Wakas

5.4K 230 45
                                    

Walang emosyon kong tiningan si Stanley habang nagsasalita ito sa harapan.

Mayamaya lang ay napahikab ako kaya naman ay mabilis akong binatukan nito.

"What the hell?" Tanong ko at masamang tiningnan ang pinsan.

"Anong what the hell? Are you even listening to me, Charles?" Asar na tanong ni Stanley at namewang sa harapan ko. Napangiwi ako dito at umayos nang pagkakatayo.

"Para saan ba kasi ito?" Tanong ko sa kanya at itinapat sa mukha nito ang hawak na litrato. Pagkababa ko pa lang kanina sa sasakyan ko, ito agad ang ibinigay nito sa akin. Ni hindi nga ito nagtanong kung kumusta ang araw ko ngayong araw. Basta na lang itong nagsalita sa harapan ko at may mga pangalang binanggit.

"And why am I stalking a teenage girl? Hindi kaya maghimas-rehas ako pagkatapos nitong pinag-uutos mo sa akin?"

"Charles, that girl, she's an Acuesta." Ani Stanley na siyang ikinatigil ko. An Acuesta? "At ngayon, nais malaman ni Adam kung saang nanggaling ito."

"So, nag-ampon na naman sila?" Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ang hawak-hawak na litrato. "She's pretty. Ilang taon na ito?"

"Charles!" Mariing sambit ng pinsan ko at pinagtaasan ako ng kilay. "She's your mission. And she's young. Huwag mo nang tangkaing pormahan ito." Babala pa nito sa akin.

"Fine, I'll just freaking stalk her. Happy now?" Inis na turan ko at inilagay sa bulsa ang larawang ibinigay nito sa akin.

"Ira Serene, that's her name." Ani Stanley na siyang ikinatango ko na lamang. "Iyon ang ibinigay na pangalan ng mga Acuesta sa kanya."

"So, we don't have an idea what's her real name?" Kunot-noong tanong ko dit.

"No," mabilis na wika ni Stanley na siyang ikinatango ko.

"Alright," sambit ko at kinuha na ang susi ng sasakyan ko. "Ako na ang bahala dito," dagdag ko pa at nagpaalam na sa kanya. Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at noong nasa loob na ako, mabilis kong pinaharurot ito.

I really can't believe this!

Bakit sa akin ibinigay pa nila Stanley ang misyong ito? Ano? I'll babysit this little Acuesta? Unbelievable! Puwede naman nila itong ipagawa sa ibang tauhan namin o tauhan ni Adam. So, why me? Masyado na nga akong abala sa pinaggagagawa ko sa buhay!

I sighed.

Napailing na lamang ako at itinuon na lamang sa pagmamaneho ang buong atensiyon.

Tahimik at maingat akong kumikilos habang pinagmamasdan ang misyon ko.

This is my third day stalking this Ira Serene Acuesta. Bahay at eskuwela lang routine nito ngunit iba ang ginawa niya ngayong araw. No body guards, just her roaming around this big mall. Alam ba nila Lorenzo at Miracle na mag-isa lang ang kapatid nila ngayon dito? This is dangerous! Maaring may makakita dito at basta na lang kunin ang kawawang Acuesta na ito!

"Saan naman kaya pupunta ang babaeng ito?" Mahinang tanong ko sa sarili at tahimik pa rin na sinundan ito.

Mayamya lang ay tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa isang restaurant. Naglakad ito papalit roon na siyang ikinataas ko ng kilay. Naupo ito sa isang bakanteng upuan at tumawag ng server. Ipinilig ko ang ulo pakanan at nanatili sa kinatatayuan. Pinagkrus ko ang magkabilang braso at sumandal sa may railings sa gilid ko.

"Babawi talaga ako kay Stanley. Pinagtritripan lang yata ako ng lokong iyon!" I sighed. "This is boring! Dapat ay nasa condo lang ako ngayon at nagpapawala ng hang-over! Damn him!" Napailing ako at muling minura ang pinsan sa isipan.

Fairy Tale No MoreWhere stories live. Discover now