CHAPTER 67

3.4M 84.6K 112K
                                    

DEIB'S POV

Maagang tinapos ang discussion dahil nagpatawag daw si Dean ng meeting sa lahat ng students.

'Lahat naman kaya pumunta?'

"Hoy bilisan mo diyan!" si Tob.

"H-Ha? T-Teka."

"Dalian mo baka nandon na sila Michiko!"

"Oo! Oo!"

'Makikita ko na naman si Taguro! Tsk! Hindi bale, kay Kim na lang ako tatabi! Hehehehe!'

Mabilis akong kumilos at sumama sa kanila. Naglakad kami papuntang Canteen bago dumeretso sa Gym. Bumili rin ako ng snacks para kay Kim.

Gymnasium.

Marami nang tao, halos mapuno na ang buong Gym. Hindi pa ako gaanong pumasok, nagstay muna ako sa bandang labas at tinawagan si Kim.

"Hello?" si Kim.

"San ka? May meeting dito sa Gym. Nandito na ako."

"Papunta na nga rin ako diyan e, tanaw kita dito."

Napatingin ako sa floor nila.

"Ahh hehehe hi!" sabi ko sa phone habang kumakaway sa kanya. Kumaway rin siya sa akin. "Hintayin kita dito."

"Sige, pero per section yata ang upuan e?"

"Ganun ba? Bahala na hehehe. Gusto ko katabi kita!"

"Ikaw talaga hehehe. Sige na, hintayin mo na lang ako diyan."

"Sige sige." sabi ko at ibinaba na ang phone.

Maya maya pa ay nasa harap ko na syia. Malayo pa lang ay ngumiti siya sa akin ng sobra sobra!

*TUG*DUG*TUG*DUG*

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

'Tama yan Deib. Siya lang dapat ang nakapagpapakaba sa iyo ng ganyan. Wala nang iba. Wala ng iba.'

Hindi ko na isya hinintay lumapit at nilapitan ko na siya ng kusa.

"Thanks for waiting."

"Basta ikaw. Okay lang hehehe. Let's go?"

"Tara."

Magkasabay kaming pumasok sa loob nang Gym kaya naman narinig ko na ang mga hiyawan.

Medyo nagulat pa ako nung biglang isabit ni Kim ang kamay niya sa akin. Pero natuwa na rin ako hehe! Ang sweet e.

"Oh my God! Magkasama sila!"

"Ang cute."

"They really look good together."

"Nakakainggit."

"Nakakainlove kaya! Hehehehehe!"

"Oo nga pero how I wish I'm her!"

"Woooh ayan na ang BIS Couple."

"Ang ganda mo Kiiiimmm!!!"

"Ate Kim!"

"Ang gwapo mo Deib!"

"I love you Deib!"

'Batukan kaya kita?'

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon