Chapter 11: Heir

3.4K 175 23
                                    

Kanina pa nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tila nasasaktan na si Charles.

Bumuntong hininga ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"Let's clean your wound," sambit ko at nagtungo sa kabinet ng hotel room na inuukupahan naming dalawa. Mabilis kong dinampot ang isang maliit na bag sa loob ng kabinet at naglakad na papalapit kay Charles na ngayon ay nakaupo sa pang-isahang sofa dito sa hotel room. "Remove your shirt."

Napatingin sa akin si Charles kaya naman ay pinagtaasan ko ito ng isang kilay.

"Puro dugo na iyang suot mo," dagdag ko pa at naupo sa tabi niya. Ako na mismo ang humawak sa laylayan ng damit nito at tinulungan ito sa paghuhubad.

Napasinghap na lamang ako noong makita ang sugat dito sa kanang braso nito. Mabilis kong inilapag ang hinubad kong damit nito sa mesa at pinagmasdan nang mabuti ang sugat niya.

I remember how he got shot earlier. May nakasunod kanina sa amin at noong itinutok sa akin ang baril ng kalaban namin, mabilis na isinangga ni Charless ang katawan nito sa akin. Kaya naman, imbes na ako ang natamaan, siya ngayon ang nahihirapan dahil sa balang nakabaon sa braso nito.

"I'll remove the bullet," wika ko na siyang nagpatigil kay Charles. Natawa ako sa naging reaksiyon nito. "What now? Are you afraid , Santiago? Don't worry. Marunong ako sa ganitong bagay. I took a few lessons about first aid and such sa kapatid ko."

"I thought you only knew about guns?" aniya na siyang nagpangisi sa akin.

"My sister is a doctor, Santiago. Hindi lang ang pagpapatutok ng baril ang nalaman ko sa mga Acuesta. I can kill, yes, but I can save life, too."

Hindi na nagsalitang muli si Charles kaya naman ay itinuon ko na sa sugat nito ang buong atensiyon ko. Dinampot ko ang disposable surgical gloves na naroon at mabilis kong isinuot ito. Tiningnan kong muli si Charles sa mukha bago gawin ang binabalak. At noong mamataang nakapikit ito, hindi na ako nagdalawang isip pa na ibuka ang natamong sugat nito at hinanap ang bala gamit ang kamay ko.

"Fvck!" Mabilis na bulalas ni Charles at napatingin sa akin. "That fvcking hurts, Serene!"

"Sorry," agad kong sambit at nagpatuloy sa pagkuha ng balang nakabaon sa braso nito. "Kulang ang gamit dito. Tiisin mo muna ang sakit. Kailangang maalis ang bala sa braso mo dahil kung hindi, hindi titigil kakadugo ito."

Muling napamura na lamang si Charles at mariing ipinikit muli ang mga mata.

Napahugot ako nang malalim na hininga noong tuluyan kong natanggal ang bala sa braso nito. Agad kong nilinisan ang sugat niya at mabilis na binalot ito nang badage.

"I can't believed Miracle taught you how to clean a fvcking wound like that! You almost killed me!" ani Charles na siyang ikinatawa ko. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para matanggal ang dugo sa kamay ko. At noong matapos na ako sa paghuhugas ay lumabas ako sa banyo at inabot kay Charles ang bathrobe na nakita ko sa banyo.

"Wear this," utos ko sa kanya. Mabilis namang kumilos si Charles. Isinuot niya ang roba at nagpasalamat sa akin. "Sa tingin mo ba ligtas tayo sa hotel na ito?"

"You bet?"

"No," agarang sagot ko sa kanya. "We need to move now, Charles. Mag-iisang oras na rin mula noong umalis tayo sa safe house mo. Paniguradong pinaghahanap na nila tayo sa buong bayan."

"They can't do anything in public places,  Serene. Don't worry." Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. "We have rules inside Underworld. They can't touch us here."

"May rules din kayo na bawal pakialaman ang miyembro ng pamilyang hindi kasali sa organisasyon, Charles," mariing sambit ko dito. "They're not following the organization rules anymore. Looks like they're desperate now."

Fairy Tale No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon