Prologue

126 7 0
                                    

"I don't love you anymore.I fell out of love, I'm sorry.I'm not yet ready to get married, Amanda."

Nang magsimulang umandar at lumayo ang sinasakyan kong bus ay doon nagsimulang bumalik ang lungkot at sakit.Sinong hindi malulungkot kung ang lalaking pinakamamahal mo ay sinabing hindi ka na niya mahal?Na hindi pa siya handang magpakasal?Kung ganoon ay bakit inaya niya ako noon?Bakit niya ako pinaasa sa isang pangako na hindi niya naman pala kayang tuparin?

Nang makarating sa nasabing probinsiya ay bumaba ako sa bus.Nagpalinga-linga ako at nakita ang napakaraming sasakyan sa paligid, lamang doon ang tricycle.

"Sakay na, Ineng!"anyaya sa akin ng tricycle driver.

"Alam n'yo po ba kung saan nakatira si Mildred Alvarez?"tanong ko.

May binatang sumakay sa likurang bahagi ng inuupuan driver at sinamaan ako ng tingin.

"Bakit?Anong kailangan mo sa kaniya?"

Napataas ang aking kilay.Bakit ba siya sumasabat?Hindi naman siya ang tinatanong ko ah.Hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinuon na lamang ang atensyon sa driver.

"Alam n'yo po ba?"

"Oo, doon ka ba pupunta?"aniya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Sumakay ka na, ang bagal mo!"bulyaw sa akin ng lalaki sa kaniyang likuran.

"Martin, huwag kang ganiyan sa babae.Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend eh!"saway ng driver sa lalaki.

"Mortin, Manong, Mortin ho ang pangalan ko.Tsk!Mamaya na nga lang ako uuwi.Pupuntahan ko na lang muna sina Daniel.Napakabagal kasing sumakay ng isa dyan!"bumaba siya sa pagkakasakay sa tricyle at naglakad palayo.

Anong problema ng lalaking 'yon?Kasalanan ko bang masyado siyang mainipin?Nagkibit balikat ako habang tinatanaw siya.Hindi ko naman siya kilala pero ang sama ng ugali niya.Sa huli ay sumakay na rin ako sa tricycle at nagpahatid sa bahay ni Mama Mildred, nagtatrabaho siya noon sa kompanya ng Daddy ko at naging sobrang lapit ng loob ko sa kaniya.Ang akala ko nga noon ay siya ang tunay kong ina, ngunit hindi naman pala dahil namatay ang Mommy ko matapos niya akong maipanganak.Nasanay akong kasama si Mama Mildred kaya noong nag-resign siya ay nalungkot ako ng sobra.

"Salamat po."wika ko sa driver nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang bahay.

Tumango sa akin ang driver at pinaandar iyon paalis matapos mabayaran.Ibinaling ko ang aking tingin sa simpleng bahay sa aking tapat, gawa sa kahoy at semento iyon.Marami ring nakatanim na mga hardin sa paligid at may mga puno ng malalaking mangga sa likod ng bahay.Napakapresko ng paligid, hindi kagaya sa syudad.

"Mama Mildred?Tao po?"tawag ko mula sa labas ng kanilang pintuan.

Pumasok na ako dahil hindi naman ganoon katibay ang gate nila.Gawa lang iyon sa kahoy at napakadaling buksan.Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang may edad na babae.

"Sino po sila?"tanong niya.

"Ma, ako po ito, si Amanda."nakangiting pagpapakilala ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"Ikaw nga, hija!Anong ginagawa mo rito?"

"Mama, hindi po ba ay may tumawag sa inyo kahapon at sinabing dito raw muna ang anak niya?Baka siya na po 'yon."sabat ng isang teenager na babae sa kaniyang likuran.Kamukha siya ni Mama Mildred, sa palagay ko ay anak niya ito.Nahampas ang ginang kaniyang noo saka ako binalingan.

"Aba'y oo nga pala!Napakamalilimutin ko na talaga!Hali ka at pumasok muna."anyaya niya bago ako tinulungang buhatin ang aking mga gamit.Inakay niya ako papasok sa kanilang bahay.Malinis ang loob non at walang kahit na anong alikabok o sapot.Nakaayos rin ang mga gamit sa loob.

The Deepest Part of OceanOnde histórias criam vida. Descubra agora