Chapter 7

35 3 0
                                    

"Umayos ka nga nang pagkaka-upo!"utos ko kay Mortin nang humiga siya sa kabilang side ng duyan though hindi naman siya nakasandal sa akin.Naiilang lang ako dahil nakaharap siya sa gawi ko.Imbis na sundin ako ay inunan niya ang kaniyang mga braso at nakangising tinitigan ako.Napairap ako at nagpasyang tumayo.

"Papasok na ako sa bahay."paalam ko.

"Edi pumasok ka, hindi naman kita pinipigilan."

Napakapilosopo talaga!

Balak ko sanang makipagkwentuhan kay Monroe kaso natutulog siya.Nakatalukbong pa ng kumot habang nakatututok sa kaniya ang electric fan.Lumabas na lamang akong muli ng kwarto at naupo mapapit sa bintana.Natanaw ko si Mortin na nakahiga pa rin sa duyan na tila malalim ang iniisip.Napagawi ang tingin niya sa akin at kumaway pa.Tanging pag-irap lamang ang aking isinagot.Lumayo ako sa bintana at naupo sa sofa.Ilang saglit pa nang pumasok si Mortin.Wala itong imik na dumiretso sa kaniyang silid.Maya-maya pa ay muli siyang lumabas bitbit ang isang gitara.

"Anong gagawin mo?"usisa ko nang maupo siya sa bintana.

Naka-side view siya kaya kitang kita ko kung gaano katangos ang kaniyang ilong at kung gaano kaperpekto ang pagkakahulma ng kaniyang panga.Pwedeng pwede talaga siyang maging modelo.

"Tutula."aniya.

Napasimangot ako sa kaniyang isinagot.Nag-strum siya sa gitara sabay lingon sa akin.

"Oh, huwag kang hahanga masyado ha.Ako lang 'to, Amanda."paalala niya.

"Huwag kang mag-alala dahil hinding hindi ko gagawin 'yon.Baka nga mabingi pa ako sa sobrang sama ng boses mo."

"Pambihira ka namang babae ka.Bahala ka, basta sinabi ko na sa'yong huwag kang hahanga."

Nagsimula siyang tumugtog gamit ang gitara at talaga namang napaawang ang labi ko nang bahagya nang magsimula siyang kumanta.Wait, what?!Bakit nag-iba ang boses niya?Bakit biglang gumanda?Napapikit pa si Mortin na tila damang dama ang ginagawa.Nang magmulat siya ay kaagad na bumaling sa akin ang kaniyang mga mata.Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Ahem!"

Awtomatikong napaiwas ako ng tingin nang may tumikhim, si Moreigh iyon.Nakangisi pa siya habang nagpapalipat lipat ng tingin sa amin ng kaniyang Kuya.

"Nandito ka na pala."wika ko at nginitian siya.

"Pinauwi ako ni Mama, baka raw kasi umalis na naman si Kuya."sagot niya at naupo sa silya.Kung ganoon ay umalis rin pala kanina si Mama Mildred, ang akala ko kasi ay nagpapahinga lang din siya kagaya ni Monroe.

"Nandito ako kaya umalis ka na, isa ka pang istorbo."asar na sabi ni Mortin sa kapatid kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag ka ngang palaging galit, Mortin.Kinakausap ka nang maayos ng kapatid mo."saway ko sa kaniya.

"Hayaan mo na, Ate.Ganiyan talaga kapag walang girlfriend."pang-aasar ni Moreigh.

"Ulol!Ikaw rin naman!Palibhasa ako ang gusto ng crush mo."nakangising sagot ni Mortin kaya napawi ang ngiti ni Moreigh.

"Huwag ka kasing magpapapansin doon, kaya hindi ako makadiskarte eh!"nakasimangot na lumabas muli si Moreigh ng bahay.Marahil ay babalik na siya sa karinderya.

The Deepest Part of OceanWhere stories live. Discover now