CHAPTER 40

3.2M 84.6K 85K
                                    

DEIB'S POV

Masaya akong nakatulog kaya masaya rin akong nagising. Nag-stretch muna ako bago nag-toothbrush at bumaba para mag-breakfast.

Naabutan ko sina mommy't daddy na nag-aagahan. "Good morning!" bati ko.

"Ang aga mo yatang nagising?" si Mom.

"Nandito kayo e. Gusto ko kayong makita bago pumasok. Hehehe. Anong breakfast ang niluto mo for me, Mom?"

"Bacon at hotdogs lang ang meron kayo sa ref."

May egg, bacon at hotdogs. Sabay sabay kaming kumain.

"Alam na po ba ni Lolo na nandito kayo, Mommy?"

"Hindi pa. Pero sabi ko kay Dein ay daanan mamaya ang Lolo mo at sabihin."

"Bakit po hindi niyo na lang tawagan?"

"Alam mo namang busy yun at ayaw ng calls."

"Ah, yeah. I'll tell him when I see him at school,"ngiti ko.

After naming mag-breakfast ay naligo na ako at nagbihis para pumsok. Bago umalis ay ibinigay sa 'kin ni mommy ang pasalubong niya para sa mga kaibigan ko at kay Kim.

At saka ako masayang nagdrive papasok sa school.

~Tob Calling. . .~

"Oh?" sagot ko.

"Pagpasok mo dumeretso ka dito sa Guidance Office, nandito kami."

"Sig—" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay ibinaba na niya ang linya.

Ano kayang meron don? Tsk. Buti na lang medyo maaga ako. Ang dami ko pa namang dala.

Tulad ng sinabi ni Tob, dumerecho ako sa G.O. Nagulat ako nang madatnan ko doon sina Taguro, Parrot, Choco at Aimee.

"Come in, Deib Lohr," si Lolo.

"Good morning, Dean," bati ko. Palihim akong sumulyap at nagtama ang paningin namin ni Taguro.

Naroon sa gilid sina Lee at Tob, nakatayo lang. Habang iyong apat ay mga nakaupo sa harap ng table ni lolo.

"This young man right here is my grandson," bigla ay turo sakin ni Lolo, si Taguro ang kausap.

Napalunok ako saka nameke ng ngiti sa kanilang apat.

"May ginawa rin ba syang kalokohan sayo?"dagdag ni lolo.

Damn it! Now I'm busted!

"Tell me," si Lolo. Nagulat naman ako ng umiling si Taguro. "Are you sure?!"

"Yes, Dean," pabuntong-hiningang tugon ni Taguro.

"Okay. Go back to your classes."

"Thanks, Dean."

'Yun na yun? What happened? "Lolo," bumaling ako rito bago magpaalam. "Dumating sina mommy't daddy, they want to see you."

"Really? Okay, I'll be home later. Go to your class now."

"Thanks, 'Lo," ngiti ko.

Nang makalabas kaming lahat ay nasundan ko ng tingin sina Taguro. Nang makalayo ay saka ako bumaling sa mga kaibigan ko.

"What happened? Anong sinabi ni Taguro? Sinumbong niya ba ako kay Lolo, ha?" sunod sunod na tanong ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon