Chapter 1

75 4 0
                                    

"Sino 'yang kasama mo, Monroe?"

"Paulit-ulit naman kayo!Tsk!Sinabi ng siya nga 'yung bisita natin, si Ate Amanda."naiinis na sabi ni Monroe.Pinitik siya ni Moreigh sa noo.

"Ngayon pa lang ako nagtanong, ikaw talagang bata ka."bumaling siya sa akin saka ngumiti.

"Hi!Ako nga pala ang Kuya Moreigh ni Monroe."

"Nice to meet you, Moreigh.My name is Amanda."nakangiting pagpapakilala ko.

"Ano palang gusto ninyong kainin─ wait,"napatigil siya sa pagsasalita at bumaling muli sa akin.

"Bakit?"

"Alam kong yummy at hot ako pero hindi ako kasama sa menu ha."

Hindi ko tuloy malaman kung ano ba dapat ang maging reaksiyon ko.

"Tumigil ka nga, Kuya!Bigyan mo kami ng bopis at paksiw na baboy."

"Opo, Madame Monroe.Nakakahiya sa bunso namin eh.Hintayin n'yo na lang."aniya bago naglakad papalayo.

"Huwag n'yo ngang titigan ng ganiyan ang bisita namin!Baka hindi makakain nang maayos si Amanda!"saway ng Papa nila sa mga ibang customer.Kaniya-kaniya naman silang iwas ng tingin.Ilang sandali pa ay bumalik muli si Moreigh bitbit ang pananghalian namin ni Monroe.

"Kumain kayo ng marami."inalapag ni Moreigh ang mga pagkain sa mesa.

"Salamat."wika ko.Ngumiti siya at tumango.Ngayon ay napatunayan kong si Mortin lang talaga ang pasaway sa mga anak ni Mama Mildred, panganay pa man din siya pero.Tsk!Haays, ewan.

"May gagawin pa ako.Ubusin niyo 'yan ha."bilin ni Moreigh.

Hindi naman ako maarte sa pagkain, sa katunayan ay mas gusto ko pa nga ang mga lutong bahay na kagaya nito kaysa sa mga sine-serve ng cook namin sa bahay.Pagkatapos naming kumain ay tinulungan kong magligpit si Monroe.

"Kaya ko na rito, Ate.Maupo ka na lang dyan."aniya habang pinupunasan ang ilang mga mesa na ginamit.

"Nasaan si bunso?"nadinig kong mayroong nagsalita at nakitang si Mortin iyon.Kaharap niya si Moreigh na abala naman sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Kuya Mortin, pakibuhat naman ito!"

Naagaw ang atensyon ni Mortin dahil sa sigaw ni Monroe.Naglakad papalapit sa kaniyang direksyon si Mortin at tinulungan siyang iangat ang table para mawalis ang nalaglag na pagkain doon.Kahit naka-tshirt ay bakat ang kaniyang mga muscles, ngunit hindi ganoon kalaki ang kaniyang katawan kung ikukumpara kay Torvas.Tsk!Bakit ba pumasok pa sa isipan ko ang lalaking iyon?Walang kwenta.

"Alis dyan, maalikabok!"kunot noong hinawi ako ni Mortin.

"Ouch!"daing ko sabay himas sa nasaktang braso.Natatawang pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Ouch kaagad?Konting tulak lang, nasaktan ka na?"

"Why are you so mean, Mortin?Hindi naman ganiyan ang mga magulang at kapatid mo."

"Maybe because I don't like you?"nakakalokong aniya at ginaya pa ang tono ng pananalita ko.

"Well, guess what?I don't like you too.You're annoying."

"Arte mo."napapailing na tinalikuran niya ako.Napansin kong nandoon na si Mama Mildred kaya nilapitan ko siya.Nagkasabay pa kami ni Mortin kaya awtomatikong nilingon namin ang isa't isa.

"Oh, parang magkasundo na kayong dalawa, Mortin, Amanda."nakangiting wika ni Mama Mildred.

Kung alam lang niya kung paano ako asarin at awayin ng lalaking 'to.Pasalamat na lang talaga si Mortin at anak siya ni Mama Mildred.

"Ang ganda-ganda talaga ni Amanda.Gusto ko siyang maging manugang.Bagay sila ni Mortin."narinig kong wika ng ama ni Mortin dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

"Ayaw ko sa kaniya, hindi ko siya type, Papa.May taste po ako."giit ni Mortin.

What the?

Nilaro-laro niya ang mga susing hawak niya bago naglakad papalayo.Para namang type ko siya!Ni wala nga siya sa kalingkingan ng mga tipo ko!Naramdaman ko ang paghawak ni Mama Mildred sa aking kamay.

"Pagpasensyahan mo na ang anak kong 'yon.Mapagbiro lang talaga si Mortin."

"Okay lang po, Ma."sagot ko kahit sa totoo lang ay bothered na bothered sa presensya ng kaniyang anak.

Alas dos ng hapon nang yayain akong umuwi ni Monroe sa bahay.Maliligo na raw kasi siya, sumama na rin ako dahil gusto ko rin munang makapagpahinga.

"Ate, matulog ka lang dyan ah.Bubuksan ko itong bintana para presko ang hangin.Mainit kasi kaya mainit rin ang buga ng hangin kapag binuhay natin 'yung electric fan."

"Sige, salamat, Monroe."

Nahiga ako sa kaniyang kama.Maliit iyon ngunit kasya naman kaming dalawa.Marami ring unan sa tabi, mukhang hindi siya sanay matulog ng wala ang mga iyon.

"Oh, damn!"mura ko nang mapabaling ang tingin ko sa isang malaking teddy bear.

Takot kasi ako doon.Kahit noong bata pa ako ay hindi talaga ako mahilig sa teddy bear.Sa isipan ko, baka sakalin nila ako o 'di kaya ay daganan hanggang sa hindi makahinga.Bumaling ako sa kabilang side at ipinikit ang mga mata upang matulog.

Bandang alas sais ng gabi nang magising ako.Iginala ko ang paningin ko sa kwarto ni Monroe upang hanapin siya, ngunit wala siya doon.Nag-unat-unat ako bago nagpasyang bumaba sa kama.Ang sarap ng naging tulog ko.Presko kasi ang hangin na pumapasok sa bintana.Ang sarap talagang tumira sa probinsiya.Hindi gaya sa syudad na puno ng polusyon ang hangin.

Sumilip ako sa bintana at natanaw si Mortin na may kausap na babae.Girlfriend niya kaya?May pumatol pala sa kaniya?May nakakatiis rin pala sa pag-uugali ng lalaking 'yon.Napapailing-iling ako habang tinatanaw sila.Panay ang ngiti sa kaniya ng babae habang siya naman ay seryosong nagsasalita, feeling niya naman ay ikinagwapo iyon.

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon