Entry 01- April's a Fool

61 8 0
                                    

"THE LIGHT THROUGH PARALLEL LINES"
Written by: _mnnty_

Palaboy-laboy lang ako sa daan kasama ang aking bunsong kapatid na karga-karga ko sa aking likod na parang bag ko lang. Halos gusot na pareho ang suot namin wala din kasi kaming ibang masusuot na damit.

4 years old pa lang sa Nathan para maranasan ang ganitong hirap. If ever...If ever...

"Ate..." napahinto ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang boses ng kapatid sa likod ko.

"Nat? Bakit? May masakit ba sayo? Gutom kana ba?"

"O-oo.." napakagat na lang ako ng labi at naghanap ng mauupuan.

Naglakad ako palapit sa isang bench at ibinaba roon si Nat. Maraming napapadaang tao sa paligid at may mga mauusok ring sasakyan sa kalsada. Naglalakihang building, busina ng mga kotse, mga taong nagtatawanan, mga taong nakasuot ng magagarang kasuotan. Dahil sa mga nakikita ko para kaming hinihila pababa. Para sa isang tulad namin hindi nararapat ang mundong ito para sa amin.

Napasinghap na lang ako at napatingin sa batang kumakain ng cheesecorn kasama ng kanyang ina na dumaan pa sa harapan namin. Dumako ang mata ko sa tapat kung saan andoon ang nagraramihang tao na nakapila sa isang kainan.

"Ate.."

Mabilis kong binalingan ng atensyon ang kapatid ko at hinawakan ang kanyang tiyan. Kanina pa iyon kumakalam sa gutom.

"Dito ka lang, maghahanap lang ng pagkain si ate..."

Tatayo na sana ako para aalis pero isang malambot na kamay ang tumigil sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kapatid ko para hindi niya maramdamang nahihirapan ako.

"Sama ako ate.. Ayokong maiwan dito." aniya at naiiyak na.

Pansin kong namumutla na si Nat at iyong mga mata niya ay pagod na pagod na. Ilang araw na rin kasi kaming walang makain na maayos at tanging tira-tira lang ang nakakain ni Nat. Tanging tubig nga lang ang iinom ko at lahat ng pagkaing nahahanap ko binibigay ko kay Nat. Pero hindi iyon sapat para sumigla siya.

Nanlumo na lang bigla ang puso ko at kinarga siyang muli. Mas mabuting magkadikit kami palagi dahil hindi namin alam kung anong susunod na mangyayari sa amin. Si Nathan na lang ang natatangi kong pamilya at hindi ko hahayaang mawala pa siya sa akin. Hindi ko kakayanin.

Naghintay lang kaming maging pula na ang traffic lights. Nang naging pula na ito ay saka ako tumawid sa kalsada. Tirik na tirik pa ang araw ngayon. Gamit ang lumang tela ay ginawa ko iyong pangsilong kay Nat sa likod ko. Nang makatawid na sa kalsada ay amoy na amoy ko na kahit sa malayo ang fried chicken, naramdaman ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. Pati ako ay gutom na rin.

Dahan-dahan akong naglakad sa gilid ng tindahan, dinagsa ng mga tao ang tindahan nila siguro masarap talaga ang fried chicken nila. Nakaabang lang ako sa gilid at hinihintay na may matapos kumain at baka magtira pa ng ulam. Pero iilan na ang natapos kumain pero halos lahat ng plato nila makinam.

Napapakagat na ako ng labi sa gutom. Napansin ko namang hindi gumagalaw si Nat sa likod ko nakatulog na ata.

Napansin ko ang isang customer na nakasuot ng magarang kasuotan at may kausap ata ito sa selpon niya. Konti pa lang ang nagagalaw niya sa pagkain niya ng bigla niyang kinuha ang kanyang coat na nakasabit sa likod ng kanyang upuan at mabilis na pumara ng taxi. Napatingin ako sa kanyang pagkain at napalunok. Napapatingin ako sa gilid ko kung may nakatingin ba sa dami ng tao mukhang di nila mapapansin. Dahan-dahan kong nilapitan ang table ng lalaki kanina ng makalapit na ako ay napatingin muna ako sa paligid at mabilis na kinuha ang lahat ng pagkain at saka itinago ito sa loob ng tshirt ko.

Write-A-Thon Challenge 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon