deib at ganyan ka na lang sa kanya? Wala naman hindi ba? Hmmm hindi naman kaya may gusto ko kay Deib? Hahaha!" pagdidiin niya, pero hindi ko siya sinagot, mas pinakikiramdaman ko ang gagawin niya. "Yung kaibigan mo, mukhang mananahimik na ah? Hahahaha! Balita ko hanggang ngayon nakaratay pa? Baka magtuloy tuloy ang tulog nun? Subukan mo kayang gisi----"

Napahinto siya sa pananalita ng hawakan ko ang kamay niyang may hawak na balisong, hinigpitan ko ang pagkakahawak don dahila para masaktan siya.

"A-Aray!" sigaw niya sa mismong mukha ko. "Masaket!"

"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo itinikom yang bibig mo." malumanay pa ring sabi ko.

"Bitiwan moko----" sinubukan niyang hilahin ang kamay niya pero mas lalo ko itong hinigpitan. "Aray!" malakas na sigaw niya. Inikot ko ang kamay niya sa likod niya at inilapit ko ang bibig ko sa kanang tenga niya.

"Kapag hindi ka tumigil sa ginagawa mo, ako mismo ang tatapos sa iyo." mahinang bulong ko.

"Sinong tinakot mo---Aray!" sigaw niya ng lalo kong balikuin ang kamay niya sa likuran niya.

"Hindi kita tinatakot, nagpapakilala lang ako sa iyo. At kung hindi kita mapapakiusapan, magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay, dahil hindi ka na nila makikitang humihinga." nakangising bulong ko pa.

"H-Hoy! Kayo dyan! Anong ginagawa niyo? Bakit hindi niyo ko t-tinutulungan?" sigaw niya sa mga bata niya.

Kinuha ko ang balisong ni Choco at saka ko siya pabatong itinulak papunta sa mga kasama niya.

"Sige, mag-jack and poy kayo. Ang matalo, siyang mauna." hamon ko sa kanila.

"Mayabang ka masyado ah!" sigaw sa akin ni Dash.

"Hindi ka nakikinig sa mga master mo Choco, bawal yun sa grupong sinalihan mo. Kung gusto mong tumagal, kapag sinabi nilang tigilan mo na, tigilan mo na." sabi ko kay Choco.

"A-At bakit naman ako makikinig sa iyo?" sigaw sa akin ni Choco, ramdam kong pilit niyang pinalalakas ang loob niya.

"Dahil agila ako, isda ka lang." nakangising sabi ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon