Entry 04 | MY PARENT

36 8 0
                                    

MY PARENT
Written By: _mnnty_

Nakangiting pinapanood ko ang mga batang naglalaro sa playground. Kasama nila ang kanilang mga magulang habang masayang nakikipaglaro sa kanila.

Ang mga ngiti nila ay parang aabot na sa langit dahil sa sobrang galak. Di ko mapigilang hindi mapangiti sa mga nasasaksihan kong eskena sa playground.

Playground has been a home of happiness for people. For kids. For parents. For everyone. That once you are here all your worries will be replaced by excitement and fun.

Kasi sa playground mo makikita ang sayang kahit pansamantala ay tumatatak naman sa inyong ala-ala. Bumuga ako ng hangin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa loob ng isang tahimik na kapaligiran. Sa labas ay mayroong malawak na hardin at may mga taong tumatambay kasama at kausap ang mahal nila sa buhay.

Kahit saang sulok sa lugar na ito ay may taong nakaupo sa kanilang mga wheel chair. May ibang pinapanood ang mga halaman na diligan. Pinapanood ang ibang taong naglalakad sa paligid. Iyong iba naglalakad at nagmumuni-muni na mag-isa.

Nagtungo ako ng diretso kung saan may isang hagdan pababa sa isang malawak na bermuda. Napangiti ako ng maaninag ang estatwa niyang nakaupo malapit sa isang bilog na mesa at nakasilong sa maganda arkong bobong.

"Hinihintay na po kayo ni Madam," nilapitan ako ng isang babaeng nakasuot ng asul na kasuotan.

Siya ang personal nurse ng lola. Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na. Nilapitan ko na siya.

"Did you wait for too long madam la?" Ani ko para maagaw ang pansin niya.

Niyakap ko siya patalikod at hinalikan ang kanyang pinsngi.

"Not that too long, apo... Mabuti at nagkaroon ka ng oras bumisita," napangiti ako at naupo sa gilid niya. "Hindi ba busy sa trabaho?"

Pinagmasdan ko siya. Mahina na ang katawan ni lola at ramdam ko iyon. Mula noong isinilang ako, siya ang naging ina at ama ko. Bata pa lamang ay naghirap na siya para palakihin ang isang kagaya ko.

At bata pa lamang ako nang iwan ako ng mga magulang ko. Si papa matagal ng nagpakalayo kasama ang bagong pamilya niya at si mama? Namatay noong ipinanganak ako. Kaya si lola madam na lang ang tanging magulang ang nanatili sa tabi ko.

Hindi naman nawalan ng saysay ang pagpapalaki niya sa akin. Dahil lumaki akong tinuruan niya ng magandang asal. Ako naman ngayon ang mag-aalalaga sa kanya. Mananatili ako sa tabi niya.

Pero minsan, parang kulang ang pag-aalalaga ko. Mas lalo lang kasing humihina ang katawan ni lola.

"Madam lola, basta para sa iyo maglalaan ako ng mahabang oras." Ngumiti ako. "Basta magpagaling lang kayo,"

Ngumiti siya ng bahagya. Hirap na nga itong ikurap ang kanyang mga mata.

"Apo, dadating din ang oras ko." Aniya, "Kaya, gusto kong maging masaya ka."

Bigla na lang akong naging emosyonal sa harap niya.

"Bakit naman kayo nagsasalita ng ganyan, madam la." Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. "Masaya ako, dahil andyan ka."

"Ano bang gusto ninyo madam la? Gusto niyo bang mamasyal? O gusto niyo po bang manood ng TV shows? Iyong paborito ninyong panoorin?"

Napangiti lang siya. "Apo, namiss ko iyong luto mong lugaw."

"Ipagluluto ko po kayo," ani ko. "Teka madam la,"

Kinuha ko ang selpon ko at tinext ang isang katulong namin na bumili ng ingredients ng lugaw. At humiram na din siya ng stove at kawali sa hospital.

"Sarapan mo apo, dahil hahanap-hanapin ko iyang luto mo." Napangiti lang ako.

Sumapit din ang ilang minuto at dumating si Aling Minda dala ang mga pinautos ko. Nagdala din ito ng apron. Mabuti at naalala niya.

Humingi naman kami ng permisyo na magluto dito sa may hardin. Saka ngayon lang naman. Mabuti nga at pinagbigyan nila kami. Di ko nga alam kung bakit hindi sila strict ngayon.

Nanatili lang si Aling Minda sa gilid. Pinapanood nila akong magluto ng lugaw. Hindi naman ito aabutin ng oras.

"Madam la, gusto niyo po bang magpicture tayo?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng paghahalo ko ng lugaw.

"Aba kung iyan ang gusto mo apo ko," napangiti ako at iniwan saglit ang lugaw. Hininaan ko na rin ang apoy ng stove.

Inusog ko ang upuan sa tabi ni lola at naupo roon. "Aling Minda, pakikuhanan nga kami."

Sumunod naman si Aling Minda at kinuha ang selpon ko. Dumikit ako kay lola at isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Ngumiti kami ng sabay kasabay ng pagclick ni Aling Minda sa camera.

Nakangiting kinuha ko ang phone ko. Inilagay ko sa lamesa ang phone at tiningnan ang niluto kong lugaw. Kumukulo na kasi ito.

Kinuha ko na ang bowl at nilagyan na ito ng lugaw. "Luto na po la,"

Dahan-dahan ko ng inilapag sa lamesa ang niluto kong lugaw. Naupo ako sa gilid ni madam la at tiningnan siya.

"Madam la, tikman niyo na po.." ani ko.

Nagtaka ako dahil hindi sumasagot si madam la. Nanatiling nakadilat ang mga mata niya at hindi man lang kumukurap. Hinawakan ko ang braso niya para alugin siya.

"Madam la? Pagod po ba kayo? Gusto niyo muna bang magpahinga?" Sinubukan kong ngumiti kahit may kirot sa dibdib ko.

Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang bigla ang mainit na likido sa aking pisngi. Na agad kong pinunasan. Napalunok ako ng laway at tiningnan lang si madam la.

"Madam la? Bakit kayo ganiyan? Prank ba 'to?" Sinubukan kong tumawa pero ang pagtawa ko ay may kasabay na pagluha.

Dumating ang personal nurse ni lola at tiningnan ang pulso nito. Her face says everything.

"Nakakainis ka madam la, sabi mo titikman mo ang lugaw ko!"

Hindi ko napigilan ang luhang nagsipatakan mula sa mga mata ko. Ang nakakainis lang kung bakit parati na lamang akong iniiwan ng mga taong mahal ko?

Madam lola will be forever my mom and dad. She will never be forgotten in my mind and heart. And now, madam lola even it aches me from letting you go. But, I will never be selfish anymore. You can have your rest in peace madam la.

Write-A-Thon Challenge 2.0Where stories live. Discover now