Chapter 9: Sleep

3.7K 200 11
                                    

Tahimik lang ako habang nakaupo sa may passenger seat ng sasakyan ni Charles.

Mabilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan niya at hindi ko na nasundan pa kung saan kami patungo ngayon. Bahala na siya! I trusted my brother. Kung inutusan niya itong Santiago na ito para dalhin ako sa mas ligtas na lugar, pwes, wala na akong ibang magagawa pa. Hindi naman ako ipagkakatiwala ni Kuya Renzo sa taong ito kung mapapahamak lamang ako.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naalimpungatan na lamang ako noong maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Charles sa pisngi ko.

Slowly, I opened my eyes. Hindi na ako nagulat pa noong makitang malapit ang mukha ni Charles sa akin. Napataas ang isang kilay ko dito.

"We're here," anito at hindi  inaalis ang mukha nito sa akin. Napairap ako sa kanya.

"Move," mahinang sambit ko at umayos sa pagkakaupo. Bumalik na rin si Charles sa puwesto nito at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Kinalas ko na rin ang seatbelt sa katawan ko at bumaba na sa sasakyan nito.

Napatingin ako sa paligid. Kunot-noo akong bumaling kay Charles noong bumaba na rin ito sa sasakyan niya.

"Where the hell are we?" Tanong ko sa kanya at muling tiningnan ang paligid. "Saang probinsya mo ako dinala, Santiago?"

"Relax," anito at nagsimula nang maglakad papunta sa bahay 'di kalayuan sa puwesto namin. "This is one of our rest house. Walang nakakaalam sa lugar na ito maliban kay Renzo. You'll be safe here."

Naglakad na rin ako at sinundan ito.

"Safe? Come on! Mas ligtas pa ako sa mansyon namin kaysa sa gubat na ito!" I hissed. Damn it! Ano bang nasa isip nio Kuya Renzo? This is not a good idea!

"Your mansion is not safe now, Serene," sambit nito na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Nasa may pintuan pa lang kaming dalawa. Bumaling sa akin si Charles at bumuntong-hininga. "Someone attacked your mansion earlier. Luckily, walang nasaktan. Miracle is now being protected by your brother too. No need to worry."

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Napaatras ako at mabilis na bumalik sa patungo sa sasakyan nito.

"Serene! Stop!" pigil nito at mabilis na hinawakan ako sa braso.

"Bitawan mo ako! Babalikan ko ang mga kapatid ko!"

"It's too dangerous!" he hissed then dragged me towards the house door. "You're not going anywhere, Serene. Mas makakabuting narito ka!"

"I can't stay here! Kailangan ako ng mga kapatid ko!" I shouted at him. Nagpumiglas ako ngunit masyadong malakas itong si Charles. Naipasok niya ako sa loob ng bahay nang walang kahirap-hirap at pinaupo sa sofa na naroon.

"Cut it, Serene! I won't let you leave this house," seryosong sambit nito habang hindi inaalis sa akin ang paningin nito. "Inaayos na ni Renzo ang lahat. Pag mahuli na nila ang mga umatake sa inyo, babalik kaagad tayo roon."

I swallowed hard.

This can't be happening! Hindi ako maaring mahiwalay sa kanila!

"Calm down, please. You'll be safe here. Ikaw ang target ngayon ng mga kalaban ng pamilya niyo," dagdag pa ni Charles at naupo sa upuang nasa harapan ng puwesto ko.

"Me? Bakit naman ako?" takang tanong ko dito. "Wala akong kinalaman sa organisasyon ninyo!"

"Heard about the Valderama?"

Nanlamig ako bigla sa narinig. Mabilis na kumilos ang katawan ko. Tumayo ako at binunot ang baril sa likuran ko. Masama ko itong tiningnan at mariing itinutok ang baril sa kanya.

Fairy Tale No MoreWhere stories live. Discover now